Cha's POV
"Nakakainis lang kasi ate bakit kailangan pa niyang sabihin yun? Bakit parang ang dali-dali lang para sakanya ang pakawalan ako?" Pagrarant ko.
"Wag kasi pangunahan ang lahat" makalma nitong sambit.
"Hindi achi eh! Bakit ganun? Bigla bigla nalang ganun? Ano yun? Di pa man nagsisimula suko na agad?" Naiiyak kong tanong.
"Teka nga lang Cha!" Saway ni ate Celine.
Naisipan ko kasing dito matulog, school mate ko siya sa La Salle ahead nga lang ng ilang taon.
"Umayos ka nga!" Utos nito, nagayos naman ako ng upo at pinunasan ang luha ko "ano ba si Vic sayo?" Tanong nito.
"Ang nagmamay-ari ng puso ko" sagot ko.
"Sigurado ka na ba?" Tanong nito.
"Yun ang tinitibok ng puso ko" sagot ko.
"Eh si Ray?" Tanong nito.
"Si Ray? Ex boyfriend ko! My past! Paulit-ulit!" Inis kong sagot.
"Ito last na! Bakit di mo sinabi kila tita na wala na kayo?" Taas kilay nitong tanong.
Natahimik naman ako sa sinabi nito at napaisip, bakit nga ba?
"O diba di ka makasagot? Kasi aminin mo man o hindi kaya hindi mo nasabi kasi umasa kang magkakaayos pa kayo" taas kilay nitong sabi.
"Hindi ko naman kasi idedeny yun pero dati na yun eh! Iba na ngayon!" Seryoso kong sambit.
"Nakapagusap na ba kayo ni Ray? Yung maayos na usap ah!" Tanong nito.
"Wala naman kaming dapat pang pagusapan" sagot ko.
"Yan kasi ang mahirap diyan Cha eh, ang point kasi ni Vic dito paano kung nabibigla ka lang sa mga nangyayari? Kaya gusto niyang magusap kayo ni Rey kasi gusto niyang siguraduhin mo diyan sa sarili mo kung talagang wala na ba!" Eksplenasyon nito.
"Wala naman na kasi talaga! Mahal ko si Vic achi maniwala ka man o sa hindi ngayon ko lang talaga naramdam to! Yung tipong nagiislowmo ang paligid pag kasama ko siya! Yung wala ka ng pake sa mundo basta't nandiyan siya" sincere kong sambit.
"Yun naman pala, eh anong kinakatakot mo? Bakit di mo na kausapin si Ray para matapos na to?" Tanong nito.
Bakit nga ba? Natatakot nga ba ako? Sa mga nangyayari ngayon hindi ko na maintindihan tong nararamdaman ko! Siguro nga natatakot akong makausap siya dahil baka meron pa akong nararamdaman sakanya!
Alam ko sa sarili ko kung sinong mahal ko at si Vic yun, pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang may part saakin na meron paring puwang sa puso ko si Ray? Hindi ko na maintindihan!
"Bakit ganito?" Wala sa sarili kong tanong.
"Masasagot lang yang mga tanong mo kung makikipagusap ka" nakangiting sagot nito.
"Paano kung ayaw ko?" Tanong ko.
"Eh di parang sinabi mo narin na natatakot ka" sagot nito.
"Masaya na ako kay Vic mahal ko siya" katwiran ko.
"Wala namang kumukwestyon diyan Cha, ang gusto lang naman ni Vic siguraduhin mo yang nararamdaman mo paano kung kayo na ni Vic tas bigla ka nalang mapaisip at dun mo lang tatanungin sa sarili mo kung sigurado ka na ba? Para sayo lang rin naman to eh, yung kinakagalit mong bakit ganun-ganun ka na lang niya kayang pakawalan jusko Cha magpasalamat ka nalang kasi mas inuuna niya ang kapakanan mo kaysa sa sarili niyang kasayahan" napapailing itong sambit.