4 years later
"Ready ka na?" Nakangiting tanong nito.
"5 minutes mommy" sagot ko habang inaayos ang tie ko sa harap ng salamin.
"Ako na diyan" lumapit ito saakin at inayos ang tie ko.
Pinapanood ko lang habang ginagawa ito, hindi ko inaasahan na magiging close kami ng ganito. Tinuring na niya akong parang sarili niyang anak.
"Yan okay na" nakangiti nitong sambit ng matapos.
"Salamat po" nakangiti ko ring turan.
"Ako dapat ang magpasalamat sayo anak" humawak ito sa balikat ko "kung hindi dahil sayo hindi magiging ganito kasaya ang anak ko" malambing nitong wika.
"Mommy" hinawakan ko ang kamay nito "hindi lang naman po ako ang nakakapagbigay ligaya sakanya, nandiyan kayong pamilya at mga kaibigan niya kung tutuosin bonus lang ako eh" nakatawa kong sagot.
"Sira ka talaga" natawa narin ito "seryoso nak, salamat ahh. Wag na wag niyo ng papakawalan ang isa't-isa" seryoso nitong sabi.
"Di mo na kailangan sabihin mommy, hindi na talaga" sabay kindat ko.
"Bilisan mo na nga lang baka malate ka pa" nagtungo na ito sa pintuan at binuksan ito "congratulation" pahabol nito tyaka tuluyang lumabas ng kwarto.
Napatingin ulit ako sa salamin, inayos ko ang buhok ko at nagpabango. Ang gwapo mo talaga Victonara walang kupas, kinuha ko sa table yung watch na binigay nito saakin at sinuot. Sumilip ulit ako sa salamin at ngumiti.
"Sa wakas ga-graduate na rin" pahabol kong puri sa sarili bago lumabas ng kwarto.
Pababa palang ako ng hagdan ay rinig na rinig ko na ang ingay sa baba.
"Oy Kimang ibaba mo nga yang paa mo sa mesa alam mong may mga bisita mamaya eh" galit na utos ni ate Aby.
Oo lumipad ang barkada dito sa US para sa graduation ko, ang sweet nga nila eh. Maayos naman itong bahay na nabili namin ng loml(love of my life) ko kaya kasya kaming lahat, habang nag-aaral kasi ako dito naghanap narin ako ng work at nagustuhan ako ng CEO ng isang malaking kompanya dito kaya kahit na nag-aaral pa ako eh kinuha na ako para magtrabaho sa company nila. Syempre ginamitan ko ng kunting charm. Hahahaha. Oy secret lang ahh may magagalit eh.
"Oy wafs!" Bati saakin ni Kim.
"Nasan yung iba?" Tanong ko.
"May binili saglit" sagot nito.
"Excited ka?" Tanong nito.
"Saan naman?" Balik tanong ko.
"Sa graduation mo" sagot nito, ngumiti lang naman ako ng malapad.
Kasi diba pinaghirapan ko talaga to lahat ng pagod, pawis at paghihirap ko nandun na buti nalang nandiyan din ang loml ko naka alalay saakin kaya kahit papano na kaya ko talaga.
"Nasaan ba sila mama at para makaalis na kami?" Tanong ko.
"Nasa kusina kasama ang mommy mo" sagot nito.
Nagtungo na ako ng kusina at napangiti nalang ng makita ko si mama at mommy na nagtatawanan habang nagluluto, balaeng balae ang peg eh. Hahaha. Ayoko silang istorbohin pero bakit hindi pa nakabihis ang mga to!
"Bakit di pa kayo nakaayos?" Tanong ko.
"Ay di na kami sasama nak dito nalang kami" sagot ni mama.
"Bakit?" Nagtatampo kong tanong.
"Request ng loml mo, siya nalang daw" sagot ni mommy.
"Eh nasan na po ba yun? Anong oras na eh baka malate kami" napapakamot ko sa ulong tanong.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
FanfictionPure FanFic lang po ✌️