Cha's POV
"Ditse tara lunch tayo" sulpot ni Mich.
"Hay naku Chepot asa ka diyan, may hinihintay yan!" Nakakalokong sagot ni Steph.
"Ay oo nga pala sorry naman" segunda naman nitong isa.
2 weeks na kasi mula nung nagpunta kami ng Batangas, balik work narin ako. Malapit lang itong office sa resto ni Aby kaya lagi akong pinupuntahan ni Vic dito paglunch. Simula kasi nung nangyari sa Batangas naging close na kami.
Kada gabi magkatext kami mukha nga kaming high school eh. Hahaha. Textmate lang! Pero mas okay na yun kasi nawawala sa isip ko si Rey lalo na't nangungulit ang mokong na yun!
"Hindi naman sa against ako sa kung anong meron sainyo ahh, pero Cha baka naman umasa yung bata" seryosong sabi ni Steph.
"Paulit-ulit tayo Paneng!" Nakatawa kong sagot.
Ilang araw narin nila akong kinukulit, nakwento ko rin kasi sakanila na umamin saakin si Vic pero klinaro ko naman na hindi siya nanliligaw saakin o whatever basta sa ngayon magkaibigan kami.
"Naninigurado lang po!" Sagot ni Steph.
"Ibahin naman natin ang tanong ngayon ate Steph, ikaw ba ditse walang nararamdaman sakanya?" Pagiintriga ni Mich.
"Crush nga!" Diretso kong sagot.
"Crush nga lang ba?" Nakakaloko nitong tanong.
"Maging masaya nalang kaya kayo, atleast diba nakakalimutan ko si Rey" sagot ko.
"Oo nga pala, diba kinukulit ka nun?" Usisa ni Mich.
"Tumigil na nga eh, tumawag kasi siya kahapon tas si Vic yung sumagot eh yung nguso na yun ang pakilala girlfriend ko daw kaya tigilan na daw ako" nakatawa kong sagot.
"Eh di ayos para tigilan ka na nun" nakatawang sambit ni Steph.
Sakto namang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. Awtomatiko naman akong napangiti ng makita ko kung sino yung nagtext.
From: Ngus!,
"Kin nandito na ako sa baba, tara lunch na tayo"
To: Ngus!,
5 minutes Ngus 😁
"Exit na tayo Cheps iba na yung ngiti nitong isa eh" pangaasar ni Steph.
"Enjoy ahh!" Pahabol naman ni Mich tyaka sila tuluyan ng lumabas.
Inayos ko muna ang mga papers na nakakalat dito sa table tyaka ako bumaba. Pagdating ko ng lobby ay nadatnan ko itong nakaupo sa sofa habang hinihilot ang sentido nito. Lumapit na ako dito tyaka hinawakan siya sa braso.
"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong, nag-angat naman ito ng tingin tyaka ngumiti ito saakin pero matamlay ang mga mata niya.
"San tayo?" Tanong nito ng makatayo.
"Treat ko ngayon ah, dalawang araw ka ng diretso eh" nakatawa kong sabi.
"Oo na po" sagot nito.
...
"Ohh bakit? Ayaw mo ba?" Tanong ko, halos hindi niya kasi nagalaw ang pagkain niya.
"Wala akong gana eh" matamlay nitong sagot.
"Kain ka maski kunti lang para makainum ka ng gamot" sinubuan ko ito ng lasagna na kinakain ko. Akala ko aarte pa eh, buti nalang isinubo "kahit bawasan mo lang ng kunti yang chicken mo" utos ko.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
FanfikcePure FanFic lang po ✌️