IYNTO24

1.1K 31 8
                                    

Vic's POV

"sorry pero" nagiwas siya ng tingin "kailangan na nating tapusin to!"

Napabitaw nalang ako sa pagkakahawak ko sa pisngi niya at napayuko.

"Hindi magandang biro to Kin" seryoso kong tugon.

"I'm sorry Vic" paumahin nito tyaka humagulgol.

"Kin please!" Pagmamakaawa ko.

"I love you Vic" hinawakan niya ako sa kaliwang pisngi "but ----" iniwas ko ang mukha ko sa kamay niya.

"Ayan nanaman tayo sa but!" Nag-unahan ng tumulo ang luha ko "nasan na yung beyond forever? Nasan na yung I'll fight with you? Ano yun? Nawala nalang na parang bula?" Singhal ko.

"Vic please try to understand" pagmamakaawa nito.

"No! This time you try to understand!" Madiin kong sambit.

"Pinagpili ako ni mommy, kung ikaw o siya. Mahal kita pero hindi ko kayang talikuran ang pamilya ko" humahagulgol nitong sambit.

"Di ko sinasabing talikuran mo ang pamilya mo Cha, marami namang pwedeng paraan diyan eh. Nagsisimula palang tayo tas susuko ka na?" Humihikbi kong sambit.

"Paraan? Tulad ng ano?" Tanong nito.

"Hindi ko rin alam pero kakayanin naman natin to basta't magkasama tayo, Kin naman please lang wag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo" pagmamakaawa ko.

"Ayokong sumugal sa walang kasiguraduhan, kaya hangga't maaga pa itigil nalang natin to" malungkot nitong sagot.

"Mahal mo ba ako?" Tanong ko.

"Ano bang tanong yan!" Singhal nito.

"Paki sagot nalang" pakikiusap ko.

"Oo naman Ngus, mahal na mahal kita" sincere nitong sagot.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko ulit.

"Oo naman! Itong puso ko siguradong ikaw ang tinitibok" sincere nitong tugon.

"Sayo narin nang galing na sigurado ka diyan sa nararamdaman mo saakin, hindi pa ba sapat yan para sumugal ka?" Seryoso kong tanong, napayuko nalang ito.

Niyakap ko siya ng mahigpit, yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay inaasahan kong mawawala pag niyakap ko siya tulad ng dati pero wala lalo lang bumigat ang paki ramdam ko kasi once na kumawala ako sa yakap na to alam kong mawawala narin ako sa buhay niya.

Napapikit nalang ako ng gumanti ito ng yakap saakin, parehas na kaming di makahinga sa kakaiyak. Gusto ko siyang patahanin sa pagiyak kasi lalo lang nadudurog ang puso ko pag nakikita siyang ganito, pero paano? Kung ang sarili ko nga ay hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha!

Hinalikan ko ito sa ulo at kumalas na sa pagkakayakap ko sakanya, hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi.

"I love you" sincere kong sabi.

"I love you" sincere nitong sagot.

"Diba sinabi ko na sayo noon na wag mo na ulit sasabihin yan kung di mo naman kayang panindigan" tyaka ako naglakad palayo sakanya.

Binabagalan ko ang lakad ko, nagbabakasakaling yumakap siya saakin at magmakaawang wag akong umalis, pero wala! Ito na talaga yun!

Hindi ko alam kung sapat ba yung salitang 'nasasaktan ako' sa nararamdaman ko ngayon! Mas pipiliin ko ng mamatay kaysa makaramdam ng ganito! Mas okay na yung mamatay ako kaysa sa bawat paghinga ko eh lalo lang bumibigat itong paki ramdam ko.

Kasi simula ngayon alam ko ng wala na siya sa buhay ko at wala narin ako sa buhay niya! Paano na ako ngayon kung siya ang lahat saakin? Paano na ako gigising sa umaga kung wala na siya? At higit sa lahat paano pa ako mabubuhay kung wala na yung dahilan kung bakit tumitibok pa ang puso ko!

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon