Vic's POV
"Pogi ka na" sulpot ni daks.
"Tama na ba tong suot ko?" Aburido kong tanong habang tinitignan ang reflection ko sa salamin.
"Lagi ka namang pogi tomsy" nakangiti nitong tugon.
"Anong kailangan mo?" Pangaasar ko.
"Loko! Sa ngayon nagsasabi ako ng totoo" nakatawa nitong tugon, napabuntong hininga nalang ako tyaka humarap sakanya.
"Relax lang tomsy" sabay tapik nito sa pisngi ko.
"Hindi naman sa sarili ko ako nagaalala daks eh" aburido kong tugon.
"Saan naman?" Kunot noo nitong tanong.
"Kay Kin" malungkot kong sagot.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ulit nito.
"Baka nang dahil saakin kung anu-ano ang masabi ng mga kamag-anak niya" nagaalala kong sambit.
"Ano ka ba! Wag mo na munang isipin yan! Kaarawan niya ngayon, special ang araw na to sakanya yun nalang muna ang pagtuonan mo ng pansin. Isa pa tulad nga ng sinabi niya diba? Wala siyang pake sa sasabihin ng iba kasi wala na siyang ibang gustong gawin kung di mas mahalin ka pa" sabay wiggle ng kilay niya.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti, nung gabing nagpunta ang mommy niya sa bahay namin naging okay na ang lahat well not totally okay kasi di namin alam ni Kin kung ano ang pinagusapan nila ni mama pero nagkaayos na si Kin at ang mommy niya.
Kung tatanungin niyo ako kung tanggap na ba ako ng mommy niya? Yan ang hindi ko masasagot, siguro sinusubukan niya para kay Kin pero iba parin yung nararamdaman ko eh. May something parin sa mga tingin niya saakin yung bang kahit wala siyang sinasabi eh ramdam mo naman sa mga tingin niya na di parin siya sang-ayon sa mga nangyayari.
Hindi ko nalang ito pinapansin kasi ayaw kong pagsimulan nanaman ng away nila ni Kin.
"WAFS!" Pangbabasag nito sa iniisip ko.
"O? Kung makasigaw naman ate Kim!" Sita ko.
"Eh kanina pa kita tinatawag di ka naman namamansin" sagot nito.
"Sorry, may iniisip lang" paliwanag ko.
"May good news ako sayo" nakangiti nitong sambit.
"Okay na?" Excited kong tanong.
"Oo naman, kayo nalang ni ditse ang kulang" nakangiti nitong sagot.
"Nice! Thanks wafs ahh!" Masaya kong sambit sabay akbay ko sakanya.
"No prob wafs! Basta ikaw!" Tyaka ako sinuntok ng mahina sa braso.
Syempre kahit na may party siya ngayon iba parin yung sarili kong surprise, kailangan namin ng alone time.
"Parang ang manyak ng ngiti mo ahh!" Pangaasar nito.
"Gag*!" Tyaka ko ito binatukan "sira ka talaga" nakatawa kong wika.
"Eh bakit naman kasi ganyan ka makangiti?" Nakatawa nitong tanong.
"Lumabas ka na nga lang" sabay tulak ko dito palabas ng pinto.
"Bilisan mo na diyan! Aalis na tayo" pahabol nito bago ko isara ng tuluyan yung pinto.
"Oo na! Five minutes lang" hirit ko, tumango naman ito at sinara na ang pinto.
Tumapat na ulit ako sa salamin at kung anu-ano pang ritual ang ginawa ko. Nagpabango, nag-ayos ng buhok.
Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan sila sa sala na naghihintay.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
FanfictionPure FanFic lang po ✌️