Vic's POV
"Aminin mo na kasi" pangaasar ni ate Kim.
"Wala naman kasi akong aaminin!" Inis kong sagot.
"Ohhh eh ano yung kanina?" Patuloy nito sa pangaasar.
"Ano ba yung kanina?" Balik tanong ko.
"Sus, kunyari ka pa!" Sabay siko saakin.
"Huy!" Saway ko, muntik ko na kasing mahulog yung iniihaw kong bangus.
"Umamin ka na kasi" nakatawa nitong sabi.
"Wala naman kasi akong aaminin!" Inis kong sagot.
"Sige na, baka matulungan pa kita" taas baba't kilay nitong sabi.
"Kumuha ka nalang ng pinggan dun, yan nalang ang itulong mo" utos ko. Aangal pa sana ito ng itulak ko na papasok ng bahay.
Nandito pala kami sa rest house nila ate Kim, wala chill-chill lang daw. Nakakarelax nga naman talaga, malapit sa dagat ito kaya tanaw na tanaw ang karagatan dito.
Ang mga ates nga nasa beach ngayon eh naglalaro ng volleyball. Maghahapon narin kaya hindi na masyadong mainit. Nagset sila ng tables at chairs dun. Gusto daw nila duon maghapunan.
"Ito na po ohhh" supot ni ate Kim sabay abot ng plate.
"Paki lapag nalang muna diyan" utos ko "teka nga nasan ba sila FO?" Tanong ko.
"Ayun ohhh!" Sabay nguso sa gawi ng mga nagva-volleyball.
Napatingin naman ako sa tinuro niya, sila ate Aby lang naman yung nandun. Napako naman ang tingin ko sa isang dilag na kakasali lang sa game nila. Naka two piece siya, well halos lahat naman sila pero iba siya eh.
Ayan nanaman yung slow-mo effect eh. Mula sa pagpalo niya ng bola, sa pagtawa, sa pagpikit ng mata. Hay! Ano bang nangyayari? Kaya ako inaasar ni ate Kim eh.
Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong sulyapan siya kanina sa sasakyan. Para kasi siyang anghel kung matulog.
"Huy! Wala sila diyan! Iba nanaman yang tinititigan!" Pangbabasag ni ate Kim sa iniisip ko.
"Trip mo nanaman!" Inis kong sambit.
"Wag ka ng magkunwari diyan! Yun ang tinuturo ko ohh" napatingin naman ako sa gawi nila FO na nagaayos ng plates.
Di ko naman maiwasan mapatingin ulit kay Cha, ang ganda talaga maski puro buhangin na.
"Ayan nanaman yang mga titig mo! Sunog na yung iniihaw mo!" Sigaw ni ate Kim.
Nagmadali naman akong alisin ang bangus.
"awww!" Sambit ko ng mailagay ko sa plate yung bangus.
"Kasi iba ang inaatupag!" Napapailing na sabi ni ate Kim.
"Dun ka na nga! Mag-volleyball ka nalang dun!" Pagtataboy ko.
"Oo na" sagot nito habang papunta ng beach, napailing nalang ako.
Isinalang ko na yung mga pusit. Umupo ako at tinignan ang kamay kong napaso. Tsk! Katangahan kasi Victonara eh!
Cha kasi eh! Ano ba kasing meron sayo at nagkakaganito ako? Never pa naman akong naging ganito sa iba. Nababaliw na atta ako! Hinga lang ng malalim Vic. Wala yan!
Kung ligawan ko kaya? Hahaha! Natawa nalang rin ako sa naiisip ko. Ang taas ng pangarap eh no! Straight kaya yun, tiyaka ano ba naman ako kumpara sakanya? Oh diba? Parang kapatid nga lang ang turing saakin nun eh. Tsss!
Ang weird lang kasi bakit ganun din siya ka sweet saakin? Oh feeling ko lang? Kasi diba hinayaan niya akong yakapin siya kagabi eh kakakilala lang namin, tapos hinalikan pa niya ako sa pisngi. Oh diba? Hahaha! Ang assuming ko lang! Oy don't get me wrong ahh hindi ko inabuso ang pagkabroken-hearted niya, concern talaga ako sakanya.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
Hayran KurguPure FanFic lang po ✌️