IYNTO25

1.2K 41 11
                                    

Vic's POV

"Nak kain na" sulpot ng papa ko.

"Susunod nalang po ako Pa tapusin ko lang po itong ginagawa ko" nakangiti kong tugon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng mga damit ko sa maleta, opo tama kayo ng narinig maleta. Tinanggap ko yung scholarship sa Stanford University.

"Sigurado ka na ba?" Napatigil naman ako sa pagiimpake at humarap kay Papa.

"Ayaw niyo po ba akong umalis?" Tanong ko.

"Inuna mo kaming pamilya mo bago ang sarili mong pangarap, ngayon unti-unti ng natutupad wala kaming gusto ng mama mo kundi ang makakabuti sayo kaya kung napili mong umalis hindi kami tututol. Wag mo kaming alalahanin dito magconcentrate ka na sa sarili mo" litanya nito.

"Salamat po" nakangiti kong tugon at bumalik na sa pag-iimpake.

"Ang inaalala ko lang ay yung mga taong maiiwan mo maliban saaming pamilya mo" seryoso nitong sabi.

"Ang barkada po ba? Sangayon naman po sila sa naging desisyon ko" sagot ko ng hindi ito nililingon.

"Eh si Cha?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marining ko ang pangalan niya.

"Bakit si Cha?" Maang-maangan ko.

"Paano kung bigla siyang bumalik?" Seryoso nitong tanong.

"Tulad nga po ng sinabi niyo kanina sarili ko muna" diretso kong sagot.

Napaupo nalang ako sa kama ko ng makalabas si Papa, sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko kung sakali mang mangyari yun pero sino bang niloko ko? Napaka imposibleng mangyari yun.

Apat na araw na ang nakalipas mula ng maghiwalay kami, wala akong balita sakanya. Mas pinili ko narin to para hindi na ako mahirapan pa pero mas lalo akong nasasaktan eh kasi kahit na anong gawin ko para mawala siya sa isip ko walang epekto.

Walang epekto kasi sa lahat ng ginagawa ko naalala ko siya, tyaka anong silbi na mawala siya sa isip kung dito sa puso ko nakatatak parin siya? O diba parang tanga lang!

"Sakin ka nalang manggigil" pilya kong wika.

"Ikaw talaga!" Yumuko ito at kinagat ako sa tenga.

"Aray Kin!" Reklamo ko, hindi ko naman pwedeng hilain kasi lalo lang niyang didiinan.

Napaiwas nalang ako tingin sa kama ayan nanaman kasi napapa-reminisce ako, sobra nangungulila na ako sakanya kaya kahit saan ako tumingin nandun siya. Tumayo nalang ako at lumabas na ng kwarto, dumiretso na ako ng dining room at umupo sa tabi ni kuya. Pinaglagyan ako ni mama ng food sa plate, di ko naman mapigilang mapatingin sa kitchen.

"Teka nga lang kasi Kin mainit pa eh" nakatawang kong sambit.

"Hipan ko lang" hinipan naman niya ang nasa sandok at pinatikim saakin.

"Yown! Pwede na" bulaslas ko sabay wiggle ng kilay masarap naman kasi talaga.

"Anong pwede na?" Tanong naman nito.

"Pwede na kitang asawahin" malambing kong sagot sabay pulupot ko ng braso sa bewang niya.

"Paano kung ayaw ko?" Pangaasar niya sabay pulupot narin ng braso nito sa leeg ko.

"Kahit anong sabihin mo alam kong gusto mo rin" presko kong tugon.

"Ang lakas Victonara ahh!" Banat naman nito.

"Halikan kita diyan eh!" Panghahamon ko.

Napapikit nalang ako at napayuko, wala sa sarili akong sumubo ng sumubo. Wala akong pake kung mabulunan man ako, basta dirediretso lang ako.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon