IYNTO15

1.2K 40 28
                                    

Camille's POV

Naalimpungatan ako ng may sunod-sunod na nagdoorbell, napatingin ako sa orasan it's 6 o'clock in the morning. Nagtungo na muna ako ng CR para makapaghilamos at toothbrush.

Paglabas ko ng kwarto ay sakto rin ang paglabas ni kambal kaya sabay na kaming nagtungo sa baba at binuksan ang pinto.

Nagulat nalang kami ng bumungad saamin si Vic na lasing na lasing at si Mika na umaalalay sakanya para makatayo ng maayos.

"Bakit anong nangyari diyan?" Nagaalala kong tanong.

"Nasan ate mo?" Natutumbang tanong ni Vic.

"Ano to Ye?" Tanong ni Cienne.

"Naglasing eh! Iuuwi ko na sana pero nagpumilit na pumunta dito kailangan daw niya makita ang ate niyo" sagot nito.

"Tulog pa, anong oras palang kaya!" Sagot ko.

"Kahit pasilip nalang" pagmamakaawa nito.

Nauna na siya maglakad aalalayan sana siya ni Mika pero ayaw magpahawak kaya sumunod nalang kami sakanya.

"Ano ba kasing nangyari bakit naglasing yan?" Tanong ko.

"Broken hearted!" Sagot nito.

"What do you mean?" Tanong ni kambal.

"Oy dahan-dahan lang" sabay takbo ni Mika palapit kay Vic muntik na kasing matumba eh.

"Okay lang ako daks" tumayo ito ng maayos at ngumiti.

"Itulog mo nalang kaya muna yan Vic" nagaalala kong wika.

"Kailangan ko muna siyang makita" sagot nito tyaka naglakad na patungo sa kwarto ni ditse.

Nakasunod lang kaming tatlo sakanya dahan-dahan nitong binuksan ang pinto ni ditse at pumasok, kami namang tatlo ay nakasilip lang dito sa may pinto.

Lumuhod ito sa gilid ng kama ni ditse at tumitig sa maamong mukha nito, she's smiling but we can feel her pain. Bigla nalang may tumulong luha sa pisngi nito.

May mga binubulong ito pero hindi na namin marinig, nakatitig lang ito sa mukha ni ditse yung tipong ito na yung last! Mine-memorize niya bawat angle. Napabuntong hininga nalang siya at tumayo, pinunasan nito ang luha niya at humalik sa noo ni ditse.

Napasulyap pa ito minsan tyaka tuluyan ng lumabas ng kwarto.

"Ops! Wag dito!" Natatarantang wika ni Mika.

"Dito nalang" sabay bukas ni Cienne ng kwarto niya.

Nagmadali kaming ipasok ni Mika si Vic sa CR at binuksan ang toilet bowl.

"Kukuha lang ako ng towel at maligamgam na tubig" paalam ni Cienne.

"Buong gabi ba yang uminum? Bakit kasi hinayaan niyo?" Tanong ko.

"Ayaw kasing magpaawat! Alam niyo naman na to eh minsan lang magmatigas ang ulo pero sobra!" Sagot ni Mika habang tinatapik ang likod nito.

"Ano ba kasi talagang nangyari?" Tanong ko.

"Tulungan mo muna ako dito" utos nito, isinampay ko na sa balikat ko ang kaliwang braso ni Vic at sabay naming dinala ni Mika ito sa kama.

"It's kuya Ray" hinihingal na sagot ni Mika.

"Why? Ano nanaman ginawa niya?" Inis kong tanong.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon