IYNTO5

1.5K 32 7
                                    

Vic's POV

Tsss, napakamot nalang ako sa ulo ko ng makita ko ang mga hugasin sa sink. Kahit na binanlawan man lang sana, hay kay tamad talaga ng mga yun. Matulog nalang ata ako ulit, katamad maghugas eh. Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula ng maghugas. Imbes na magluluto na sana eh, lagot talaga saakin ang mga yun mamaya.

Pasalamat sila ang ganda ng gising ko. Napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko yung kagabi, mukha akong tanga nauntog pa ako ng palabas ako ng kwarto niya. Hindi ko naman kasi ine-expect na hahalikan niya ulit ako sa pisngi, dapat ata masanay na ako. Hahaha.

Go with the flow lang muna ako ngayon kung ano man ang meron saamin, gusto ko siya hindi ko itatanggi yun pero sa ngayon broken hearted pa siya ayoko namang maging panakip butas. Wow ang assuming eh no? Para namang magugustuhan rin ako. Hahahaha. Sa tingin ko naman may kunti cute daw ako eh.

"Opss!" Sambit ko ng muntik ko ng mabitawan yung baso, last na nga to mababasag ko pa.

Nagpunas ako ng kamay ng matapos akong maghugas, binuksan ko yung ref para tignan kung anong pwedeng mailuto. Busy ako sa paghahanap ng may magsalita mula sa likuran ko.

"Ang aga ahh" bati nito, napatingin naman ako sakanya.

"Ang gulo kasi ni Mika matulog eh" nakangiti kong sagot, tumango lang naman ito.

Bumalik narin ako sa paghahanap ng mailuluto. Ang daming choices di tuloy ako makapili.

"Nag-coffee ka na?" Tanong nito. Napatingin ulit ako sakanya.

"Di pa eh" sagot ko.

Kumuha naman siya ng isa pang cup at tinimplahan ako ng coffee. Oh diba? Ang sweet niya. Hahaha. Pangalawang beses na niya akong tinimplahan.

"Mamaya na yan magcoffee ka muna" utos nito.

Sinara ko na yung ref at umupo sa tapat niya, nilapag niya sa sarap ko yung tinimpla niyang coffee.

"Thanks" nakangiti kong sambit.

"Ano bang lulutuin mo?" Tanong nito.

"Wala nga akong maisip eh, ano bang gusto mo?" Tanong ko.

"May tuyo ba diyan?" Tanong nito.

"Tuyo? Seryoso?" Nakatawa kong tanong.

"Oo, bakit? Masarap kaya yun lalo na pag may kamatis" natatakam nitong sagot.

Lalo tuloy akong nabighani sakanya, kasi diba Cha Cruz yan eh may kaya talaga sa buhay, pero  tignan mo walang kaarte-arte sa katawan. Karamihan kasi ng mga tulad niya ay hindi kumakain ng mga ganyang klase ng pagkain.

"Walang tuyo diyan eh, pero pwede kitang bilihan" taas baba't kilay kong sagot.

"Mamalengke ka?" Excited nitong tanong.

"Sama ka?" Tanong ko.

"Oh sige" magiliw nitong sagot.

"Di ka rin excited no?" Pangaasar ko.

"Ang tagal ko narin kasing si namamalengke puro sa grocery nalang" katwiran nito.

"Ditse sasama ka ba?" Sulpot ni ate Aby.

"Good morning po" bati ko.

"Good morning" nakangiti nitong bati.

"Saan?" Kunot noong tanong ni Cha.

"May susunduin tayo diba?" Sagot nito.

"Ay oo nga pala, pwede bang di na sumama?" Pakikiusap nito.

"Bakit?" Tanong ni ate Aby.

"Mamalengke kami ni Vic" sagot nito, tumango nalang si ate Aby.

"Ohh sya tara na para makabalik tayo ng maaga" nilagok ko yung natitira kong coffee tyaka tumayo "wait kunin ko lang yung wallet ko" dumiretso na ako ng kwarto namin ni daks.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon