IYNTO23

1K 30 20
                                    

Vic's POV

"Pssst" tawag ko kay Cienne.

"O bakit?" Tanong nito ng makalapit.

"Gising na ba si tita?" Bulong kong tanong.

"Nasa kwarto pa, lumabas ka kaya diyan" nakatawa nitong utos.

Nandito lang kasi ako sa pinto ni Kin ulo ko lang ang nakalabas, ayoko kasi talagang magpakita kay tita baka makarinig nanaman ako eh.

"Labas na" sabay hila saakin palabas.

"Sure ka ah?" Tanong ko.

"Diba kambal nasa kwarto pa si mommy?" Tanong nito kay Camille.

"Oo tulog pa yun" sagot naman nito.

"O tara na sa baba, para makapagluto ako ng almusal habang di pa siya gising" hilina ko na silang dalawa pababa tyaka kami dumiretso sa kitchen.

"Bakit takot na takot kang makita ni mommy?" Tanong ni Camille.

"Basta wag na kayo magtanong, tulungan niyo nalang ako dito" utos ko.

Naglabas na ako ng tocino, hotdog at bacon sa ref si Cienne naman naghiwa na ng bawang para sa sinangag si Camille naman ni-ready na yung pan.

Inunan ko ng i-prito ang hotdog, yung dalawa naman naka-upo lang sa counter chair habang nagkakape.

"Vic?" Tawag saakin ni Camille.

"Hmmm?" Tanong ko.

"Pagpasensyahan mo na si mommy ah" paumanhin nito.

"Ayos lang yun, nandiyan naman kayo diba? Tanggap niyo naman ako?" Nakangiti kong tanong.

"Tanggap na tanggap Vicky" nakangiting sagot ni Camille.

"We will fight with you" segunda naman ni Cienne.

"Naks! Kaya mahal na mahal ko kayo eh" tyaka ako umakbay sakanila.

Napatayo naman si Cienney ng biglang magring ang phone nito.

"Wait lang ahh" nahihiya nitong paalam tyaka lumabas.

"Luma love life na ang kambal ko" nakangiting sambit ni Camille.

Ako naman nagpatuloy na sa pagluluto, patapos narin maligo yun si Kin kaya minamadali ko na. Isa pa baka biglang sumulpot ang mommy niya.

"Vic wait lang, kunin ko lang yung phone ko sa kwarto" paalam nito.

"Oy wag mo akong iwan dito" pakikiusap ko.

"Saglit lang naman Vicky!" Pagpupumilit nito.

"Bilisan mo ahh!" Utos ko, tumango naman ito at tumakbo na palabas.

Wala pang sampung segundo ay may narinig na akong nagbukas ng pinto.

"Ang bilis ahh" nakatawa kong sabi.

Nawala naman ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino yung dumating.

"Nandito ka nanaman?" Taas kilay nitong tanong.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon