IYNTO13

1.3K 36 12
                                    

Cienne's POV

"Opo mommy kami na ang bahala ni Camille" sagot ko.

"Muntik ko ng makalimutan nandun rin pala si Ray nakausap na niya yung may-ari ng resort" magiliw na saad nito.

"Bakit kailangan kasama pa yun?" Yamot kong tanong.

"Boyfriend ng ate mo yun eh, bakit ba parang ang init ng ulo niyo dun?" Paguusisa nito.

"Di naman sa ganun mommy ang amin lang kasi kaya naman namin ni kambal yun eh kaya di na namin kailangan ng tulong niya" paliwanag ko.

"Hayaan mo na dapat nga magpasalamat pa tayo eh" sagot nito.

"Opo, sige pupuntahan na po namin ni kambal" walang gana kong sambit.

"O sya sige magiingat kayo ng kapatid mo" bilin nito.

"Opo mommy kayo rin po" sagot ko sabay end ng call.

"O bakit nakasimangot ka diyan?" Sulpot ni ditse.

"Kanina ka pa ba diyan?" Kinakabahan kong tanong.

"Di naman bakit?" Kunot noo nitong tanong.

"Wala" iling kong sagot.

"Okay ka lang ba?" Tanong nito, tumango naman ako "magmomovie marathon kami ni Vic baka gusto mong sumali" alok nito.

"Di na may pupuntahan pa kami ni kambal eh" tanggi ko.

"Si Camille? Nakapwesto na nga din eh" nakatawa nitong sabi.

"Biglaan kasi may kikitain lang kami" sagot ko, tumango nalang ito at nagtungo na sa sala.

Jusko buti nalang biniyayaan niyo ako ng mahabang pasensya! Kung hindi baka kung ano lang ang magawa ko sa Rey na yun! Ang kapal ng mukha eh!

Hindi rin naman namin masabi kay ditse kasi diba surprise nga! Idagdag mo pang nagpapatulong rin si Vic saamin, hindi pa nga namin nasasabi sakanya ni kambal ang plano ni mommy eh lalo na kasama pa sa eksena si Rey!

Nagtungo na ako sa sala nadatnan ko si Vic at ditse na magkatabi sa foam naglatag kasi sila sa harap ng TV si kambal naman nasa sofa.

"Psst tara!" Kalabit ko kay Camille.

"Saan naman?" Kunot noo nitong tanong.

"May kikitain lang tayo" sagot ko.

"Di ba pwedeng bukas nalang? Ang ganda kasi nung movie eh" pagmamakaawa nito.

"Oo nga naman Cienney! Tara nood tayo" aya ni Vic.

"Di na Vic sa susunod nalang" tanggi ko "halika na!" Madiin kong utos sa kambal ko, padabog naman itong tumayo

"Kasi naman eh!" Reklamo nito tyaka nauna ng lumabas.

"May ipapabili ba kayo?" Tanong ko sa dalawa di naman ito sumagot busy sa kakalandi eh nagkikilitian, napailing nalang ako tyaka sumunod na kay kambal.

"Ano nanaman ba?" Bungad nito.

"Tumawag si mommy puntahan daw natin yung resort na paggaganapan ng birthday ni ditse" sagot ko sabay sakay sa driver's seat.

"Pwede namang bukas" inis nitong sabi ng makasakay.

"Kung pwede nga lang wag na tayong pumunta" sagot ko at nagstart na magdrive.

"What do yo mean?" Tanong nito.

"Hinihintay tayo ni kuya Ray" walang gana kong sagot.

"Talagang! Ang kapal ng mukha! Makakarinig talaga saakin yun!" Nanggigigil nitong sabi.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon