Cha's POV
"Ngus!" Pangungulit ko, hindi naman ito sumagot "naman eh! Wag mo muna akong tulugan!" Sabay yugyog ko sakanya, hindi naman ito gumalaw.
Bumangon ako at dumagan sakanya, inalis ko ang kumot na nakabalot sa ulo nito.
"Oy!" Hinalikan ko ito sa pisngi, wala parin "Ngus!" Hinalikan ko ito sa noo "gising!" Sa ilong ko naman ito hinalikan "ayaw mo talaga ahh" umalis ako sa pagkakadagan ko sakanya at nagtungo sa bandang talampakan niya, kiniliti ko ito.
Akmang ipapasok nito ang talampakan niya sa kumot ng hawakan ko at kiniliti lalo.
"Kin, hahahahaha" pilit nitong inaalis ang paa sa pagkakahawak ko pero hindi ko binitawan.
"Tutulugan mo pa ako?" Nakatawa kong tanong.
"Di na po! Ito na gising na" pagmamakaawa nito.
"Good!" Sambit ko tyaka binitawan ang paa niya, umunan na ako sa braso niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Kiss lang naman sa labi ang hinihintay ko eh" pilya nitong wika.
"O eh di gising ka pala! Chansing ahh" sabay kurot ko sa ilong nito, natawa nalang ito.
"Eh sa kiss ang gusto ko eh" sabay pout nito ng labi niya.
"Ayaw ko nga! Quota ka na saakin kanina eh" pangaasar ko.
"Daya bitin naman eh, ang daming istorbo" pagmamaktol nito.
Kasi nga diba kasama ang barkada kanina idagdag mo pang mga nakainum na kaya napakakulit na ng mga yun, hindi nga kami makapagsolo ni Ngus eh. Laging may sumusulpot tas mangaasar, kaya itong isa pikon na pikon.
"Kaya lagot ka ngayon" tyaka ito dumagan saakin.
"Ngus ahh! Ang manyak mo na!" Pangaasar ko.
"Anong manyak ka diyan!" Bumababa ito sa bandang tyan tyaka ko at tinaas ang damit ko.
"Oy Victonara!" Saway ko, itutulak ko sana ito pero syempre nas malakas siya kaya wa epek!
Napalakas naman ang tawa ko ng bigla nitong hinalikan ang tyan ko.
"Ngus! Stop na!" Pagmamakaawa ko, pero wala parin "sige na ikikiss na kita" panguuto ko.
"Talaga?" Parang bata nitong tanong.
"Oo nga" sagot ko, umalis naman ito sa pagkakadagan saakin at bumalik na sa pwesto niya.
Pinagdikit nito ang noo namin at akmang hahalikan ako ng iniwas ko ang mukha ko kaya sa cheeks lang dumapo, nagpout naman ito ng lips niya at tumalikod saakin.
"Ay nagtampo ang babyNgus ko!" Panlalambing ko, pilit ko siyang pinapaharap saakin pero nagmatigas ito.
"Bahala ka diyan" inis nitong sambit.
"To naman di na mabiro" tyaka ko ito sinundot sa tagiliran.
"Isa!" Pagbabanta nito sabay harap saakin.
"Joke lang naman kasi, I love you" panlalambing ko.
Bigla nalang itong bumangon at hinalikan ako sa labi, ramdam ko ang pananabik nito pero nandun parin yung pagka gentle sa halik niya. Hindi na ako nagpakipot at sinagot ko narin ito.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
Hayran KurguPure FanFic lang po ✌️