Vic's POV
"Ngus" malambing nitong tawag saakin.
"Hmmmm?" Tanong ko.
"Sorry" paninimula nito, niyakap ko nalang ito ng mahigpit "gusto ko lan---"
"Shhhh" putol ko sa sinasabi niya "wag na muna natin pagusapan to Kin, basta ang importante ngayon magkasama tayo" sagot ko.
"Baka kasi pag gising ko wala ka nanaman" malungkot nitong saad.
"Di bale sa susunod magpapaalam na ako" nakatanggap naman ako ng kurot sa tagiliran "awww" reklamo ko "bakit?"
"Wag ka ng umalis ulit!" Pagmamakaawa nito "halos mabaliw ako mula nung umaga, naka-off pa ang phone mo kaya hindi kita matawagan!" Inis nitong wika.
"Sorry" sincere kong sambit tyaka ko ito niyakap ng mahigpit.
"Aayusin ko to Vic! You'll wait right?" Tanong nito.
"Ofcourse!" nakangiti kong sagot, hinalikan ako nito ng mabilis sa labi tyaka isiniksik sa leeg ko ang mukha nito.
Ipinatong ko ang ulo ko sa ulo nito, hindi ko alam kung ang mangyayari bukas o sa mga susunod pang araw basta ang alam ko ngayon hindi ko kayang pakawalan ang taong to!
Tanga! Martyr! Man akong matawag isa lang ang isasagot ko, nasasabi niyo lang yan kasi wala kayo sa sitwasyon ko ngayon. Mahal ko Cha! Sobra! Nung sinabi kong siya na ang gusto kong makasama habang buhay seryoso ako!
Hindi ko makita ang future ko ng di siya kasama! OA ba? Pero totoo! Ganun ko siya kamahal!
Masakit?
Oo!
Pero yung fact na mahal niya rin ako! Panghahawakan ko to! Kasi lahat ng sakit na nararamdaman ko nawawala pagkasama ko siya! Isang ngiti palang niya natutunaw na ang puso ko.
"Anong iniisip mo?" Pangbabasag nito sa iniisip ko.
"I love you" sincere kong sambit.
"I love you more Ngus" sagot nito.
"Nung sinabi kong papakawalan na kita naniwala ka ba?" Tanong ko.
"Hindi" diretso nitong sagot.
"Bakit?" Tanong ko.
"May tiwala ako nung sinabi mong maghihintay ka, pero nung paggising ko na wala ka kinabahan na ako! Tas hindi kita mahagilap! Halos mawala na ako sa sarili Ngus! Hindi ko kayang mawala ka" mangiyak-ngiyak nitong sagot.
"Hindi naman mawawala Kin eh" niyakap ko ito ng mas mahigpit "mawawala lang naman ako ng tuluyan pag nawala na ako sa puso mo" seryoso kong sambit.
Kumalas ito sa yakap ko at tumingala saakin.
"Kasi pag nandiyan ako sa puso mo lagi mo akong hahapin, mamimiss at ayaw mong mawala pero once na hindi na ako tinitibok niyan. Makakalimutan mo na ako, hindi mo na ako hahanap-hanapin kasi wala na eh. Magiging isang nakaraan nalang ako" seryoso kong sambit.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo nitong tanong.
"Nasa sayo na yan Cha kung pipiliin mo ba akong mawala sayo" seryoso kong sagot.
"Aayusin ko to" seryoso nitong sambit.
"Sigurado ka na ba?" Tanong ko.
"Siguro" alanganin nitong sagot.
"Diyan kasi tayo nadadali eh sa mga bagay na walang kasiguraduhan" napabuntong hininga ako.
"Pagod ka na ba?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
FanfictionPure FanFic lang po ✌️