Cha's POV
"Bilis na!"
"Ito na nga eh, yung mga swimsuit naayos mo na ba?"
"Ay oo nga pala, teka!"
Nasa hagdan palang ako ay rinig na rinig ko na ang ingay nung dalawa.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Batangas, mag-ayos ka narin ng gamit mo" sagot ni Camille ng hindi ako tinitignan!
"At bakit ako magaayos ng gamit? Di naman ako sasama ahh" kunot noo kung tanong at dumiretso na ng kusina para magtimpla ng coffee.
"Uy may ice cream dito ohh, kambal ito na baunin natin" sigaw ni Cienne.
"Wag niyong pakiki-alamanan yan!" Saway ko.
"Ang damot naman!" Singhal ni Camille.
"Oy kambal may note ohhh" excited na sambit ni Cienne.
Tumakbo naman ako papalapit sakanila at inagaw yung ice cream. Binilihan kasi ako ni Vic kagabi ng ice cream rocky road. Hindi ko na napansin yung note kasi inaantok narin ako kagabi.
Flashback
"Hatid na kita" nakangiti niyang sambit, napakunot naman ang noo ko "pasok na ko ahh" nakatawa niyang sabi at sumakay na.
"Teka ahhh, ihahatid mo ako?" Tanong ko.
"Okay lang ba?" Balik tanong nito.
"Paano?" Natatawa kong tanong.
"Ihahatid kita tas pagdating dun sainyo ihatid mo ulit ako pabalik dito" nakakaloko nitong sagot.
"Ang gulo mo ahh!" Nakatawa kong sambit.
"Ang gulo nga, bahala na! Basta! Tara!" Bibo nitong tugon.
Napailing nalang ako at nag-start na magdrive. Tahimik lang kaming dalawa hindi naman awkward, sakto lang. Wala lang talaga kaming mapagusapan.
"Teka! Daan tayo diyan ohh" napatingin naman ako sa direksyon ng tinuro niya, iginilid ko naman ang sasakyan.
Dali-dali naman siyang bumaba at bumili ng ice cream. May nagbebenta pa pala ng dirty ice cream ng ganitong oras. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakikipagtawanan kay manong.
Ilang saglit lang ay kumatok siya sa bintana, binuksan ko naman ito.
"Tara lakad-lakad muna tayo" nakangiti nitong paanyaya. Nagtanggal naman ako ng seatbelt inoff ko na ang engine ng sasakyan at bumaba narin. Inabot niya saakin yung ice cream.
"Salamat" nakangiti kong sambit.
"Tara dun tayo" hinawakan niya ako sa braso at marahan akong hinila papasok ng park.
"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Napansin ko kasing medyo nawala ka sa mood kanina kaya ito, magrelax muna tayo" sagot nito. Napatitig nalang ako sakanya "wag mo akong titigan, baka mauna pa akong matunaw diyan sa ice cream mo eh" pagbibiro nito. Ay oo nga pala may ice cream ako.
"Salamat ahh" sincere kong sabi.
"Saan naman? Sa ice cream? Di mo pa nga kinakain eh" nakatawa nitong tugon "ohh ayan natuluan ka tuloy, saglit nga" naglabas siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang hita kong natuluan.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
FanfictionPure FanFic lang po ✌️