IYNTO26

1.2K 38 7
                                    

Vic's POV

"Baliw ka na talaga Victonara! Umayos ka nga!" Sermon nito saakin.

"Sorry" nakayuko kong paumanhin.

"Halika ka nga dito" tyaka ako nito niyakap.

Napaluha nanaman ako ng yakapin ako nito.

"Sa susunod itext o tawagan mo ako para hindi ka nagmumukhang tanga" tyaka nito hinaplos ang buhok ko.

"Wala nga kasi akong phone ate" paliwanag ko.

"Bakit kasi!" Iritado nitong sambit tyaka ako kinurot sa tagiliran.

Napasugod kasi ako sa bahay nila Kin kaninang madaling araw biglaan lang kaya ang dala ko lang na pera eh pamasahe, mamaya pa dadating si kuya kaya wala talaga akong pera.

Wala ako sa sarili sa nangyari kanina kaya kamuntikan na akong masagasahan buti nalang at may nakahila saaking matanda sakto rin na nandun si ate Den kaya ito kasama ko siya ngayon.

"Nag-almusal ka na ba?" Tanong nito.

"Hindi pa po" sagot ko.

"Dun ka nalang muna sa condo hangga't wala pa ang kuya mo" maawtoridad nitong wika.

"Di na po ate, ibaba niyo nalang po ako diyan sa gilid. Okay lang ako hassle pa eh" Nahihiya kong sambit, nakasuot kasi ito ng pang-jogging.

"Okay lang di na muna ako magjojogging" sagot nito.

"Pero ate" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng batukan ako nito.

"Wag ka ng maarte!" Maawtoridad nitong sambit.

Natahimik nalang ako at napatingin sa bintana. Isang katangahan nanaman ang ginawa mo Victonara! Kailan ka ba matututo? Ayaw nga sayo diba? Wag mo ng ipilit! Hindi ka na nakuntento nagmakaawa ka na nga sakanya pati sa nanay niya nagawa mong magmakaawa!

"If I don't need you then why am I crying on my bed? 🎶"

"If I don't need you then why does your name resound in my head? 🎶"

"If you're not for me then why does this distance maim my life? 🎶"

"If you're not for me then why do I dream of you as my wife? 🎶"

"Paano mo ba masasabi kung para sayo ang isang tao?" Wala sa sarili kong tanong.

"Sarili mo lang rin ang makakasagot niyan" sagot nito.

"bakit ganun ate para saakin siya naman na talaga eh pero bakit ganito?" Tanong ko ulit.

"Alam mo kasi Vic nasa sainyo naman na yan kung paano niyo pang aalagaan ang isa't-isa minsan kasi may mga bagay lang talaga na hindi tinadhana" seryoso nitong sagot.

"I don't know why you're so far away 🎶"

"But I know that this much is true we'll make it through 🎶"

"And I hope you are the one I share my life with 🎶"

"And I wish that you could be the one I die with 🎶"

"And I pray in you're the one I build my home with 🎶"

"I hope I love you all my life 🎶"

"Hindi ba pwedeng kami nalang ang bahala?" Tanong ko ulit.

"Naka plan na kasi lahat kay God yan Vic eh nasa sayo nalang yan kung ano yung mga magiging choices mo, kasi tignan mo natanggap ka for scholarship sa dream school mo pa tas nag-aalanganin kang tanggapin nun kasi hindi mo maiwan si Cha pero naghiwalay kayo ng dahil sa mommy niya. Paano kung di kayo naghiwalay tutuloy ka pa rin ba o tatalikuran mo ang matagal mo ng pinapangarap?" Malaman nitong tanong.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon