Obsession 7
-------------------------
"Truth or dare? Ano tayo elementaries?"
"C'mon! Just for fun lang?" Dinunggol ni Lauren ang balikat ng babae na pinapagitnaan ni Sven at niya mismo. "Pero syempre may twist di ba?" She wiggled her brow and nakipag high five kay Kianna.
"Anong twist?" Trek butt in.
Nilabas ni Kianna ang ilang pirasong cards at ngumisi sa amin. "We have here the King of the Diamonds, and yung 1-9 na cards. Kung sino yung makakuha ng King, siya ang mamimili ng number na gusto niya. Two numbers, and one of them ang pipili sa mga papers na ito." Pinakita niya ang nakakahon na mga nakabilot na papel. "Truth or dare lang ang narito. Kapag Truth iinom yung dalawang napili, ng alak, at kung ilang shots naman bubunutin nila sa other deck of cards. Kapag Dare, yung King ang mag-uutos. Gets?"
"Eh paano kung Jack or Queen or King din ang mabunot sa deck of cards? 10 shots yun ah!" Protesta ni Alexa.
"Don't worry, wala yung mga royalties dyan. 1-5 cards lang ang nariyan. Saka hati naman kayo if ever 5 shots ang sa inyo."
"Wala akong balak na magsayang ng oras, magpakalasing at magsiwalat ng kung anong buhay ko dito."
Lahat kami napatingin kay Pres ng mabilis itong tumayo at pinagpagpag ang damit. Napapabuntong hininga naman na sinundan ito ni Cali.
"she's no fun." Ismid ni Kianna. Ngunit bakas sa mukha na gusto nitong kasama ang babae.
Umiling na lamang ako at sinulyapan ang katabing lalaki. He's busy holding his phone again, sino bang katext ni Eiji at halos tutok na tutok na siya rito. But then suddenly I felt someone staring at me. At tama ako.
Storm is intently looking at me, mabilis akong nagiwas ng tingin at hindi napigilang mapalunok. Mukhang kanina pa ito nakatitig sa akin. And I really hate how he stared at me. Para niya akong hinuhubaran ng sa klase ng titig niya. Muli akong nag-angat ng tingin to check if he's still staring at me. Pero kausap niya na si Trek.
And then I saw Lauren creepily smiling habang hawak din ang phone niya. Wala sa sariling sinulyapan ko si Eiji. His brows are furrowed."Ji? you okay?"
Bahagya siyang nagulat at nilingon ako saka ngumiti at tumango."Si bunso lang nangungulit." Nilagay niya agad sa pocket niya ang phone niya at inakbayan ako. "I want to sleep with you later, doon kanalang sa room ko or doon ako sa room mo?" Ngumiwi ako at nginuso ang papalapit ng sina Pres at Cali.
"Leave it to me." Sabay kindat.
"So I guess simulan na natin na ang laro?" Kianna wiggled her brow at inayos ang cards. Nagsimula na siyang pabunutin kami king sino ang magiging King ng biglang humiyaw si Trek.
"I'm the king A-holes!" Mayabang na wika niya.
Nagkatinginan kami ni Eiji at sabay na napailing. Lagot na, knowing how dirty his mind?
"I want no. Four and three."
Its not me thank god! At mukhang di rin ang katabi, o sina Alexa.
"Azula and Cali!"tili ni Lauren at kinuha ang card ng dalawa saka hinagis sa buhanginan. Wala yatang balak umamin yung dalawa. Inabot ni Kianna ang box ng papel rito, si Pres ang bumunot. "It's a truth." si Cali ang bumasa sa papel na nakuha ni Pres.
"Now pick one card" Si Trek naman at nilapit sa dalawa ang deck of cards na nasa palad. "One shot Pres."
"Hindi ako nainom." tipid na wika ng babae. Well alam ko iyon.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
General FictionWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...