SO-45

98.2K 1.5K 135
                                    


Obsession 45

-------------------------

"Hindi mo naman kailangang umalis sa Mansion eh.''

Yumakap ako kay Eiji pagkababa namin sa kotse. Tama si Tita Laura, hindi maganda sa paningin na nasa poder ako ni Eiji gayong Ex niya ako. Idagdag pang wala na kami ni Storm. At si Storm ang naghabalin sa akin kay Eiji. Pagod na akong umiyak, pagod na akong kaawaan. Kukunin ko lang ang mga gamit ko dito at doon na ako sa kapatid ko tutuloy.

Hawak niya ako sa kamay na pumasok kami sa loob. Papunta na kami sa hagdan ng mapansin kong bumagal sa paglalakad si Eiji hanggang sa huminto na siya.

''Shhh...Don't make any noise, sharpen your ears Baby.'' Bulong niya bigla sa akin. Isinandal niya ako sa pader, magpoprotesta na sana ako ng makarinig nga ako ng mahinang tinig. At pamilyar yon...

Iyon yung boses ng babaeng narinig ko na nasa loob ng office ni Storm. Pero baki---

"Nakipaghiwalay ka na sa kanya? Anong sabi niya, nagalit ba siya sa iyo? Nagalit ba siya sa akin? Sinabi mo ba sa kanya na...Kaya ka umatras dahil sa akin."

Namanhid ang aking pakiramdam. Akala ko tapos na ang sakit. Bakit eto na naman siya? Nadudurog na naman ang puso ko ng paulit-ulit. Narealized niya ba, na si Lauren talaga ang mahal niya? Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at naglakad palayo.

Kahit hindi ko alam kung saan ako makakarating.

Hindi pa man ako nakakalayo ay marahan ng hinuli ni Eiji ang kamay ko. ''She rejected my proposal, dahil sila yata ang balak na magpakasal."

Hindi ako umimik.

I don't care. Isa na lang ang gusto kong mangyari ngayon, ang makakita ako at ng makapagsimula na ako ng bagong buhay.

Kulang na kulang na ang aking lakas para bumigkas ni kapirasong salita. Tama na ito. Ubos na ako. Sisiguraduhin ko na ito na ang huling beses na dudurugin nila ako. Ito na ang huling beses na kakaawaan ako.

Tama sila kung Diyos nga nakakapagpatawad, tao pa kaya?
Tao nga ako. At dahil tao ako, hindi ako gaya ng Diyos na kahit paulit-ulit kang gumawa ng kasalanan. Bukas palad ka padin niyang tatanggapin at patatawarin.

Tao ako.

At may hangganan ang kapatawaran na kaya kong ibigay.

"Magpakasal sila, wala na akong pakialam." Huminto ako sa paglalakad. "Pakihatid mo na ako sa kapatid ko Eiji, kung okay lang."


------------------------------

"Makulit ka palang talaga no?" pinitik ako ni Ate sa noo. "I told you May hold departure order ako dahil kay Cali! Paano tayo makakalabas, ikaw pa maaari. Pero ak---You gave me an idea!"

Napanguso ako. Isinandal ko ang ulo sa sandalan ng upuan. Pakiramdam ko hindi lang puso at katawan ko ang nabugbog at nadurog. Pakiramdam ko, pati isip ko. Gusto kong magpahinga pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay animo may sarili silang isip na ipapakita sa akin ang mukha ni Storm.

"I'll call Mei. Papuntahin ko siya dito, umalis kayo ng bansa you'll go home with her. Tell Dad, that I need his help. Kailangan kong makauwi ng California. Baka mamamatay na sa pag-aalala si Zayn sa akin."

Tumango na lang ako, at tumitig sa kadiliman.

If leaving me will makes them both happy, then magpaparaya ako. Magpaparaya na naman ako. Nakakasawa na, ako palagi ang naiiwan. Ako palagi ang nawawalan. Anong magagawa ko? Hindi ko naman kayang baguhin ang tadhana ko. Baka sadya lang talagang nakatadhana akong maiwang mag-isa para sa kaligayahan ng iba.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon