----------
Obsession 39
''Anong pag-uusapan natin?"
Pinagmasdan ko ang Mama ko na uminom sa kanyang kape. Gaya ko, ang alam ko isa rin siyang bastarda. Hindi kinilala ng Ama niya. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ang lahat ng binabalak niya, dahil ayaw niyang magaya kami sa kanya ng anak ko. O gusto niya lang iyon, dahil gusto niyang maranasan at pilit namin syang maintindihan sa kanyang pinagdaanan.
"Kayo ang nasa likod ng nangyari kay Feit."
"Pinagbibintangan mo ba ako?" Binaba niya ang tasa at gusto kong mapagtaas kilay sa pilit na sopistikidang pag galaw niya. Mahirap talaga magpaka trying hard.
"Magkaiba ang pinagbibintangan sa sinasabihan, Mama." Pinagkrus ko ang mga binti at hinalo ng kutsarita ang kape ko. "Malinaw ang sinabi niyo noon, na kung di ko gagawin kayo ang gagawa."
"Wala kang pruweba."
"Hindi na kailangan non Mama. Doon palang sa sinabi niyong iyon, pagbabanta na agad iyon." Tumigil siya sa pagkain ng cake at tinaasan ako ng kilay.
''Anong ipinupunto mo Erica? Isusumbong mo ako sa mga Pulis? Sasabihin mo kay Storm? Kay Eiji?'' Para siyang baliw na humalakhak at sumandal pa sa upuan. Dapat lang talaga na hindi ko ilapit ang anak ko sa sarili kong ina. Dedemonyohin niya lang ang isip ng anak ko. ''Gaya ng sinabi ko, wala kang ebidensiya. Hindi mo ako madidiin.''
''Ahh...Mali pala. Kaya mo ba akong isumbong sa mga Pulis? Kaya mo ba akong ipakulong Lauren Erica, kaya mo bang kagatin sa likod ang sarili mong ina? Hmnn?"
Humigpit ang hawak ko sa aking tasa. Alam niyang hindi ko kaya, alam niyang hindi ko siya katulad. Alam niyang kahit anong mangyari, mas matimbang sa akin ang dugo at laman.
"See? Hindi mo kaya...Kasi, masyadong malambot yang puso mo. Masyado kang maawain." Dumukwang siya sa mesa, at dinuro ang dibdib ko. ''Masyado yang malambot."
Tinabig ko ang kanyang kamay at sumandal ako sa upuan. "Anong gusto niyong gawin ko, para tigilan niyo si Feit."
Ngumisi sa akin ang Nanay ko at tumango-tango. "Kailangan mapigilan mo ang kasal nila ni Storm. Ikaw dapat ang maging Mrs. Storm Alexis Hudson."
"Yun lang?"
"Syempre, kailangan mo ring masiguro na walang makakahati sa mana ni Erion sa mga Shaw."
"At titigilan niyo na si Korin? Hindi niyo na siya guguluhin?" Kung kaya niyang ipangako na hindi na sasaktan si Feit, baka sakaling pumayag ako sa gusto niya. "Hindi niyo na siya ilalagay sa panganib?"
"Kung kaya mong masiguro, na hindi na siya hahabulin ni Storm at ni Eiji. Tandaan mo ayoko ng may kahati, ayoko ng may hadlang. Sasagasaan ko lahat, basta nakaharang." Mala demonyo siyang ngumisi sa akin.
Hindi ako makapaniwala. Siya ba talaga ang Nanay ko? Siya ba ang nagluwal sa akin? Bakit parang napakasama ng dugong dumadaloy sa ugat niya? Masaklap, iyon din ang dugong meron ako. Magiging katulad din ba niya ako? Hindi mali...
Aabot din kaya ako sa punto ng kasamaan niya ngayon?
Aabot din kaya ako sa puntong, gagamitin ko din ang anak ko? Pati ang magiging apo ko?"Galit ba kayo kay Feit, kaya niyo siya ginaganyan?"
"Hindi. Nagkataon lang na siya ang malaking balakid sa lahat ng gusto kong makuha. Para saiyo...Para sa apo ko...At para sa akin. At lahat ng harang inaalis ko, dinidispatya ko. "
Dinidispatya.
Nanlamig ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Iba ang naging kahulugan sa akin ng salitang iyon. Kinuyom ko ang palad na nakapatong sa aking hita, ang sama niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/54904007-288-k69127.jpg)
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
General FictionWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...