SO-22

155K 1.9K 124
                                    


Obsession 22


Akala ko hindi ako makakatulog ng mahimbing lalo na at may manyak akong katabi. Idagdag mo pa ang katotohanang...


Nakidnapped nga pala ako.


Kainis! Bakit ba nawawala sa isip ko na itinakas ako ni Storm? Tapos ang epal pa ng puso ko. Tumatalon-talon siya pag ngumingiti ng wagas si Storm. Akala mo nagjajumping rope sa loob ng ribcage ko eh. Boyset!


Hindi pa sana ako babangon, kung di ko lang namulatan si Hudson na nakatunghay sa akin at may nakakawindang na killer smile. Nakakaloka! Million dollar din naman ang ngiti ni Eiji, lalo't halos guhit nalang iyong singkit niyang mata. Kaso hindi naman ganito ang pakiramdam ko na akala mo humihinto ang oras at napapako nalang ako sa punyetang ngiti ni Storm.


Aishhh!


Hindi ko na iniscramble ang itlog kahit yun ang sinabi ng gagong kidnapper ko, na akala mo nakapagutos sa katulong niya. Boyset talaga! Kung ayaw niya ng sunny side-up wag siya lumamon. Bihag ako diba? Dapat ako ang pinagsisilbihan, dapat ako ang hinahainan!


Pero bakit ako ang nagluluto?!


"Bagay ka pala sa kusina ko no?"

Matalim kong nilingon si Storm. Si Storm na nakaupo sa harap ng mesa, si Storm  na hinihimas ang chin niya. Buisit na Storm talaga!


"Hindi ako nagcollege para lang maging kusinera mong hayup ka." Buisit! Ginawa pa akong tagaluto niya?

"Bakit kusinera lang ba ang nagluluto sa kusina? Hindi lang naman ah!"

Pinandilatan ko siya ng mata at ibinato ang shell ng itlog sa kanya. Umilag naman siya at humalakhak ng sobra. "Hindi nga lang kusinera ang nagluluto sa kusin---"

"Oo na! Ulit ulit!? Unl--"

"Asawa din naman nagluluto."

Fvck.

Ayan na naman yung puso kong nagja-jumping rope. God! Hindi na ito normal!

"ulul! Dami mong alam! Di kapa mamatay!"

Humagalpak na naman siya ng tawa at ako naman ay mabilis na tumalikod.Hinango ko ang itlog na malapit ng matusta at pilit na pinapakalma ang abnormal kong puso.

"Bakit pag sa akin, ang brusko mong magsalita? Bakit kapag sa harap ni Eiji, you behave so well like a well-mannered and sophisticated lady. In short ang Hinhin mo." he grinned at me and cocked his head on the side.

Nangalumbaba siya sa mesa at tinusok ng tinidor ang itlog na hinain ko.

"Wala kong pake---"

"Meron nga."

Namilog ang mata ko sa frustration at inis na nagbuga ng hangin. Masasaksak ko siya ng tinidor sa sobrang asar ko.

"Chill! I'm just lighting up your mood! Kanina ka pa nakasimangot eh."

Inirapan ko lamang siya at nagsimula na kaming kumain. Kung titingnan, para bang wala kami sa kritikal na sitwasyon. Hindi niya ako kinidnap, at hindi ako bihag. Parang natural na magkasama. And   I hate this.

Ayokong masanay ako sa presensiya ni Storm na hindi ako nangingilag sa kanya. I have to stay away from him. Hindi pwedeng makampante ako sa kanya. Hindi pwedeng mapalagay ako. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon.


Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon