Obsession 14
---------
"Eiji..."
Pagkasarang-pagkasara niya ng pintuan ng kwarto at mailocked iyon ay idiniin niya agad ako sa pader and began nibbling my ears Wala kaming imikan sa kotse kanina, habang pauwi kami dito. Parang wala nga rin yatang pumasok sa isip namin habang nagsasalita si Tito Eisen.
Palaging magkahugpong ang mga mata namin. Kaya't pagkarating na pagkarating namin dito sa apartment ko ay siniil niya agad ako ng halik sa sala palang. Mabuti at di nawala sa isip namin na maglock. Dahil walang tumatakbo sa isip namin, kundi ang bagay na dapat na matagal na naming pinagsaluhan. Napasinghap ako ng dumampi ang labi niya sa hubad kong dibdib. Mabilis niya na palang natanggal ang damit ko.
Tinaniman niya ang maliliit na halik ang leeg ko pababa sa aking balikat. Para akong sinisilaban, ginagawa naman niya ito dati pero, kakaiba ang init na umaalipin sa akin ngayon. Para akong napapaso.
Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko at ang pagsalubong ng malambot na higaan sa akin likod.
****Continue to SO Private Chapter****
Madilim na ng magising ako, ramdam ko ang sakit ng katawan ko at pangangalay nito. Tatayo na sana agad ako ng mapansin ko ang maputing kamay na nakapulupot sa aking bewang. Bumalik sa akin ang nangyari kanina.
Para akong tangang napangiti ng maalala ko na sinuko ko na nga pala ang sarili kay Eiji.Pumihit ako paharap sa kanya at hinaplos ng marahan ang natutulog na binata. Bahagya siyang gumalaw at hinapit akong lalo sa bewang ng hawiin ko ang ilang hibla ng buhok sa kanyang noo.
"Babe..." he murmured while his half asleep.
"Yes?"
Sumiksik siya sa leeg ko at lalong hinigpitan ang pagkakalingkis sa bewang ko. Siguradong pagod din siya, bahagya kong sinilip ang mukha niya at natawa ng makitang humihilik na ulit ito. I think I need to cook him a dinner. Akma kong tatanggalin ang braso niya ng umungol ito tanda ng disgusto.
"Ji, I'm going to cook for us."
"I'm not starving for food baby..." Pinamulahan ako ng mukha ng magets ang sinabi niya. Siraulong to. Palibhasa parehas pa kaming hubad.
"Eiji Shaw!" I hissed him at tinampal ang braso nito.Tuluyan na siyang nagmulat at ngumisi sa akin.
"Yes? Korin Shaw?"
Parang nagrigodon ang puso ko sa sinabi niya. Agad akong napasinghap ng maramdaman ang mainit niyang palad na naglalakbay sa aking bewang patungo sa aking likod. Anak ng--nga naman talaga oo!
Malakas ko siyang hinampas sa braso niya at tuluyan ng bumangon. Baka pati hapunan malimutan pa namin sa sobrang ka-anuhan niya. Pinulot ko ang hinubad niyang shirt sa sahig at sinuot iyon. Basta ko nalang pinusod ang buhok at bumaba na agad sa kusina. I'm almost done cooking his favorite pork steak ng marinig ko ang boses niya mula sa hagdan, calling my name. I look at him, at gusto kong mapangiti ng makitang para siyang batang bagong gising. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip na ganito kaya kami kapag nakasal na kaming dalawa? He said just a couple of weeks.
at magiging Mrs. Eiji Artemis Shaw na ako.
"Natutulala ka Misis..." He said at yumakap sa akin. I just smiled at him.At sinalubong siya ng damping halik sa labi. "Ang sarap sigurong umuwi kapag laging may sasalubong sa akin na ganito."
"Hmp. Bolero!" Pero kinikilig ako sa totoo lang. "Kain na tayo. Pinagod mo ko eh." Nakalabing wika ko sa kanya. He grinned and placed a kiss on my forehead.
"Mamaya, papagurin ulit kita Misis ha?" Pilyong bulong niya sa akin. Na ikinalaki ng mga mata ko. Wag niyang sabihin, na balak niyang ubusin ang magdamag namin sa "Gawaing" iyon.
"Artemis!!"
Humalakhak na dinampian niya ulit ako ng pagigil na halik sa pisngi bago tinungo ang pintong sasabog na sa doorbell."Hoy! Mag damit ka nga muna!" habol ko pa, ng tunguhin niya iyon ng naka boxer lang.
"Di naman nila makukuha yan." he said. Ano daw?!
Tumalikod na ako pabalik sa niluluto ko at agad na naghain. Eksaktong pagbalik ko ay pabalik narin si Eiji. Kasama si Lauren. At nakahawak ito sa braso--
"Korin!" Bulalas ng babae at agad inalis ang pagkakahawak sa braso ni Eiji. I look at my boyfriend at bakas ang iritasyon at madilim ang mukha nito. "Andito kapala?"
"Oo bakit, anong nakakagulat doon?" hindi ko mapigilang maging sarkastiko. What is she doing here? Lumampas ang tingin ko sa likod niya to check if she's with her maniac boyfriend. "Sinong kasama mo?"
"Nauna lang ako, May dinaanan lang si Storm." She smiled at humalik sa pisngi ko. "Wooow. Sarap ng ulam ah."
"You okay?" Baling ko kay Eiji, na halatang nawala sa mood. And I don't know why. Tumango siya sa akin at ipinalupot ang kamay sa bewang ko.
"Baby..."
"O?"
"You know that I love you so much right?"
Nagsalubong ang kilay ko at sasagot na sana ng bumukas ang pinto na iniwan pala ni Eiji na bukas. At niluwa non si Storm.
"Pare..."
Lumipad muli ang tingin ko kay Eiji saka kay Storm ulit. Saka ko pa napansin ang Maleta na hatak hatak ng panauhin.
"Ji?" naguguluhang tanong ko.
"Me and my girlfriend will be staying here for one whole week Feit Dear. Business matter you know." Ngisi niya.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
General FictionWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...