Obsession-21
Tahimik kaming kumain at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Gusto ko sanang magtanong kaso inuunahan ako ng kaba. Baka kasi mabad trip siya, tapos in the end kulong na naman ako sa kwarto.
Mula kanina ng bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, hindi na siya nagsalita.
''Finish your food, tapos bumalik ka na sa kwarto mo." He said in a cold voice.
I bit my lips and stared on him. ''Are you going to tie me again?"
He look at me before he sigh.
"Nope. Just promise me you won't do anything na magbibigay ng dahilan para iposas kita ulit."
Shit! You made it Korin! Just continue fishing his trust.
I gave him a fake smile at tinanguan siya. Ng may pumasok sa isip ko. "Kung ok lang, I want to do the dishes."
Nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay at diskumpyado akong tinitgan.
"Pag pumasok kasi ako sa kwarto, hihiga lang ako ulit. I won't do anything. Mabobored lang ako."
He took a deep breath again then sat on the chair. "K fine, pero babantayan kita."
"Ok lang."
Pero yung totoo? Naaasiwa ako. Huminga ako ng malalim matapos tumalikod at sinimulan ang paghuhugas. Nakakainis! Hindi ko mahulaan kung anong susunod niyang hakbang. Nakuha na niya ako, supposedly, dapat isauli na niya ako kay Eiji.
Ano bayan naalala ko naman si Eiji.
Bahagya akong napalingon ng marinig ang tunog ng cellphone and it was Storm's phone. Sinulyapan niya ako bago siya tumalikod at sinagot ang tawag.
Napakunot noo ako. Sinong tumawag at kailangan niyang lumayo pa. Wait...Naalala ko lang. Wala kaya sa mga barkada niya ang nakakaalam ng kagaguhang ginawa niya? Minus Eiji of course.
Shit! What if one them knows my whereabouts?
Binilisan ko ang paghuhugas ng pinggan at agad agad na lumabas ng kusina ng makatapos. Luminga-linga ako at hinanap si Storm, but I can't find him. Saan nagsuot ang gagong yun? Lumipad ang tingin ko sa main door at muli na naman akong natuksong buksan iyon.
Luminga-linga muna ulit ako bago naglakad patungo sa pinto, I'm just going to check if it's locked.
At tama nga ako.
Nakalocked iyon, hindi ko lang alam kung sa labas o dito din sa loob. Dahil sa nakikita kong suksukan ng susi na mukhang para sa double lock, siguro nilock ito ni Storm mula dito sa loon at nasa kanya na naman ang susi.
Haaay...
Pumihit na ako pabalik at nanlulumong umakyat ng hagdan patungo sa aking silid. Pabagsak akong nahiga sa kama at tumingin sa saradong bintana. Hindi pa man lumilipas ang limang minuto ay bumukas na ulit ang pintuan ng kwarto.
Storm walk towards me at seryosong nakatitig lamang sa akin. Mabilis akong bumangon at sumandal sa headboard saka ko niyakap ang dalawang tuhod. Like what I told you, ayokong ganyan siya.
Seryoso.
Dahil hindi ko mabasa ang natakbo sa utak niya kapag ganyan siya.
"Don't be scared, I won't do anything bad."
Naupo siya sa dulo ng patagilid habang nakapatong ang isang hita sa kama.
"Then anong kailangan mo? At napakaseryoso mo?" hindi ko mapigilang tanong.
"They're looking for you." Iniharap niya ang kanyang cellphone na hawak padin niya. Salubong ang kilay na lumapit ako sa kanya at pinakatitigan ang cellphone.
Umawang ang bibig ko ng makitang nakapost ang picture ko. Eiji started that post, then ishinare ito nila Sven at ng mga girlfriends nila at ilang kakilala at kaibigan din nila. Bumaba ang tingin ko sa mga comments.
What the F!
Napabalik ang tingin ko kay Storm, pinagtaasan naman niya ako ng kilay. "What?" masungit niyang tanong.
"You have the guts to comment that you'll help them to find me? Well infact you're the one who abducted me?"
Kumiling ang kanyang mukha sa kabilang direksyon and gave me his signature smirk. Nahigit ko ang hininga ng di sinasadya. Shit! Nagkakaroon yata ng malfunction sa sistema ko.
"So what?"
Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niyang hubarin ang suot na T-shirt niya. Agad na gumapang ang kaba sa sistema ko at mabilis na lumayo sa kanya. Sumiksik agad ako sa dulo ng headboard at binalot ng kumot ang sarili. Shit! Bakit ba ako naging kampante!? Nakalimutan kong manyak iyan. Hindi nga pala mabubuo ang araw niya, ng walang babaeng maikakama.
Nagsimula siyang gumapang patungo sa akin habang todo ngising nakatitig sa mukha ko.
"Storm, wag naman oh please!"
He didn't say anything and just devilishly smirked at me.
Lalo akong napasiksik sa kama ng makalapiy na siya sa akin. "Storm please! Wag please!Please!" Nagsimula na akong makaramdam ng takot at kilabot. Halos gahibla na lamang ang layo ng mukha niya sa akin, at konting usod lang niya magdadaiti na ang mga labi namin.
"Fvck..." Dumampi ang kamay niya sa aking pisngi. Diyos ko! Pawiin niyo po ang kalaswaan sa utal ni Storm!
Bigyan niyo po ng liwanag ang nagpupula niyang utak--- "Ang ganda mo talaga, tang ina."
Napamulagat ako sa kanya. Lahat yata ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa aking pisngi. Iyong kilabot na nararamdaman ko ay umakyat din ata sa dibdib ko at naging malakas na lagabog. At iyong takot ko ay naipon sa aking kalamnan at nagsimula ng humalukay roon.
Umangat ang isang kamay niya sa aking ulunan kaya't napatingala ako roon. May aircon pala sa part na iyon? Pinindot niya iyon at bumuga ang hangin. Binaba niya ang kanyang kamay at ganun din ako, ngunit eksaktong magpantay ang level ng mukha namin ay siniil nya ako ng mabilis na halik.
"Storm!"
Halakhak lang sinagot niya at mabilis na humiga sa kama. "Matutulog ako, wag kang maingay."
"Ba--B...Bakit dito ka matutulog?! May kwarto ka naman!"
Kainis! Na starstruck ako sa gagong ito. Hindi katanggap-tanggap iyon! Dapat di ako matutula sa kanya!
"Walang aircon dun."
"Wala kong pake!"
"Meron kaya." Nginisihan niya ako matapos umunan sa kanyang magkabilang braso. Hindi ko napigilang mapatitig doon ng lalong pumorma ang hubog nito.
Pinilig ko ang ulo at pinandilatan siya. "Wala!"
"Meron nga." Maloko siyang humalakhak at pinagtaasan ako ng kilay. "Natikman ko pa nga. Pinasok ko pa."
Ha? Ano raw? Natikman? Pinasok?
Mas lalo siyang humalakhak at tinalikuran ako habang tawa padin ng tawa.
Natikman...Pinasok...Natikman....Pinaso---
What the! Hinablot ko ang unan na pinantakip niya sa kanyang mukha pinaghahampas yon sa kanya.
"Manyak! Manyakis ka talaga!" Malutong lang siyang humalakhak at sinalag ang unan. Inis akong humiga patalikod sa kanya at nagtalukbong ng kumot.
Buisit! Bakit napaka manyak ni Storm?! Sagutin niyo nga ako.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
Narrativa generaleWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...