Obsession 23
Am I really this girl?
Baka naman may grado itong salamin ni Storm? Bakit sobrang ganda ko naman yata sa wall mirror niya? Mamula-mula ang pisngi ko, ang labi ko naman ay akala mo nakalipstick.
Siguro sa kakapapak ni Storm.
"Hiyang ka sa akin no?"
Dinampot ko agad ang bote ng pabango at binato kay Storm na nakatayo sa pintuan. Mabilis niyang nailagan iyon at tuluyan na syang pumasok sa loob ng sarili niyang kwarto. Binaba niya sa kama ang ilang mga supot at naupo doon. He smiled at me and tapped his lap.
Napapabuntong hininga na naglakad ako patungo doon at umupo sa hita niya. Mabilis niyang pinaikot ang kanyang braso sa bewang ko at pinatong ang kanyang mukha sa aking leeg. Napabuntong hininga siya at lalong yumakap sa akin.
"Bakit?" Ani ko sa kanya.
"I'm just thinking sa oras na iuwi na kita, ano ng mangyayari sa ating dalawa."
"Iuuwi mo ako?" Tumigilid ako ng upo sa kandungan niya para magkaharap kami.
"Wala naman akong balak na habang buhay kang ikulong dito. My only plan is just to take you, but my plan backfired on me." Hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata. And I almost lost in his eyes.Ngayon ko lang nakitang ganito ka vulnerable ang isang Storm Alexis.
"What do you mean?"
"I thought I'm just lusting over you. But I'm wrong. Kaya pala naiirita ako kapag magkasama kayo ni Eiji. Kaya pala nabuisit ako noong sagutin mo siya, kaya pala kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko na magkasama kayo at masayang masaya." Mahina siyang napatawa at nagbuga ng hangin. "It's because I'm inlove with you. All this time I have this feelings for you, pero dahil babaero nga ako at hindi ako naniniwala na kaya kong magmahal. I choosed to ignored it."
''Storm..." Damn. Pakiramdam ko nagpalakpakan ang buisit na mga alagad niya sa kalamnan ko. Even my heart is thumping so bad. Attracted lang ako sa kanya diba? It's not more than attraction right? Si Eiji ang mahal ko.
"I know this is too early for you." he smiled at me again, siya na mismo ang nagtayo sa akin bago niya ikinulong sa kanyang palad ang aking mukha. "I won't ask you to break up with my friend, for me. But please wag mo naman akong itulak palayo sa'yo, because I'll always ended up following and chasing you. Let me prove it to you, that I deserve you. More than anyone in this world. Let me prove it to you, na kaya kong magbago at magseryoso para sa iyo."
"Storm..." I bit my lips at iniwas ang tingin sa kanya, Naguguluhan ako. I mean...Si Eiji ang mahal ko I'm sure of it. Pero bakit halos tumalon sa kaligayan ang puso ko nung sinabi niyang mahal niya ako.
"You don't have to say anything, I just want an assurance na hahayaan mong patunayan ko ang sarili ko sa'yo. "
Umawang ang aking bibig sa sinabi niya.
Assurance?
Nalilito na ako. Naguguluhan na ako. May boyfriend akong tao, my fiance ako to be exact...Kinalag ko ang kanyang kamay sa aking pisngi at mabilis na lumayo sa kanya. Halos mapadugo ko na ang labi sa pagkakagat ko ng makita ko ang pagbalatay ng lungkot sa kanyang mukha.
Bakit ako nagiguilty? Bakit parang may tumutusok sa dibdib ko?
"I understand...After three days, iuuwi na kita. I won't say sorry for what I've done to you Feit. Because that's going to be a part of my treasured memories."
Tinalikuran niya ako at naglakad patungong pinto.
You're not hurt Korin. You just did what is damn right. You can't accept his feelings, because you're going to be unfaithful to Eiji. Muli kong iniangat ang paningin ko and I saw how he frustratedly brushed his hair. Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at yumakap sa kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
General FictionWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...