Obsession-26Chirstmas breeze is really cold.
Pinatay ko ang sigarilyo at bumuga ng hangin. Kapag talaga tumingala ka sa pang gabing langit, hindi pupuwedeng hindi ka mapanatag. Lalo na kung napakaraming bituin.
I wonder...
Pinagmamasdan mo din kaya ang langit ngayon? Kagaya ko? Kasi ako, walang gabi sa loob ng tatlong taong lumipas na hindi ako tumitig sa langit. Doon lang kasi nagiging payapa ang isip at puso ko.
Minsan, hindi ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa tuwing nag-iisa,
Ano na kayang balita sa iyo?
Naiisip mo rin kaya ako?
Tatlong taon na, mula ng wala na kaming maabutan sa Ospital. Tatlong taon na hindi ko magawang matulog ng hindi ko naaalala ang ginawa kong masasakit sa iyo.
"Eiji? Masyado ng malamig. What are you doing there?"
''Papahangin lang Dad...Where's Erion? Nakatulog na ba?"
Dad took a deep breath at tumabi sa akin. ''Nagtatampo sa iyo ang bata. Artemis, I know you're a smart man. Walang kinalaman si Erion, anak."
Mula ng ikaw ay mawala,
Wala ng dahilan para lumuha.
Damdamin pilit ko ng tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso,
Parang kulang nga pag ika'y wala...
''I know Dad. I'll make up to him tomorrow." Tinapik niya ako sa braso at umalis na. Muli akong napabuntong hininga at tumingin sa langit. "Feit, baby...I hope you're okay now." Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Tatlong taon, pero sa tuwing maiisip ko siya. Automatikong nais umalpas ng luha ko.
Up until now, I'm still blaming myself kung bakit siya napahamak. Kung naging mas matapang sana ako, kung nagtiwala lang sana ako sa pagmamahalan namin. Siguro, sabay parin naming sasalubungin ang pasko. Muli akong sumagap ng hangin. Naninikip na naman ang dibdib ko. Nag-iinit na naman ang mga mata ko.
Korin...
May pag-asa pa kaya na magkita tayo? Pero saan ko sisimulang hanapin ka? Saan ko sisimulang tumayo mag-isa. Akala ko, kapag dumating na si Erion sa buhay ko kahit papaano mababawasan na ang sakit na pilit kong tinatago. Ngunit hindi padin pala, kung bibigyan lang ako ng pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para itama ang lahat ng mali ko.
At hihiling sa mga bituin,
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin.
Hihiling kahit dumilim ang aking daan
Na tatahakin, patungo...
Siguro, kung mas nagtiwala lang ako sa relasyon namin. Hindi gagawa ng ganoong hakbang si Storm.
Storm actually warned me, na kung di ko kayang sabihin kay Feit ang tungkol kay Lauren. Gagawa siya ng paraan para maghiwalay kami. At di na masaktan pa ng sobra si Feit.
Hindi ako nakinig.
Inakala ko na magagawaan ko ng paraan ang pang bablack mail ni Lauren. Pero lumala lang at humantong na nga sa ganito ang lahat. Walas na akong balita mula ng mawala siya. I tried asking Cali, since si Azula ang bantay niya. Suntok lang ang sinagot niya.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
General FictionWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...