Obsession 42
Lauren didn't said Yes.
Akala namin sasalubungin namin ang New Year ng sobrang saya. Yup bang tipong, babalik-balikan. Oo, babalik-balikan namin. Dahil isa iyon sa hindi magandang New Year's eve ni Eiji at ni Erion.
''Hindi padin daw nauwi si Lauren."
Bumaling ako sa pinagmulan ng boses ni Storm. Noong gabing iyon na umalis siya hindi na siya bumalik. At pangatlong araw na mula non.
"Pero tumawag ba ulit siya?"
"Tatlong hanggang anim na beses siya kung tumawag sa isang araw. Kinakamusta at pinapaalala sa Yaya ni Erion ang mga dapat gawin." Naupo si Storm sa tabi ko.
"Hindi niya ba sinasagot ang mga tawag natin?"
"Sorry Sweetheart, pero hindi talaga eh." Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan iyon. "I'm worried about Eiji. Kahit hindi niya aminin, alam ko dinamdam niya iyong pag-ayaw ni Lauren sa marriage proposal niya."
"Gusto ko sanang makausap si Lau, kaso ayaw naman niyang makipag-usap. Gusto ko malaman kung bakit siya umayaw. Alam ko gusto niya si Eiji at nagtataka ako kung bakit tumalikod siya."
"Wala pang nakakaalam kung nasaan siya ngayon. Although, kahit papaano hindi nakakabahala dahil sa kanya na nanggaling na maayos siya at ligtas." Bumuntong hininga si Storm.
Sabay kaming napapapitlag ng tumunog ang phone niya at nawala agad.
''Nagmissed call yung Secretary ko, and texted me na kailangan ako sa opisina...Oo, kailangan ako."
Napanguso ako at inipit ang takas na hibla ng buhok sa aking tenga. "Bakit daw? Eh Sunday ngayon ah?"
''Ahh... Ano--Ahmm...May pipirmahan daw kasi ako. Mga pending papers, hindi na pwedeng pagpabukas at kailangan na daw."
Nag-isang linya ang aking kilay at nilingon siya. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, nawalan man ako ng paningin lumakas naman ang pakiramdam ko. Ano ngayon at para siyang nagsisinungaling sa akin?
"Storm?" diskumpyadong ani ko sa kanya. "Yung totoo?"
Naramdaman kong umayos siya ng upo at hinaplos ang aking mukha. "Sweety, that's the truth. I need to sign those pending papers. That's all. Wala ka bang tiwala sa akin?''
Bigla naman tuloy akong naguilty. Napakalaki ng tiwala ko sa kanya, pero kasi...Alam mo yung pakiramdam na, talagang pwedeng may itinatago. Ngumiti na lamang ako sa kanya. "May tiwala syempre. Sorry."
Marahan niya akong hinatak at pinaloob sa kanyang bisig. Alam ko sa sarili ko, diskumpyado talaga ako. Pero ayokong bigyan ng lamat ang tiwala ko sa kanya. Naniniwala naman ako sa kanya na wala siyang gagawin na pwede naming ikasama.
"Dito ka na muna Sweetheart, puntahan ko na muna yung mga kailangang pirmahang papeles sa opisina. Si Stell na muna bahala sa iyo okay?"
Napanguso nalang ako at tumango sa kanya. Humiwalay siya agad sa akin at tinawag si Stella. Hinalikan niya ako sa noo, bago tuluyan kaming iniwan.
"San punta yun?" kalabit sa akin ni Stell.
"May nakalimutan daw siyang pirmahang papel sa Office."
"Nu bayun! Kakatapos lang ng New year, trabaho na agad inaatupag. Bakit hindi kasal niyo ang atupagin nun."
Kinagat ko ang labi at mahina na lamang na tumawa. Paano namin maaayos kung hindi ko naman makita ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang sa aking kasal?
Haaaay! Kainis! Kailan ba talaga ako makakakita?
-------------------------
Naalimpungatan ako ng makaramdam ng pagbanyo. Inayos ko ang nakasabog na buhok at kinusot-kusot ang mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/54904007-288-k69127.jpg)
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
Ficción GeneralWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...