SO-28

115K 1.6K 165
                                    


Spoiler Alert!

Obsession 28

"Storm?"

I flinched as I heard what she said. She thinks I am Storm?
Mapait akong napangiti, It's not that I want her back in my life. Pero masakit pala na marinig mismo sa bibig niya na mapagkamalan kang iba, kahit na alam mong mas matagal kayong nagkasama.

Ganon kabilis na napalitan ako ni Storm sa buhay at sa puso niya.

''It's me Feit."

Nanigas ang katawan niya kaya naman humiwalay ako sa kanya at ipinatong na lamang ang magkabilang kamay sa kanyang balikat.

''Eiji..." Nangilid ang kanyang luha.

Umangat ang kamay niya at umabot iyon sa aking pisngi, ilang beses niyang pinaglandas ang palad sa aking mukha. Para bang sa pamamagitan non ay makikilala niyang ako nga ito.

"Ikaw nga...Ikaw nga." She burst out in tears at umiyak sa dibdib ko.

My chest tightened as I watch her crying while clutching my shirt. Why did I ever threw the best thing that happened in my life? Pinagpalit ko sa isang hindi kumpletong kaligayahan.

''Paano mo nalaman na nandito ako?'' I dried her tears at inalalayan siyang umupo.

"I didn't know that you're here. I just accidentaly saw you yesterday, kinausap ko yung personal nurse mo. Kaya nandito ako ngayon."

Tipid siyang ngumiti at hinawakan ng mahigpit ang kamay kong nasa palad niya. "I'm sorry Ji, narinig mo naman siguro na...Na inlove ako kay Storm. Habang tayo pa."

"Hushhh...I'm the one who needs to say sorry. I'm sorry Feit. Hindi ako nagtiwala sa pagmamahal mo sa akin. Natakot ako na baka kapag inamin ko sa iyo o nalaman mo yung unang beses na nagtaksil ako sa iyo. Hindi mo na ako mapatawad, hindi mo na ako tanggapin at iwan mo na ako." Bumuga ako ng hangin, naiiyak na naman ako. "Siguro kung sinabi ko ng mas maaga, hindi ka nagkaganito. Hindi mo dinanas ito...I'm sorry Feit. I'm sorry. Sana mapatawad ako." Napaiyak na ako at hinalikan ang mga kamay naming magkasalikop.

"Nakaraan na iyon Eiji. Napatawad na kita."

Kahit anong gawin natin, hindi na maibabalik. Besides, baka destined talagang mawala ang paningin ko. Tanggap ko na Ji...Tanggap ko ng kapalaran ko ito."

I bit my curse at yumakap sa kanya. I keep on saying sorry. Kung kaya lang sana talagang ibalik ng sorry ang lahat ng nawala sa kanya. Kahit ilang bilyong sorry, sasabihin ko sa kanya. Hindi ako mapapagod.

"Wala na bang chance na makakita ka? Kahit na mag pa opera ka? Akong bahala sa lahat. "
Gagawin ko lahat maibalik lang ang paningin mo.

Nagyuko siya at tipid ulit siyang ngumiti.

"T--There's no chance, Ji. Hindi na ako makakakita. Tanggap ko na iyon."

Fvck.

"Haaist! Bakit ba yun ang pinag-uusapan natin. You tell me about Erio---"

"No. I'll tell you everything, kung saan nagsimula ang lahat. Ayokong muling magsisi sa huli, na hindi ko sinabi sa iyo lahat." Putol ko sa kanya. Nangako akong sasabihin ko ang lahat-lahat sa kanya, sa oras na magtagpo kami. Gagawin ko iyon, ng maging malinaw ang lahat sa aming dalawa.

Hindi lang sa aming dalawa. Kundi sa aming apat.

-----------------------------------

''Si Lauren...Kamusta siya?"

Napatitig ako sa kanya. Hindi siya galit kay Lauren? After I said everything? Na pinainom ako ng sex drug ng kaibigan niya? At nakuha pa nitong kuhanan iyon ng video habang ginagawa namin iyon. Yet she's still calm. Wala akong maramdamang talim sa boses niya.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon