SO-47

140K 1.7K 306
                                    

Obsession 47
The Final Chapter

-------------------------

Wala akong maapuhap na salita habang nakatulala sa kawalan. Ganun kabilis na nakapagdesisyon si Lauren na akuin ang lahat. Na saluhin ang lahat. Na dalhin ang lahat. Hindi ko maampat ang luhang kanina pa panay ang agos mula sa mga mata ko. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. At lalo lang nadudurog ang puso ko, sa tuwing maririnig ko ang inosenteng pagtatanong ni Erion kung kailan magigising ang Mommy niya.

Ng magising ako ay nasa silid na akong ito. Kahit hindi ko makita ang mismong lugar kung saan siya natagpuan. Sa pagyakap palang ni Eiji sa akin. Sa iyak palang niya at  sa sigaw palang niya. Alam ko ng wala ng pag-asang maibalik siya sa amin. Dead on arrival siya, iyon ang idineklara ng mga Doktor na sinubukang iligtas siya.

''Ate, may mga pulis po.''

Nanatili padin akong tulala at nakayakap sa magkabila kong tuhod. Hindi ko lang talaga alam ang dapat kong isipin. O gawin.

"Good Morning Ma'am. Nandito po kami para tanungin lang kayo ng ilang katanungan. Kung okay lang po.''

Huminga ako ng malalim at inilapit ang mga tuhod upang patungan ng aking mukha. Kahit naman di ako sumagot, magtatanong padin sila.

"Ano pong relasyon niyo sa biktima?" Panimula ng boses babae.

"She's my bestfriend."

"According to some of our source, nagkaroon daw po kayo ng alitan? Dahil nagkaanak sila ng Ex-Boyfriend niyo, tama po ba?"

Bahagya kong iniangat ang aking mukha. "That was a long time ago. Nagkapatawaran na kami."

''Pero totoo po ba nag-away ulit kayo, dahil umatras ang ex-fiancé niyo dahil sa siya ang dahilan?"

Napabuga na ako ng hangin. Alam ko na kung saan patutungo ito. They are thinking na may foul play sa aksidente ni Lauren, at ako ang may kinalaman don. Dahil ako ang huli niyang nakausap bago siya nawala.

"Diretsuhin niyo na lang po ako, at sasagot din ako ng diretso. Mawalang galang na pero lalong sumasama ang pakiramdam ko sa inyo."

"May kinalaman po ba kayo sa aksidente ni Ms. Saragoza?" Boses naman iyon ng lalaki. At kahit alam ko na, na itatanong nila iyon ay naiirita padin ako sa kanila. Ang gusto ko lang ngayon ay matulog. Matulog ng matulog.

"Wala. At kahit pigain niyo ako, wala padin ang isasagot ko. So, mawalang galang na ho ulit at gusto kong magpahinga." Umayos na ako pahiga at tumalikod sa direksiyon ng boses nila.

"Sige po, Ma'am. Maraming salamat."

"Ate, lalabas na din muna ako para makapag pahinga kayo ng maayos. Tatawagan ko na din po si Ma'am Azula."

"Sige Mei, pero kung pwede pakibili mo ako ng hotdog sandwich. Wag mo papalagyan ng mayo and ketsup. Bilhan mo lang ako ng peanut butter at iyon ang ilagay mo Sandwich. Thank you."

"H--Hotdog? Hotdog at peanut butter? Seryoso kayo Ate?"

Ngumuso ako at nilingon ang direksiyon ng boses niya. "Anong masama sa peanut butter at hotdog? Kung ayaw mo wag na lang. Matutulog na lang ako. Lumabas ka na." Nakakainis ha? Mahirap bang bilhin ang hotdog at peanut butter? Mahirap bang ipalaman ang peanut butter sa hotdog sandwich? Mabigat ba ang tinapay at hotdog?! Nakakainis talaga!

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ano ba iyan Korin? Pagkain lang iiyakan mo?

"Hindi...Hindi Ate, syempre ibibili kita. Antayin niyo. Kainin niyo na muna bago kayo matulog ha?" Mabilis kong narinig ang yabag ni Mei palabas.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon