Obsession 20
Huni ng mga ibon at kung ano-anong insekto ang gumising sa diwa ko. Kinurap-kurap ko ang mga mata bago ako tuluyang nagmulat. Shit! Napakasakit ng ulo ko! Parang binibiyak! Parang tinutusok ng milyon-milyong karayom.
Sinapo ko ang noo at iginala ang tingin.Fvck! Ano bang nangyar---Dammit! Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang nangyari kagabi. Iyong party ni Eiji, iyong announcement. Iyong blackout. Nagkukumahog akong bumaba, ngunit nawindang ako ng hindi ako tuluyang makaalis sa kama.
Fvck.
Who the hell put a handcuff on my left foot? Pumirmi ang titig ko doon, lalo na at nakakabit iyon sa hamba ng kama. Tinaas ko ang tingin at saka ko pa napansin na princess type ang higaan kaya't may dalawang posteng nakasadya sa magkabilang dulo non, na nagsisilbing taklob sa itaas ng kama.
Iginala ko ang tingin sa paligid. Malinis iyon at maayos, nasaan ba ako?
Ginapangan na ako ng kaba ng maalala ko na napasigaw din si Eiji kagabi nung magkabitaw kami. Paano kung di na ito parte ng sorpresa niya? Iyon padin ang suot ko. Ngunit nakapaa na ako. Kinapa ko ang sarili kung may masakit, and I felt releive. napabuga ako ng hangin ng wala naman akong maramdamang kakaiba.
Maliban sa bahagyang hapdi sa bandang kaliwa ng leeg ko. May parte doong nasalat ko at napangiwi ako sa hapdi non. Hindi naman sugat dahil wala naman akong gasgas na nakapa.
Paano ko aalamin kung nasaan ako at kung sinong nagdala sa akin dito, kung di naman ako makaalis ng kama?! Pilit akong umisod pababa habang nakaapak ang isa kong paa sa sahig at ang isa ay nakapatong sa higaan. Sarado ang ilang parte bintana, kayat pilit kong sinilip ang bahaging bukas.
Ngunit bigo ako.
''Arghh!" Pakandirit akong bumalik sa higaan at sumampa ulit doon, saka pilit tumingkayad ulit habang nakahawak sa poste nito. God! Puro puno ang natatanaw ko! ''Shit. Where am I?''
Lumipad ang tingin ko sa pintuan ng makarinig ng yabag mula sa labas, pumihit ang seradura at halos pigil ko ang hininga ng tuluyang bumukas ang pinto.
"My...My...You're awake now."
"I--ikaw?" He smiled at me. Ako naman ay napaupo sa kama at tumitig sa kanya. Unti-unting gumapang ang galit saakin. ''Hayup ka talaga! Bakit mo'ko'dinala dito!?" Hinablot ko ang mga unan at pinagbabato sa kanya. Pati kumot ibinato ko nadin.
Tanging halakhak lang ang naging sagot niya sa akin. Hinakbangan niya ang mga nagkalat na unan at naglakad patungo sa harap ko.
"Kung ako tatanungin? Mas gusto ko pang tulog ka. Bakit?" Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin. Agad akong lumayo sa kanya at matalim siyang tinitigan.
"Hindi iyan ang tinatanong ko! I'm asking you bakit mo ako dinala dito?! At saang lupalop ng impyerno ito!?" Halos maglabasan na yata ang ugat sa leeg ko sa kakasigaw, ngunit nakangisi padin siyan. Fvck him!
"Pag tulog ka kasi, nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko sa iyo. Para kang maamong tupa." Pinaglandas niya ang daliri sa naka exposed kong binti, Napapiksi ako at agad siyang sinipa palayo. 'Humalakhak naman siya at namulsa.
''Ngayon naman, para ka na namang Tigre."
Pinanlisikan ko siya ng mata. Kung maabot ko lang iyong lampshade ay ibabato ko sa kanya! Napakagago niya talaga.
"So saan nga ba tayo nahinto?" Nginisihan niya ako.
Sumiksik ako sa kama ngunit nanatiling naka diretso ang binti kong may posas. Pinaglandas niya ang daliri sa hita ko pababa sa paa ko, at pabalik muli sa hita ko.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
Fiksi UmumWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...