Obsession 34
"Feit you should rest, ang sabi ng Doktor you need to be healthy para maihanda ka sa operasyon mo sa oras na makahanap na tayo ng eye donor."
Naulinigan ko ang boses ni Eiji. Up until now, ganoon parin kung paano niya alagaan at asikasuhin si Feit. Gustuhin ko man kagatin ang labi upang pigilin ang mga luhang nais kumawala sa aking mata, ay hindi ko magawa. I need to pretend that I'm still unconscious.
"Will she be fine?" Tanong niya kay Eiji. At kung pagbabasehan ang boses niya. Siya ang may hawak sa kaliwang kamay ko. Halata ang totoong pag-aalala sa boses niya.
And because of that, guilt flooded my whole system.
Why did I fvcking hurt her? Why did I fvcking betrayed her? Paano ko nagawang saktan at traydurin ang nag-iisang tao na buong-buo akong tinanggap at minahal? Higit pa sa mga tunay kong kadugo?
"Over fatigue lang daw siya. She just need to take a rest sweety.'' Boses naman iyon ni Storm.
''Okay... Pero sabihin niyo sa akin pag nagising na siya ha? Ako magbibigay ng pasalubong niya."
''Copy that." Narinig ko na ang mga yabag na papalayo at ang pagsara ng pinto. Saka ko pa pinakawalan ang mga luha at humikbi. "Why are you crying?"
Nagmulat ako ng mata at tinalikuran si Eiji, tumalikod ako sa kanya at mas lalong humikbi. Hanggang sa nauwi nalang sa hagulgol. Hanggang sa malakas na palahaw. Anong ginawa ko? Anong ginawa ko?! Bakit ako nainggit? Bakit ako naging ganid?! Bakit ako nag kaganoon?! Bakit?
"Hushhh...Tama na. Alam ko malaki ang kasalanan natin sa kanya. Pinagsisisihan ko iyon. Pero hindi ko pinagsisihan na dumating si Erion sa ating dalawa. Sa atin. Feit is just like a new hope. Para siyang liwanag na biglang nagbigay ilaw sa nagdidilim kong daan. Noong sabihin niya, na pinatawad na niya ako hindi pa man kami nagkikita. Natauhan ako sa tatlong taon na ginawa kong paninisi sa iyo."
Hinaplos ni Eiji ang buhok ko at mas lalo lang akong naiyak. Sinira ko ang pagsasamahan nila, ang pagsasamahan namin. Ang pagsasamahan ng pamilya namin.
"Kaya ayusin mo ang sarili mo. Magpalakas ka. Marami tayong utang na dapat nating bayaran sa kanya. Unang-una na doon ang pagbabalik ng paningin niya."
Marahan akong tumango at nagpapahid ng luha na umupo sa kama. Bumungad sa akin at nakangiting si Eiji, pakiramdam ko kahit kaunti. Naalis na ang mga bara sa dibdib ko.
"Bakit wala si Azula? Mabuti pumayag siyang iuwi niyo si Feit?" Sumubo ako sa kutsarang iniumang ni Eiji sa aking bibig.
"Matagal, bago namin nakumbinsi si Azula. Binigyan niya kami ng kondisyon para maiuwi si Feit. She wants us to convince Korin na magpaopera."
"Ayaw ni Feit magpaopera?" umiling ako sa kanya at sumenyas na busog na ako. Pinatong niya ang mangkok sa mesa at inabot sa akin ang mineral water.
"Yeah... Noong una akala namin, kaya ayaw niya dahil maliit ang tsansa na makakakita siya. Yun pala, ayaw daw niya kasi mas masakit lang daw ang balik ng mga alaala ng ngangyari noon, kapag nakita niya kesa sa marinig niya lang."
I bit my lip at niyuko ang ulo. Kasalanan ko. "Paano mo siya nakumbinsi?
"It wasn't me..." bumuntong hininga siya at hinilot ang batok. "It was Storm."
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nasasaktan padin siya, mahal niya parin si Feit. Sandaling binalot ng katahimikan ang paligid. Nakayuko ako at nakatingin sa mga kuko ko sa kamay, habang siya ay sa sahig.
"Lauren--"
"Hoy! Erica! Wala ka na ngang silb---"
Bumungad sa pinto ang magaling kong ina, kung kanina para siyang torong papasugod. Ngayon todo ngiti ito ng makitang naroon si Eiji sa loob. At nakaupo pa sa gilid ng kama ko.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
General FictionWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...