T W O 1999

80 3 0
                                    

~•~

"Airaaaa. Bilisan mo na! Ayusin mo na yung pinapaayos ni pres sa office. Beastmode na 'yon". 

Pres ay shortcut namin na tawag kay student council President.

Ang nagsalita ay ang maingay kong baklang fabulous friend na si Clint Nathan. Ang ganda ng name parang pinag-isipan ko ng mabuti.

"Oo na. Samahan mo na ako. Palagi nalang akong nag iisa." Pagiinarte ko sakanya.

"Ay? Emote bakla? Bakit kasalanan ko ba? Ba't kasi hindi ako nanalo sa eleksyon na iyon edi sana magkasama tayo palagi. Tara na nga!" sabay flip niya ng kanyang under cut na hair. May C.A.T subject kasi kami kaya whether he like it or he should like it, kailangan niyang magpagupit ng ganoon.

Oo nga pala. Hindi nanalo si Clint sa nakaraang election sa student council. Hindi ko alam kung naluto ba o sadyang lutong luto na talaga yung laban simula palang. Alam niyo na, politicians charisma kung saan wala noon si Clint. Kapit sa mga freshmens ganon. Na wala din niyan si Clint. Nabalitaan nga namin nanglilibre daw yung nakalaban ni Clint sa Business Manager ng snacks. Kung saan wala din nun si Clint. Aba, ako nga di niya malibre, 2000+ pa kayang populasyon ng school namin? Nakakatawang isipin noh?
Nakakainis lang dahil maging kami na hindi naman namin iniexpect na ganito pala yung magiging resulta ng service niya. Dapat si Clint nalang! At naniniwala ako na mas may kakayahan si Clint sa pagllead. Sising sisi kami sa naging outcome ng lane namin. Lalo na sa service ng nanalong Buss. Mngr. Once in a blue moon lang si Mayor magpakita. Ano? Gipit sa extra curicullar kaya tumakbo? Naku! Cliche na iyan. Hanggang nga ngayon feeling ko tanging ang pirma lang niya sa accreditation papers ng council ang nacontribute niya. 'Di ko alam. Ayoko na makisawsaw. Kaya naman yung iba diyan. Once na nagpaelect sa kahit anong posisyon, gampan gampanan din natin diba? Para ayos. Action is louder than words. So simple as that. Err

"So kasalanan ko pa hah? Magtigil ka diyan, ipalamon ko sayo yan na lungs mo, sige ka. Kabahan ka" sabay sabunot ko sa buhok ni Clint.

Pagdating namin sa office ay naroon na nga si Pres kasama ang kanyang baby boy. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Lovelife lovelife! Mamaya break up break up, iyak iyak. Heh.

"Wow? Kelan pa naging park 'tong office?!" salubong kong chika kay Clint. Nanggigil ako Clint, pakilayo sa akin ng lovebirds na iyan.

Nagtawanan naman kaming dalawa.

Ganito kami palagi sa office, backstaban, asaran, libakan pero in a good way. Walang trayduran dito noh.

Sanay na rin sila sa bunganga ko. So to finish this long bandwagon, sige na nga, bungangera na ako.

Beastmode daw si pres? Eh kung sapakin ko kaya 'toh si Clint? Lakas makaimbento.

Nagpatawag si pres ng meeting sa aming lahat na officers. Pinag usapan ang darating na Intramurals. Student council ang mag ho-host ngayong year kaya lahat ng activities gagamayin ng mga palad namin. Jusko helpo us God.

Halos mag-aalasais na ng makauwi kami ni Clyde. 

Inantay na kami ni Clint kasi may inayos din siyang mga papeles sa organization niya. 

Sabay sabay na kaming umuwi at nag offer si Clyde na ihahatid niya ako dahil medyo gumagabi na at madilim na ang daan. Siyempre, hindi ko tinanggap. Tignan niyo ah. Gabi na, paano kung may mangyari diyan pag uwi niya? Kargo ko pa? Hayst. Sige kakatok ako sa pader. Sana wala namang mangyari sakanya. Hehehehe labyu Clyde, 1khAw lnG sAp@T na.

Okie, ang negative kong kaibigan mo Clyde. Paumanhin aking bespar ngunit hayaan mo na akong umuwi mag-isa.

Pinagtutulakan ko nga siya papasok ng gate ng bahay nila dahil nadadaanan lang naman namin.

Kami nalang ni Clint ang nagkasama pauwi kasi same road lang naman ang tatahakin namin pero maghihiwalay din kami sa dulo ng street. Ganon talaga, masaya kayong magkasama sa una pero maghihiwalay din kayo sa huli.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon