T H R E E 1999

57 1 0
                                    

~•~
Intrams na!

Woooooo! First day ngayon. Tutal 3 days itong kasiyahan ay walang pasok! Walang exam kay Maam Guatemala! Walang Advance Statistics na ganapan in 3 days! Wala! Hihihi.
Maaga kaming mga officers. Akalain mo yun, ang pagiging officer ko lang pala sa council ang makakapag-gising sa saakin ng alas kwatro ng umaga! 

Inayos pa kasi namin ang ibat ibang booth sa ground. Nirenta pa namin yung mga tent. Nakakapagod mag-ayos pero kailangan. Aira, huwag kang magpakita ng motibo na pilit ang tulong na ginagawa mo. Huhuhu, ang pinaka-ayaw ko kasi talaga sa lahat yung mag-ayos ng gulo. Ang gulo gulo kaya nang dinala yung mga tent dito. Sira naman kasi sina manong, hindi man lang kami inabutan ng tulong. Magdedeliver pa daw kasi sila nung ibang tent. Ay aba? Nakakaloka.

Kailangan pa tuloy namin i-set up yung mga tent isa isa. Harujuseyo! Mas okay na yung ayusin yung maayos. Konting bling bling lang ayos na agad. Wahahahahaha.

Andito ako sa Kpop booth at obviously, ako po ang naka isip nito. Wahahahahaha at walang nakapigil sa akin para iimplement ito!
Kasama ko sa booth na ito sina Clint at pres pati na din si Paolo, yung manliligaw ni pres na crush ni Clint. Hays.  
May mga Standee kami ng Kpop idols at mga pictures. Parang picture booth lang ito kasama ang mga nag gagwapuhang mga oppa crushes ko. Hihihihihi! Meron din namang mga KPOP groups na photos. All in all; may Bigbang, EXO, BTS, Super Junior, 2ne1, Girls Generation, UNIQ, F(X) at dagdag na yung mga Korean actors sa mga K-dramas. Marami rami din ang populasyon ng KPOP fans dito sa school namin. Err

***

Lunch na, at marami ng nagpupuntahan sa mga booth. Dahil nagcombine ang ingay namin ni Clint, marami ang dumagsa sa booth namin at nagpapicture. Siyempre may bayad. Yung makukuha naming fund dito, ipangbabayad sa mga tent na ni-renta namin at sa mga darating pang mga school activities na involve ang student council.

Kinahapunan ay nagpa alam ako kay pres na hindi ako makakatulong sa mga booth dahil nga sumali ako sa cheerdance competition by year level na magaganap bukas ng hapon. Kaya naman may practice kami ngayon.
Pasan ko ang pag inform sa mga kasali/members tungkol sa schedule ng practice dahil pabibo ako. Wahahahahaha! Joke lang. No choice. Ako na daw magmonitor tutal hindi ako uma-absent sa practice. Bakit kasi hindi ako nagkakasakit. Nakakainis naman. Hahahaha.

Dahil nagpresentar yung isa naming member na doon na daw kami magpractice sa basketball court ng barangay nila, eh nag-go naman kami kaysa naman makipagsiksikan sa ibang year level na nagpapractice din para bukas sa school. Okay na din naman lumabas ng school during class hours ngayon kasi walang pasok. Plus! First day pa ng Intramurals. May freedom kami!

Andito na nga kami sa court ng at nagpadala na lang ako sa alon kasi dito daw magandang magpractice, tahimik at walang sagabal.

Pagdating namin...

AY? GANITO BA ANG WALANG SAGABAL? EH MAYMGA NAGLALARO NG BASKETBALL! SINASABI KO SAINYO PIGILAN NIYO AKO.

Hinarap ko silang lahat ng magkumpulan kami sa isang tabi ng court.

"ANO?!! ANO ITO?!! SABI NIYO TAHIMIK DIBA? ASANG PART? ASAN?"

"Aalis lang yan sabi ng trainor natin. Ano ba iyan si Aira. Guys wala ng tatabi kay Aira ang ingay baka lamunin kayo niyan!" sabat sa akin ni Kian, yung lalaking member na ka-year level ko din.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon