F I F T E E N 1999

31 2 0
                                    

~•~

Pagkagising ko kahapon, pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto napasigaw ako sa sobrang gulat. Sabi ko na siraulo talaga 'tong magkapatid! Ginulat ba naman ako, sabay na nag-abang nang pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin ni Ate Rue. Sina Louise at Lance.

Si Tita Elen lang ang kasama nila papunta dito. Hindi na nakasama si Tito Kris dahil may inasikaso sa trabaho. Hahabol nalang daw ito.

Kapatid nila Mama at Tito Helmer si Tita El.

Paano kaya natiis ni Tita El itongg mga ugok kong pinsan? Nabaliw ba siya sa eroplano nung pagbyahe from Bicol to Bohol. Sino ba namang hindi mababaliw sa sobrang kapilyuhan nitong dalawa? 

Kakalapag pa lang ng eroplano sa airport, nang sumigaw 'tong dalawa ng "OH YES" without noticing the people sa paligid nila na ikinagulat ni Tita. Nagkwento si Tita El sa amin. Grabe daw yung kahihiyang dinala nitong dalawa sa kanya, pagkalabas nila sa eroplano. Nakakapanghina.

Sabi naman sakin nitong si Lance, nagpustahan daw kasi sila ni Louise, ang hindi sisigaw ng "OH YEAH", bakla.
Diba? Mga sira talaga.

"Aa, ikuha mo nga ako ng juice. Thank you namiss mo ako diba?" sabay gulo nung buhok ko.

Ewan ko baliw talaga 'to si Louise.

Lahat pala ng mga pinsan ko, tawag sakin "Aa" short for Aira the Angel.
Hehehehehehehehehehehehe. Ganon talaga. Unique.

Nandito kami sa may teres, sinisilayan ang ganda ng hasienda ni Lola Paz. Keganda talaga.

"Wow ah. Señorito Louise?" ako.
Hindi ko siya sinunod at patuloy na pinagmasdan ang gandang taglay ng buong paligid.

"Ang tamad mo na. Hays!" siya.
"Ikaw ang tamad, ikaw may kailangan ikaw ang kumuha," ako.
"Pakuha mo 'ko kay Krisha. Mabuti yun mabait 'di tulad mo." siya

"Sira. Kung akala mo lang ha ha ha. Naiirita na sayo 'yun si Krisha. Rami mo kasing utos mayor." sagot ko sakanya. Nagkwento saakin si Krisha kanina. Pagkarating na pagkarating daw nitong sina Louise, pinaguutusan agad siya.

"Edi si Krishme nalang. KRISHME!" iniwan ako ni Louise at patuloy na isinigaw ang pangalan ni Krishme.
Grabehan talaga 'to si Loui. Hays.

Nang makaalis sa tabi ko si Loui, dumating naman si Lance. May dala dala itong libro.

"Anong binabasa mo?" pinakita niya sa akin yung cover ng libro na hawak niya.
Ah readers digest. Naks naman.

"Kelan pa nag-iba ang genre mo Lance? HAHAHAHA" ako.

"I have no choice. Ito yung nasungkit ni Mama sa kayrami rami kong libro," sagot niya naman agad.

"Sandali. Si Tita El ba yung nag-impake ng gamit mo?!" pagtatanong ko sakanya.
Aba? Ang tamad nitong si Lance ah! Walang mga kamay at inutos pa talaga kay Tita El ang pagiimpake ng mga gamit niya?

"Yep. Hindi naman talaga ako sasama kasi may out of town din kami ng mga barkada ko next week. Pero Mama insisted na sumama ako. Baka daw anong kagaguhan nanaman gawin ni Loui. Alam mo na ang isang 'yon." sabay tawa nito.

Oo nga. Naiimpluwensiyahan lang ata 'to si Lance ng kapatid kaya. Kung tutuusin mas okay pag-iisip nito kesa kay Loui. Mas makakausap mo si Lance ng seryoso at matino kesa kay Loui.

Pero minsan talaga kung magsama 'tong dalawa sa trip, magtago ka na baka ikaw pa ang pagfiyestahan.

"Oh," sagot ko naman sa kanya.

"May boyfriend ka na Aa?"

Agad? Di man lang nangamusta Lance?
Isa pa 'to! Kailangan niyo ba talaga ipamukha sa akin na wala akong lovelife?
Bakit ba. Anong bigdeal sa pagkakaroon ng boyfriend sa wala?
Kung sabihin ko kayang meron, so what? Hmmmp!

"Wala nga.
Lance naman eh, parepareho kayo ng tanong!" naiirita kong sagot.
Napasimangot nalang ako.

"I confessed to a girl one time. She say's thanks, lets see if it'll work."

Nasurpresa naman ako sa kinwento niya. Anong pinagsasabi nito? Lakas makachange topic! Lance? Are you sick? Hehehe.
Pero hinayaan ko nalang siya't pinagpatuloy ang pagkwento.

"Pareho kaming sumali isang beses sa pageant sa school. Nanalo siya, nanalo din ako. Kaming dalawa yung nag-uwi ng title. Pagkatapos nun, pormal ko na siyang niligawan kasi nga sabi niya diba, let's see if it will work. Kaya ako naman, nag the moves agad." Kinindatan ako nito at pinangliitan ko naman siya ng mata. Baliw ka na Lance.

"Hanggang umabot yung time na napagod na ako. Hindi ko na kasi naffeel yung appreciation niya sa lahat ng ginagawa ko. Sinukuan ko agad siya. All my effort turned into waste nang malaman kong may boyfriend pala siya. Ang mas kagimbal gimbal, matagal na pala sila. Nung tinanong ko kasi siya kung may boyfriend siya, she think of an answer na pagiisipin akong wala siyang boyfriend, kaya pinormahan ko agad siya. Hahahahaha," tumawa naman ito sabay lapag ng hawak niyang libro sa nakagilid na mesa.

Bipolar ka ba Lance?

"After nun, wala na kaming communication. Nagkakasalubong man kami sa corridor ng school, as if we dont know each other. Nakalimot siya agad. Last Christmas nga binati ko siya sa chat. Sineen niya lang message ko. Until now di pa siya nagrereply. Ang saya noh? Hanggang ngayon sila pa din ng boyfriend niya."

Awwwwww. Naramdaman ko ang sakit sa likod ng mga tawa ni Lance. Aray!
Camp sawi pala ang pinsan kong ito. Tinap ko naman agad siya sa balikat niya.

"Kaya naman ikaw, kung may boyfriend ka dont deny it. Denying it means you're giving hope to those people na may balak pormahan ka. In other words, you're not just near sa pagpapaasa, kasi totoong pinapaasa mo sila," ngumiti si Lance at hinarap ako.

"May boyfriend o wala?" diretso niyang tanong.

"Wala nga talaga boss. Walang nanligaw eh," napabusangot ulit ako. Tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa paligid.

"Hindi ka daw kasi nagsusuklay," tumawa na naman ito.
Anong hindi ako nagsusuklay? Hhmmmp!

"Tss! Sira."
"Aa," sumeryoso bigla ito at tiningnan ako sa mga mata.

Weird din nitong pinsan ko eh. Creepy.
Bigla bigla nalang tumitigil sa pagtawa at ngayon tititig saakin ng seryoso.

"Oh?" ako.

Ang misteryosong mga titig nitong ni Lance, nakakagigil. Sarap niyang ibalibag magmula dito sa taas ng teres, pababa doon sa mga alagang kambing ni Lola Paz.

"Laurence like you," siya

...

Hindi agad nagloading yung sinabi niya sa utak ko.
Sino?
Ano?

"He really do," ngumiti na naman siya sabay inilayo ang tingin sa akin at itinuon ito sa tanawin sa ibaba nitong teres.

Sino?

Tama ba ang rinig ko?

Si Lㅡlaurence?

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon