F O U R 1999

55 1 0
                                    

~•~

Second Day of Intramurals.

Nagpapractice ulit kami ngayon sa court na pinagpractice-san namin kahapon. Final rehearsal dahil mayamaya lamang ay cheerdance competition na.

Nagsimula na ang practice. Nakakapagod pero kailangang maayos ang execution. Palaban yung mga makakalaban naming other year levels plus! todo support pa ang mga teachers ng level nila sa kanila.

Habang kami, nganga, pagod, iyak, walang support from teachers. Kinausap nga namin si Maam Heteban, MAPEH teacher namin nila Clint at ng ibang ka-members ko. Pero ang tanging nasabi nito, "Oy mga matanda na kayo, kaya niyo na 'yan. Sus naman 4th year, laban! Goodluck!" at yun nalang ang kinakapitan naming words of encouragement from sunbaes. Hahahaha. Pero seryoso, busy din kasi yung mga 4th year teachers sa pagpeprepare para sa upcoming Regional Presscon na dadaluhan ng mga student journalists galing sa ibat ibang schools dito sa rehiyon namin (kasama na kami ni Clint hihi). Ang bongga ng school namin nagccater ng mga bigating event. 

Kaya nga ibinigay sa student council yung pag-host ng intrams kasi sa totoo lang, halatang bugbog na yung mga teachers namin sa preparation. Maging other year level teachers tumutulong na din. Kaya yung "Goodluck" na sinabi ni Maam Heteban? Para na iyon sa inyo mga madammes. Love, love, love!

Nagbigay ng 10 minutes break yung trainor namin na ginawang chismisan minutes namin nila Clint. Hindi ko alam kung may sanib pa si Clint dahil sobrang hyper niya ngayon. Anyare sa taong 'to?

Nabanggit ni Clint na gusto niyang manuod ng Mr. and Ms. Intramurals ngayong umaga. Ay oo nga pala! Hindi na ako nakatulong kila pres na mag-ayos para sa pageant kahapon dahil halos mag aalas syete na kaming nakauwi galing practice.

Ayan kasi Aira, inuna pagsasayaw. Charot. Hehehehe. Hindi nga din naman pala kami makakapanuod kasi todo todo pa ang practice namin.
Alas otso palang ngayon ng umaga. Sobrang aga namin nagsimula sa rehearsals kasi mamaya rest na kami at magaayos para sa competition.

Habang nag chichismisan kami...

"Si laurence!" sigaw nung kasama namin. Ay kaasar naman nito ni Joana. Makasigaw akala mo may fire. Bultaoreune!

Tumingin kami sa direksyon na itinuro ni Joana na agad nakapagbigay ng reaksyon si Clint.
"Halah! Bakla si Laurence yan diba?!!" hinampas pa ako nito ng pagkalaki laki niyang palad.

Naka-angkas siya sa motor habang nagdidrive naman yung magandang babae na hindi niya ka-edad. Pero kung titignan, parang bagets na bagets ang itsura ni ate.

Nagsimula na naman ang kabog ng puso ko. Halah?!! Chill lang heart. Ba't parang nagiinit ang buong katawan ko?!! Feeling ko hindi lang ako mamemental breakdown sa mga oras na ito. Baka magcomplete breakdown talaga ako. Jusko po!
Inilayo ko ang tingin ko kay Laurence at itinuon ito sa cellphone na hawak ko.
Nahihiya akong tignan siya. Baka magkasalubong nanaman ang mata namin. Hindi ko alam ang irereact ko kung mangyari iyon.
Aira!! Ano bang ginagawa mo?! Ba't ang weird mo mula kahapon? Halah ayoko na.

"Bakla, diba kasali siya sa search?" hindi ko namalayan ang tinatanong ni Clint dahil honestly! hindi pa din ako makakalma kahit nasa cellphone na ang buong atensyon ko.
"Uy Aira! Diba si Laurence kasali sa pageant?!" agad akong napatingin kay Clint dahil tinapik niya ako sa noo.
"Aray! Ano ba Clint?!" ako.
"Halah bes? Lutang?" Clint.
"Ano?!" ako.
"Bestie? Are you sick?!" hinawakan nito ang noo ko at nagsabing "hindi ka naman mainit, okay ka lang?" Clint.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon