O N E 1999

263 3 0
                                    

~•~

Heto na. 

Heto na heto na talaga!

"Oy Aira!"
Napamulat at napatingin ako sa direksiyon ng nagsasalita habang nakatalukbong sa akin ang kumot ko.

"Kanina ka pa diyan! May balak ka pa ba sa buhay? Alas nwebe na, ano na tayo? 

Maglaba ka na doon, tulungan mo ako" sigaw sa akin ni Mama.

'Nubayan. Wooo! Bibigyan na niya ako ng rosas. Nung lalaki sa panaginip ko. Kaasar 'to si Mama!

"OO NA PO!"
Tumayo ako sa kama at inayos ang unan at kumot ko.

"Alam mo Ma.." saad ko habang busy na ayusin ang higaan ko.

"Ano?" sagot naman niya habang patuloy na pinagmamasdan ako sa pagaayos.

"Panira ka talaga ng mga wildest dreams ko." Sabay simangot ko sakanya.

Rinig ko ang maliit na tawa't pag-ngisi ni Mama sa sinabi ko kahit hindi sakanya nakatuon ang atensiyon ng mga mata ko.

"Eh kung pag wwildest dream's dream's-in kita diyan! Wildest dream your face anak. Kung binibilisan mo na kaya diyan!" bulyaw niya saakin.

"Andun na oh!" sabay hand gesture ko ng kunyare ay inaabot ang langit.

"Si shining shimmering knight ko! Sayang Ma. Dapat di mo muna ako ginising." 

Kunyare ay nagaayos pa din ako ng higaan ko pero ito ay naayos ko na.

"SAYANG MAMA! DI KO MAN LANG NAKITA KUNG GWAPO O TAO PA BA YUNG KA-SOULMATE KO. PANIRA KA MOTHER EARTH!" pagdidiinan ko at sabay talukbong ulit nung kumot na inayos ko na.

"Naku nakung batang ito!" at hinampas niya sa akin ang dala dala niyang pamalo sa paglalaba. Hindi naman niya talaga hinampas. Kunyari kunyarian lang. Pero tumama ito sa may braso ko ng mahina lang plus nakatalukbong pa ako ng kumot, wala talaga akong naramdaman.
Grabe! Mahal niya ako ng sobra. Ako'y nagiging uripon ng aking mahal na inang reyna. Hahahaha labyu Mama!

Ganito ang eksena namin ni Mama araw araw na ginigising niya ako. Kaurat nga eh, lahat ng panaginip ko, siya ang nagtatapos. Kasalanan ko din naman kasi hindi ko nilolock ang pintuan ng kwarto ko kaya nakakapasok siya at masayang winawakasan ang mga wildest dreams ko. Pero kahit ganyan yan si Mama, millenial hybrid 'yan. Sabay sa uso. 

Kaya naman ang mga joke at pangaasar na binibitawan ko sakanya, ay get's na get's niya. Pinapatulan niya din ng sarili niyang hirit/version katulad ng nasaksihan niyo kanina. May nalalaman pa siyang "wildest dreams your face". Amazing diba?

Mahal ko 'yan jusko. Inang reyna is nothing but the bestiest bestfriend evah. 

2 years old pa lang ako nang namatay si Tatay. Nagkasakit kasi siya sa baga. Kaya naman si Mama na ang tumayong nanay at tatay naming magkakapatid.

Saranghae eomma!

Ako nga pala si Aira.
Aira Swift.
Hehehehehehehehehehehehehe.
Half chinese, half garter.
Ayt! Syempre joke lang! Sadyang lunod lang ako sa mga kanta ni Taylor Swift. Kasi naman sobrang ganda ng mga message ng kanta niya. Kung di pa tatagos sa puso mo, saan pa kaya? Tsaka isa rin siyang demigod. Hihihi pareho kami. Mga immortals sa kagandahan.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon