S E V E N 1999

38 1 0
                                    

~•~

Kasama ko si Clyde dito sa office habang inaayos yung mga documents para sa accomplishment report ng council sa naganap na Intramurals.

Kanina pa kami tawa ng tawa sa mga pictures na epic naman kasing kinunan nung documentation team. Ginagawan namin ito ng memes.

Siraulo 'to si Clyde, akala mo anghel kung makipag-interact sa iba, pero dimenyo naman ang ugali pag kasama ako. At siya pa ang nagsimula ng kagaguhang ginagawa namin sa mga pictures. Pasensiya na sa mga nabiktima namin ni Clyde. Ibabalik namin ang mga dignidad niyo soon pagnatapos na kami. Wahahahahaha.

"Siraulo ka Clyde. Magtigil ka na! Maawa ka diyan sa mga istudyanteng napagtitripan mo!" banat ko sakanya habang nagpprint ako ng other documents.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Napatingin ako bigla sa hawak niya.
Bwiset! Lubos ang kasiyahan ni Clyde. Nag aalala ako para sayo iho. Tama na.

Pagtingin ko ng hawak niyang litrato, nakita ko ang pagmumukha ko na tawang tawa habang nagaayos nung tent para sa KPOP booth namin.
Mga panahong grabe yung tawa namin dito sa binitawang joke ni Clint. Letchugas!
Ang panget ko dito!

Hinampas ko si Clyde sa braso pero tawa pa din ito ng tawa.

"Adik ka talaga! Akin na nga iyan!" hinahablot ko sakanya yung litrato ng bigla may kumatok sa pinto at bumukas ito.

Hindi pa din si Clyde tapos sa pagtawa at patuloy na inilalayo sa akin ang litrato para hindi ko ito makuha.

"Hello! Goodmorning," bati sa amin nung lalaki na pumasok sa office.

Natigilan ako sa paghablot nung litrato kay Clyde nang bumungad sa harapan namin si Laurence na nakangiti.

"Nakaistorbo ba ako?" saad nito habang nakangiti pa din.

Nag-iba naman yung nararamdaman ko.

Bumilis ang pintig ng puso ko.
Pero bakit hindi naman ako masyadong naiilang sakanya?
Hindi din naman nagiinit ang buong katawan ko.
Baka yung mukha ko oo? Naku!

"Ay pasensiya na! Hello! Ano pong maipaglilingkod namin sakanila?" humarap ako ng maayos kay Laurence habang tawang tawa pa din si Clyde doon sa litrato.

"Huy tumigil ka nga. May tao na oh!" bulong ko sakanya.

"Hahahahahahaha! Rence tignan mo 'to! Hahahahaha," lumapit kay Laurence si Clyde at ipinakita ang litrato.

Ilang sandali lang ay sabay na silang nagtawanan.
Bwisit!

Ano sa tingin mo ang pinaggagawa mo Clyde! At kay Laurence pa talaga! Bwisit!!

Kinuha ko agad yung litrato na hawak ni Clyde at itinago ito sa likuran ko.
As if naman Aira na mau-undo mo ang kahihiyan na ginawa ni Clyde sa litrato mo.

Tinignan ko ulit yung mukha ko doon sa litrato. Oily! Hays. Pwede nang makaluto ng fried rice sa mukha ko! Haggardo!

"Baliw na kayo. Umalis na nga kayo dito."

Pinagtabuyan ko yung dalawa papalabas ng office.

Nakakainis! Bakit pa kasi litrato ko! Sa kayrami rami ng ginawan namin ng memes ni Clyde, ito pa pinakita niya lay Laurence!
Napakamot nalang ako sa ulo at bumalik na doon sa may harap ng computer.
Siraulo ka Clyde, pagsisihan mo ito!

Hindi ko naman napansin na sumunod pala sa akin si Laurence. Isa pa 'to!

"Ang cute mo naman dun! Hahahaha," tawang tawa pa din ito at pinaghahawakan yung ibang mga litrato sa may lamesa na nasa tabi ko.

"Umalis muna si Clyde. Pinatawag ni Maam Loyela," patuloy pa din ito sa pagtawa.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiilang sakanya.
Compared sa mga instances before, na kapag nakikita ko siya eh i somersault!
Baka nga dulot yun ng over fatigue at sakanya ko nasisi yung nararamdaman ko dati?

Ngayon kasi ibang iba. Mabilis ang tibok ng puso ko oo, pero okay lang naman na nasa harapan ko siya.
Hindi ko naman feel magtago sa palda ni lola sa mga oras na ito.
Wala! Parang normal lang pero sadyang mabilis lang ang tibok ng puso ko.

At oo!
Sakanya lang ito bumibilis, kapag nakikita ko siya.
Abnormal na ba puso ko?

"Tigilan mo na ang pagtawa. Nakakainis naman eh," saad ko habang nagttype noong reports sa computer.
Diba, nakakapagfocus pa din naman ako sa ginagawa ko.

Anong ginawa mo sakin Laurence? Ba't parang mas naging kalmado ako kapag kasama ka?
Ano ba itong pinagiisip ko!

"Oo na po! Hahahaha," huling hirit nito sa pagtawa.
Hindi pa din ako nalingon sa kanya dahil tinatapos ko yung paragraph na ginagawa ko.

"Okay ka na pala Aira?" pag-iiba niya ng topic.

Napatingin ako sakanya at nakatitig ito sa akin.

"Oo," sagot ko naman.

Naalala ko! Siya nga pala yung tumulong saakin na madala sa clinic. Siya yung nakasaksi ng panghihina ko. Naalala ko na naman yun!

"Mabuti naman," at ngumiti ito sa akin sabay tingin ulit sa mga litrato sa harap niya.

"Salamat Laurence!" saad ko.

Kahit pala papaano, kahit na siya ang nakakita ng panghihina ng buong katawan ko, hindi naman pala nakakahiya.
Dapat pala thankful pa ako kasi tinulungan niya ako.
Well, kung sino naman talaga yung makakita sa akin na nanghihina feeling ko tutulungan din naman nila ako.
So what he did ay talagang gagawin din ng iba sa akin. Ang dalhin ako sa clinic.
Wag kang mag-assume Aira.

"Ang bigat mo nga. Pagkatapos kong dalhin ka sa clinic, ako naman yung nanghina," at tumawa naman ito.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Grabe ka. Edi sana di mo nalang ako tinulungan," sabi ko naman.

"Sige. Sa susunod tatawag nalang ako ng ibang bubuhat sayo," at napatawa naman ako sa sinabi niya.

Guggong din ang isang 'to.
Sarap sakalin sa inner lungs.
Ano kung mabigat ako? Kasalanan ko bang maakit ng mga pagkain? Hays.

Hindi ko na namalayan na halos isang oras na pala ang nakalipas at naguusap pa din kami ni Laurence.
Wala naman kaming pinagusapan na controversy o big scoop tungkol sa mga buhay namin.
Yung mga bagay bagay lang tulad ng ano, yung favorite number niya sa electric fan. Mga ganon.
Yung mga, if you were to die today, what would you like to be remembered?

Madali naman palang maka-close 'tong si Laurence. Isang pitik mo lang sa ilong niya close na agad kayo.
Ang gaan lang ng loob ko sakanya.
Mas naging komportable akong kasama siya.

Pero may mga times na sobra sobra ang tibok ng puso ko kapag nakangiti siya.

Hallelujah ang ganda naman kasi ng mga ngiti niya.
Parang starlight. Aaaaa!

Sabi niya nga sasabay daw siya sa lunch namin nila Clyde mamaya.
Edi ako namang mabait, ehem!
Aira, nag-go naman. Wahahahahahahaha

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon