E I G H T E E N 1999

16 0 0
                                    

[Laurence POV]

Papalabas ako ng room na pinagsstay-an ng mga candidates dahil ihing ihi na ako ng mga oras na iyon. Nang biglang bumungad ka sa harapan ko. Napaupo ka dahil sa katangahan ko. Nagkabungguan tayo.

Ang tanga tanga ko that time kaya naman tinulungan agad kitang tumayo.

Napansin ko agad ang hindi pagiging ayos ng reaksiyon mo. Namumutla ang mukha mo.
Nang hawakan ko ang mga braso mo, mainit ito. Nainis ako sayo! Bakit mainit ka? Hindi ba okay ang pakiramdam mo?

Tinakasan mo nalang ako bigla. Tumakbo ka papuntang council office at sinundan kita. Hindi ako mapalagay. Baka kung anong mangyari saiyo. At tama nga ako. Nanghina ka at nawalan ng malay sa harapan ko na bigla kong ikinataranta.

Sinugod agad kita sa clinic. Grabe ang init ng katawan mo at ang pamumutla ng mukha mo.

Mabuti nalang naging okay ka na naman.

Alam mo bang pinagalitan ako nung adviser namin? Kasi ang tagal nila akong hinanap. Mag ssports wear exposure na kasi at wala pa ako. Mabuti nalang mabilis akong tumakbo at nasugod kita agad sa clinic.

Siguro yun din yung naging reason kung bakit 1st runner up lang ako dun sa pageant. Ayaw ba nilang nalilate ang gwapo? Hays. Malay ko bang masusugod sa clinic ang taong mahalaga sa akin. Hehehe
Kung hindi ka nawalan ng malay, tiyak ako ang nanalong Mr. Intramurals. Hindi sana ako na-late ng dating. Edi sana may ipagmamalaki ako saiyo.
Baka kasama yun sa criteria para mapansin mo ako. Pogi naman ako! Ba't di ka sa akin naaattract? :---------)

Okay lang, wala na akong pake sa pageant na yun, ang importante I was the one who saved you.

Sa mga oras na magkakasama tayo, grabe ang sayang nararamdaman ko. Iniisip ko na sana ganoon ka din sa nararamdaman mo sa akin.

Aa, bakit ka nagpapakita ng motibo na parang may nararamdaman ka din sa akin? Alam mo bang sa bawat small actions na ginagawa mo sa akin, binibigyan ko lahat ng deep sweet meaning?

Bakit ang mga titig mo sa akin kakaiba? Para bang may gusto kang sabihin sa likod ng makikislap mong mga mata.
Isa ka din e! Hindi naman lalalim itong nararamdaman ko saiyo kung hindi ka nagpapakita ng motibo.

Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Mabilis na tibok ng puso, nagkataranta kapag nakikita ka, nagpapasaya sa akin at hindi ko na alam basta masaya ako kapag nakikita ka.

Minsan nga nagseselos na din ako diyan kay Clyde.
Kung mag-alala ka naman sakin mas sweet, kaya okay lang.
Aa naman, kinikilig ako. Hindi mo lang ramdam.

Aa, iniisip ko, gusto mo din kaya ako?

Hindi ako nagdalawang isip nang imbitahin ako ni Clint sa panunuod ng sine ng malaman kong kasama ka. I said yes agad agad! Makakasama ka eh.

Yung paghaharutan niyo ni Clyde matapos ang sine, nainis ako nun! Sinabi ko sa sarili ko na sana ako nalang si Clyde kahit ngayon lang.

Nung pinahawak mo kay Clyde yung paperbags? Alam mo bang pinakalma ko ang sarili ko dahil baka masuntok ko na nun ang inosenteng mukha ni Clyde sa sobrang selos! Para akong sira, gusto kong hablutin sakanya yung mga paperbags at sabihin na ako lang ang pwedeng tumulong sayo. I feel so selfish.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon