T W E N T Y 1999

38 2 0
                                    

[Aira POV]

It's been 6 years nang lumipas ang mga kababalaghang nangyari sa buhay ko.

Ito ako ngayon, isa na akong architect. Mabuti nalang at nasurvive ko ang 5 years sa college.

At dahil yun saiyo Bogs.

Flashback

ㅡㅇㅡ

1 year before I stepped my 5th year in college.

"Aira, ano? Hindi mo sasagutin itong tumatawag saiyo? Baka importante 'to! Diba nabanggit mong may architectural visit kayo ngayon sa museum? Baka classmate mo 'to!" bulyaw sa akin ni Mama.

Hindi na sakin yun bago. Ratatat pa din ang bunganga ni Mama everyday. Sakanya ko namana ang kaingayan ko. Told ya.

Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko at hinarap siya.

"Oo na nay, wait lang ho."
"Naku bilisan mo't ika walong beses na ata 'yang tumatawag," lumabas na si Mama sa kwarto ko.

Kinuha ko naman agad ang phone ko.
Pagtingin ko ng orasan, pusang gala! Alas kwatro palang ng madaling araw!

Tinignan ko yung nag misscall at nakitang unregistered number 'to.

Kung sino ka mang hinayupak ka para istorbohin ang maganda kong panaginip with Rence, naku naku naku! Matitikman mo ang hagupit ng signal number 56 ng bagyong Aa!

Binuksan ko ang inbox ko at nabigla ako sa sumalubong sa akin.
86 messages.
What?!

Galing din doon sa unregistered number.
Who the hell is this?

Pagbasa ko ng mga messages, mga quotes! Ang malala! Love quotes pa.

Halos nangalay ang kamay ko kakascroll nung 86 messages.

Napatigil naman ako sa pagscroll nang makita ko ang isang message na heart emoticon.
As in heart emoticon lang at the rest of the messages ay quotes na ulit.

Hayop ka. Sino kang siraulo ka para padalhan ako ng emoji na ganito!

Sandali.

Lord huwag mo pong sabihin na si...

Si Kai ba 'to?

Yung nakakainis kong blockmate na panay ang pangungulit sa akin! Aba lintik pinangalandakan ba naman sa buong block namin na liligawan niya ako.
Aba, adik na yata.
Baka nilamon na ng autocads yung hiya niya.
Sarap niyang ipalamon sa mga plates namin.

Biglang lumitaw sa screen ko yung number ulit na kanina pa tumatawag.
Sinagot ko naman agad ito pero inend naman niya.
Siraulo talaga!
Sino ba 'to!

Nakareceive ulit ako ng text pero this time hindi na ito love quotes o emoticon man.

Pagbukas ko,

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon