S E V E N T E E N 1999

46 3 0
                                    

~•~

[LAURENCE POV]

The time I stepped sa school na pinapasukan mo, halos lumundag na sa saya ang puso ko. Hindi ako pakapaniwalang magkkrus na ulit ang mga landas natin. Pinangarap ko 'to, ang masilayan muli ang mga ngiti mo,

Aira.

Isang taon bago ako magtransfer sa school niyo, nagkita na tayo. Hindi mo nga lang alam.
Oo, that was the first time I saw you after 8 years.
Bumisita kami ni Daddy sa Tita ko kung saan malapit ang school niyo.
Saktong tumigil yung kotse sa may gate ng school. Labasan niyo na nun kaya medyo natraffic. Puno ng istudyanteng nagaantay ng jeep.
You were walking with 2 more boys behind you. Nagkakatuwaan siguro kayo. Ang lapad ng ngiti ko. Hindi ko maiwasang hindi ka titigan. After 8 years! Nakita na din kita sa wakas!

Ang mas nakapagpasaya pa sa akin ay nung tumigil kayo sa gilid ng kotse namin. May inaantay ata kayo nun.
Dahil sobrang naexcite akong makita ka sa malapitan, binuksan ko ang bintana ng kotse.

Hindi ko naman alam na magrereact pala yung isa mong kasamang lalaki matapos kong buksan yung bintana.
"Uy, hi pogi," sabi niya sa akin.
Tumawa ka naman. Napangiti ako sa tawa mo.
"Ay pasensiya na ho kuya. Baliw na 'tong kaibigan ko," ngumiti ka ulit.
Pagkatapos nun hinila mo na paalis doon sa pwesto niyo yung kasama mong dalawang lalaki at tuluyan na kayong umalis.

You've grown enough. Hindi ko na lubos akalain na ikaw si Aa, si Aa na naging bestfriend ko noong nagbakasyon kami ng pamilya ko sa Bohol. Ang laki nang pinagbago mo, ng itsura mo.
Nalungkot ako nun Aa. Akala ko makikilala mo ako agad once na nagkita muli tayo. But no. Hindi mo na ako nakilala.

Ako ito si Bogs. Si Bogs na sinabihan mo ng "mahal kita".
Nakakatuwa nga, 7 years old tayo that time pero sabi mo sa akin na mahal mo ako at ako lang ang mamahalin mong lalaki sa buong buhay mo maliban sa Dad at Kuya Sam mo.

Sabi mo pa nga, ako din ang lalaking makakasama mo sa future at ikinunsulta mo pa yun sa manghuhula.
Nabigla nga ako kasi mga bata pa lang tayo, ang dami mo ng alam sa pag-ibig. Alam kong mahilig ka sa mga love stories kaya halos lahat nang pinapabili mong libro noong mga bata pa tayo ay dapat may touch of romance. Siguro doon mo nalaman ang tungkol sa love.
Hindi na ako nabigla nung sinamahan kitang maghanap nung sequel ng binabasa mong libro. Romance pa din ang genre mo.

Nakakatuwa ka talaga.
Sinabi mo yun sa akin nung aalis na kami, pupunta na sa America at doon na maninirahan. Hindi ko pa din yun nakakalimutan.

Ayaw ko munang ipaalam sayo na pareho na kaming pinapasukang school ni Lance. Pinipilit niya akong tawagan ka, itext ka, i-chat ka. Pero ayoko. Gusto kitang surpresahin. Yung ako mismo. Ako mismo ang magsasabi saiyo na 'I'm back'.
At gusto ko, sa personal. Pero bakit kumirot ang damdamin ko? Hindi mo nga ako nakilala nang magtama ang mga mata natin.

Mas naexcite ako nang malaman kong ttransfer lang naman ako ng school pagtungtong ko ng Junior High. Sabi ni Daddy, 2 years lang ang ibinigay sakanyang contract para magtrabaho dito sa dati kong school. At after 2 years, mas nakakatuwa kasi doon na siya madedestino kung saan malapit ang school niyo.

I wasnt taken a back. I was so excited to see you again. I thought the first time that you'll see me again will be the time for our friendship to be continued after a long long era.

2nd grading period ng Junior High nang nagtransfer ako sa school niyo.
Hindi madali ang pag-aadjust ko. Pagtungtong na pagtungtong ko sa school na iyon, ikaw lang ang gusto kong maging makaclose agad. Maging kaibigan. Alam kong kapag sinabi ko agad saiyo na ako 'to, si Bogs, maaalala mo agad ako. Hindi ko na yun binigdeal na hindi mo saakin pagkilala nung first ulit nating pagkita after a long time.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon