E L E V E N 1999

28 3 0
                                    

~•~

Papatapos na ang school year. Dalawang grading period nalang ay makakagraduate na kami at maiiwan na si Clyde sa Alma Mater.
Iiwan ka na namin Clyde. Wahahahaha akala mo ah. Wala ka nang makikitang kasing ganda ko sa school na 'to. Sorry, limited edition lang kasi ang mga uri namin.

Pareho pa din ng dati. Classroom-Council-Libro-Friends lang ang takbo ng buhay ko. Nag-take pala kami ng parehong university ni Clint pati na din si Jess! Pero iba iba kami ng kinuhang courses. Sana makapasa kami kasi kung hindi, hindi na ako magkacollege.
Kung hindi daw kasi ako makapasa sa university na ito, kukunin nalang daw ako ng Kuya ko at doon papag-aralin ng college sa America.
Oo, big oppurtunity na sana iyon. Kaso ayoko namang malayo kila mama at ate. Kahit binging bingi na ako sa ingay ni mama kada umaga, okay lang. Mamimiss ko yun kapag natuloy ako sa America. Ganoon lang kababaw ang dahilan ko. Basta ayoko sa ibang bansa mag-aral.
May pamilya na si kuya doon at nagmigrate sila sa America. Doon na din ipinanganak ng bayaw kong kamukha si Georgina Wilson yung dalawa kong mga Englisherong pamangkin. Yep! Both boys. Galing ni kuya mamingwit ng ka-tadhana. Ganda ganda pang miss universe ang title ng lola mo. Namimiss ko na tuloy ang mga yun. Last na pag-uwi nila dito sa Pinas noong summer. Matagal tagal na din.

Minsan nalang naman kami nagkakasama nila Rence dahil masyado kaming nabbusy sa studies. Sa isang week mga isa o dalawang beses lang kami magkasamang kumain ng lunch.
Hello, hindi naman talaga kami nagllunch. Di uso lunch sa amin. Biro lang. Wahahaha.

Dagdag pa yung pagcompete ng soccer team ng school kung saan sa Cebu ginanap. Two weeks silang nawala sa paningin ko dahil nga mag ttwo weeks silang nag-stay sa Cebu. Sayang nga lang hindi sila nakaabot sa National level. Isang puntos lang naman daw yung lamang. Nabalitaan ko pang nakascore daw si Rence ng 2 points! Pati sa puso ko naka-score ka din. Mwahahahahahahaha. Nakatitiyak akong may gold medal 'tong matatanggap si Rence sa Graduation day.

Kanina ko pa hinahanap si Clint. Halos malibot ko na ang buong campus pero hindi ko masilayan ang pagmumukha niya.
Wala kaming pasok ngayon. Bukas kasi magaganap yung Seniors Night. Mascarade nga yung theme.
Hindi kami ang nag-isip nun. Napakabago naman ng concept. Parang pinag-isipan! Ngayon ko lang yan narinig. Bagong bago sa tenga. Hahahahahahahahahahaha.
Teachers yung humawak ng activity na ito. Siguro kung student council yung humawak nito hindi ko na alam kung saan kami pupulutin. Hindi na din namin mae-enjoy kakatakbo doon dito para maayos yung mga kailangan sa whole program. Kaya malaking pasasalamat sa mga teachers namin sa pagsalo ng event na ito.

Pero asan na ba talaga si Clint? Papahiramin niya kasi ako ng steleto. Bagets pa si mother nitong si Clint, at saktong magkasize kami ng sukat ng paa! Nagpromise din kasi si Tita na papahiramin niya ako kaya hindi na nag-abala si mama na ihanap ako ng sandals.

"Aira."
Anak ng tokneneng to me. Huy ano ba huwag ako ang ginugulat niyo, sinasabi ko sainyo!
Pagtingin ko sa likuran ko nakita ko si Rence at may inaabot itong paperbag saakin.
Napansin ko agad ang new hair cut niya. Gumwapo nanaman siya. Luminis yung mukha. Naging maaliwas tignan. Hindi naman mahaba ang buhok niya dati. Sadyang parang mas bagay sakanya itong haircut niya ngayon.
"Naks. Ready-ing ready ka na bukas ah." sabay kinuha ko yung paperbag na inaabot niya sa akin.
Ngumiti na naman ito! My pamily! Enebe Rence.

"Hahahaha. Ba't ikaw hindi blooming tulad ng ibang babae na nakasalubong ko kanina? Aira ang bblooming nila. Hahahaha. Ang alam ko nakapagbeauty rest ka na dapat kasi walang pasok kaninang umaga edi nakatulog ka ng maayos kagabi." sinimangutan ko naman agad siya.
Grabehan Rence? Nawalan tuloy ako ng self esteem.
Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya at tinignan ko nalang ang laman ng paperbag na iniabot niya.
"Uy joke lang!" hindi ko pa din siya iniiling. Nakita ko ang sandals sa loob ng paperbag. Ito na ata yung pinahiram ni Tita. Wow kumikinang kinang pa! Parang pasko.
"Airaaaaaa" hindi ko pa din kinibo si Rence at nagtangkang layasan na ito.
Hindi ko alam pero nawala bigla yung mood kong makipag-usap sakanya.
Naglakad na ako papaalis sa harap niya pero sinusundan pa din ako nito.
"Aira joke lang naman. Hahahaha sorry na." nakasunod pa din ito sa akin.
Bakit nga ba hindi ko siya kinikibo?
Sira ka Aira! Huwag mong sabihin dahil doon sa sinabi niyang hindi ka blooming?
Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din siya.
"Aira. Uy joke lang. Huwag ka na mapikon. Binibiro lang naman kita." Sumeryoso ang boses nito.
Humarap ako sa kanya at nakita kong nanggigilid na yung mga luha sa mga mata niya. Iiyak ba 'to? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
"Siraulo ka kasi. Tss!" Hinampas ko siya nung paper bag na bitbit ko.
"Kasi ikaw eh." at bigla namang tumawa ito. Halah ka Rence. Yung luha mo ba sa tawa o sa guilty? Hindi na kita maintindihan.
"Binigay pala yan ni Clint sa akin. Di ka na daw niya mamemeet ngayon kasi di ka naman daw nagbeauty rest" at tumatawa pa din ito.
Ewan ko sayo Rence. Hays
"Uwi na ako. Salamat dito."
At dirediretso na akong lumabas ng gate ng school. Tawag pa din siya ng tawag sa pangalan ko.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon