T H I R T E E N 1999

23 0 0
                                    

~•~

Makalipas ang limang buwan.

Bakasyon na. Nakagraduate na din ako sa wakas sa High school! After 4 years! Mamimiss ko ang lahat. Si Clyde, ang council, ang literal na madugong exams, ang mga teachers, ang office, ang buong klase. Ang lahat. Hays.

Papunta kami ngayon ng pamilya ko sa Bohol. Naisipan nila Mama na dalawin si Lola at iba naming kamag-anak na taga dito. Matagal tagal na din kasi kaming nagkita kita matapos nung family reunion. Dalawang taon na din ang nakalipas.

Mabuti nalang at saktong umuwi sila Kuya Sam galing America. Kaya naman nagsama sama na kaming pumunta pa Bohol. May rest house kasi doon si Lola. Kung magsasama sama man kami, kahit marami, okay lang. Malaki naman yung matutuluyan namin doon.

Nasa van palang kami papuntang probinsya, nalalanghap ko na ang preskong hangin. Hindi katulad doon sa Maynila. Makakapal ang usok ng mga sasakyan. Mapapraning ka sa ingay ng kalsada.

Dito hindi. Tahimik kang makakapagtravel kasi kokonti lang ang dumadaan na sasakyan sa main road na ito.
Nasisilayan ko na ang mga naglalakihang puno sa gilid ng daan. Nagliliwanag ang mga kulay berdeng mga dahon ng palay na nadadaanan namin. Ang ganda sa mga mata. Ang liwalas ng paligid.
Mabuti na lang at pinanalunan ko ang pwesto ko dito sa sasakyan ngayon. Si Ate Rue kasi nakikiagaw pa sa akin. Gusto rin daw niyang pumwesto dito. Eh sa ako ang nagwagi. Sinukuan niya agad. Hindi niya man lang ipinaglaban. Wala talagang makakatalo sa bunganga ko. Wahahahaha.
Tignan mo, kanina pa siya tulog. Buong biyahe tulog na tulog sa likuran.

Mabuti't malaki laki itong sasakyan na nirenta muna ni kuya. Nagkasiya kaming pito. Ako, si Mama, Ate Rue, Kuya Sam, yung Georgina Wilson kong bayaw plus! yung dalawang pamangkin ko. Nabigla nga ako nung nakita ko 'tong dalawa nung sinalubong namin sila sa Airport. Ang lalaki na nila at  ppogi pa! Naks! Nagmana kay bayaw.
Si kuya kasi? Hmmm. Sabihin na nating, masyadong malayo. Sobra. Charot. Lee min hoo kaya ang kagwapuhan ni Kuya Sam.

Tulog silang lahat at kami lang ni Kuya Samang ang gising. Ako habang nakikinig ng music gamit ang earphone ko at si Kuya naman na nagddrive.

Naalala ko bigla si Rence.
Yung mga panahong pinagttripan niya ako kasi wala siyang choice? Yung papunta kami ng MOA para magsine.

Nasaan na kayo 'yon?

Matapos kasi yung ball, kinaumagahan at nagtuloy tuloy na, hindi na namin siya nakita. Nabalitaan namin nila Clint na lumipat na daw ito ng school. Hindi naman daw nito nabanggit kung saan ang lilipatan niya, nung tinanong namin yung principal.
Basta, bago pa daw mag seniors ball, inayos na ni Rence yung documents for drop and transfer.
It means, nung magkita kami sa school at sinabihan niya akong hindi ako blooming, officially nagdrop na siya nun. Pati na rin pala sa soccer team, umalis na din siya.
Nag-attend lang daw ito ng ball dahil nagpumilit yung principal namin na bago siya umalis, magsaya muna siya by attending the party.
A

nong masaya sa pag-alis?
Bakit pa kailangang magsaya kung aalis ka lang naman? Kung mangiiwan ka lang naman?

Hindi niya yun sa amin sinabi.
Ang sakit na maturingan kang kaibigan pero yung mga ganitong sitwasyon hindi niya man lang naikwento saiyo.
Sabi niya dati kami lang yung naging close friends niya sa school pero ba't ganon? He doesnt even bother to tell us na aalis na pala siya. Hindi niya man lang ba naisip kung anong mararamdaman namin? Namin na mga naging kaibigan niya na din?

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon