S I X 1999

41 2 0
                                    

~•~

Idinilat ko ang mga mata ko at natanaw si Pres sa tabi ko. Maliwanag ang paligid at may mga puting kurtina. Asan ba ako?
Nakahiga pa din ako at dama ko pa din ang panghihina ng buong katawan ko.

"Aira! Ano? Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo? Naku!" saad ni pres at alalang alala ang pinakita niyang ekspresiyon.
"Nasaan ako pres?" pinilit kong iangat ang katawan ko ngunit nabigo ako dahil naghihina pa talaga ito. Hindi ako makagalaw ng maayos.
"Nasa clinic ka. Aira naman kasi! Sabi na kasing huwag ka ng sumali doon sa cheerdance! Tignan mo sobrang pagod tuloy ang nadama mo. Na-over fatigue ka daw sabi ni Doc! Nakakainis ka naman, nag-alala talaga kami nila Clint!" pres.

Ano? Over fatigue? Paanong?
Lumitaw sa isip ko si Laurence.
Si Laurence! Siya ang huling nakausap ko bago ako...mawalan ng malay? Nawalan ba ako ng malay?! Oh my gosh!? Hindi ito maaari! Bigla kong naalala ang isang bagay.

"Pres! Magpeperform na pala kami ng cheerdance. Kailangan ko nang mag-ayos! Alam kong ngayon yun na hapon. Tama ako diba? Hapon na ngayon?" dali dali akong tumayo doon sa clinic bed at hinayaan ako ni pres hanggang sa maisuot ko ang aking magkabilang sapatos. Nanghihina pa din talaga ako. Nakakainis na ang katawang ito! Mabuhay ka naman kahit ngayon lang! Hindi pwedeng hindi ako makasama sa performance. Baka sabihin nung mga ka-members ko na Inindian ko sila. Naku!

"Aira," saad ni pres sa mahinahong tono habang nakaupo siya doon sa night stand table sa gilid ng clinic bed na ito.
Tumingin ako sakanya at dama ko pa din ang panghihina ng katawan ko kaya naman napahiga ulit ako sa clinic bed.

"Oo hapon na ngayon," napabuntong hininga siya ng malalim na aking ipinagtaka.

Nakita ko ang oras sa wall clock ng clinic.

3:12pm na.

"Alas tres na ng hapon. Obviously, tapos na ang competition. Nawalan ka ng malay kaninang 10:30 ata. Basta sumugod ako dito mga 10:30 na din. Hindi ka pa nagl-lunch kaya hinang hina pa ang buong katawan mo." Lumuhod si pres sa harapan ng mga binti ko at inalis ang suot kong sapatos.

"Tapos na yung competition," pagpapatuloy niya.
"First runner up kayo. Aira, magpahinga ka na muna. Bibili lang ako ng pagkain sa canteen. Wala pang kalaman laman ang tiyan mo. Sabi kasi ni Doc hayaan ka na munang makatulog tutal halatang napahimbing ang tulog mo kanina matapos kang injection-an ng gamot. Hindi mo naman daw ikamamatay ang gutom. Pero once na nagising ka na daw, pakainin ka na agad," tumayo si pres kaya naman nakaharap na siya sa akin habang nakahiga ako sa clinic bed at nakatingin pa din sa kisame.
Ngayon palang nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari.

Hindi ako nakaperform sa cheerdance.
Shit na over fatigue na ito! Bwisit!
Hindi ko pa din tinitignan si pres at patuloy na tinuon ang mga mata sa kisame ng clinic.
Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng aking mga luha sa gilid ng mata mo.

Muling nagsalita si pres.
"Pupunta dito si Clyde. Bibili lang ako ng pagkain mo. Aira. Okay lang 'yan. Wala kang ginawang masama," napahinto si pres sa pagsasalita at pinunasan ko gamit ang aking palad ang mga luhang pumatak galing sa aking mga mata.

"Huwag kang aalis dito," saad ni pres.
Rinig ko ang footstep niya papalabas ng clinic at ang pagbukas sarado niya ng pinto. 

Patuloy nang umagos ang mga luha ko, wala na akong nagawa kundi pumikit.
Anong kapalpakan ang nagawa ko? Iniwan ko ang mga ka-members ko! Hindi ako nakasabay sa performance. Nasayang lang ang pagsama ko sa kanila sa mga practice.
Nasayang ang lahat ng effort ko! Ang effort naming lahat. Bwisit! Everything turned into pieces. Wala akong naitulong sa kanila.
Hindi ko na macontain sa sarili ang nararamdaman ko.  Kaya naman napahagulgol na ako sa iyak.

~•~

Tatlong araw nang nakalipas ang three days intramurals ng school. Lunes ngayon at nagsisimula na naman ang hinagpis ng bawat subject namin na aaralin.
Sising sisi pa din ako sa sarili ko dahil sa hindi ko pagsama sa cheerdance performance ng team ko. Mabuti nalang at naging okay na ang pakiramdam ko. Tatlong araw din akong hindi lumabas ng araw. Mabuti nalang weekend 'to umatake.
Buo nga ang naging desisyon ko that time na lumuhod sa harapan nilang lahat.
Pero nagkamali ako sa hinalang galit na galit sila sa nagawa ko. Instead na magalit sila, bago pa man ako makauwi matapos mangyari ang pagkawalan ko ng malay, binisita nila ako sa clinic. Oo silang lahat mismo! Hindi naman pwedeng pumasok silang lahat sa clinic kaya yung iba doon nalang nagantay sa labas.
Yung pinanalunan nilang trophy ay ibinigay nila sa akin. Mga abnormal 'to. Hindi ko alam kung nangiinsulto ba sila or nangiinsulto talaga? Hindi na nga ako nakasama sa performance, ibibigay pa sa akin yung trophy? Eh kung ipalamon ko yun sa kanila.
Hehehehehehehehehe. Pero lubos ang pasasalamat ko sa kanilang lahat. Napaiyak talaga ako that time sa harapan nila at maging sila ay nadamay sa pag-iyak ko. Pero si Kian! Hindi! Ang strong naman ng ugok na iyon. Di nagpapadala sa feels ng iba.

Akala ko talaga maiinis sila sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi expected na mangyayari yun sa akin. Malay ko bang over fatigue na pala ang nararamdaman ko at nawalan pa ako ng malay sa harapan ni Laurence? Bwisit diba?
Doon ko napagtanto na I am so bless while working with them. The whole 3 weeks na itinuon namin sa practice para sa performance ay totoong naging pamilya na ang turingan namin sa isa't isa. Kahit iba iba kami ng section at hindi talaga close noong una, eh hindi yun naging hadlang para makilala pa namin ang bawat isa.
Maraming salamat teammates! Wala man ako noong performance pero ipinakita niyo na the show must go on kahit kulang yung buong team. Yung mga exhibition na dapat ako yung gumawa, nalusutan niyo! Nagawan niyo ng paraan! Nakakataba ng puso na kahit wala ako nung performance, malaki pa din ang pasasalamat niyo sa akin. Mas malaki ang pasasalamat ko sainyo sa tiwalang ibinigay niyo sa akin.
Itong 17 members ng cheerdance team na nakasama ko ay ittreasure ko habang buhay! Saranghae chinggus!

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon