T W E L V E 1999

21 0 0
                                    

~•~

Papatapos na ang party. Sayawan nalang ang ganap. Ang ganda ng mga pinrepare nung mga event organizer para sa ball na ito. Sulit yung binayad namin.
May isang part sa program na nagplay sila ng tribute naming mga seniors. Mga videos at litrato namin during school activities.
Meron nga akong picture doon, nakakahiya. Kalaki laking mukha ko yung tumambad sa screen. Nagtawanan tuloy yung mga kasama ko.
May in-award-an naman ng Face of the night. Yung nag-stand out the whole night dahil sa kagandahang taglay. At siyempre si pres yun at yung lalaki na taga ibang seksiyon.

Marami pa ang nangyari. Ang saya saya ng ball na ito! Ibang iba sa mga party na in-attendan namin during our lower years. Pagtungtong mo pala talaga ng 4th year, isa sa mga kaabang abang ang Seniors ball. Sana nga maulit 'to! Kahit after graduation may ganito ulit.

Mas naging masaya ang gabi dahil dito sa mga nakasama ko. Lahat ko naman nakajamming pero mas nakabond ko itong sila Clint, Dylan, Pres, Ashley (lahat ko classmate), Paolo (yung ka mutual understanding ni pres na hindi namin classmate) at si Rence (na hindi rin namin classmate).
Hindi na umalis doon sa mesa namin si Rence at tuluyan nang nakijam sa amin.
Nang lumaon nawala nalang bigla yung 'discomfort' kong nararamdaman kay Rence. Naging sobrang komportable ako sa kanya ng lumalim ang gabi.
Ang saya saya nilang kasama. Nagtawanan at nagbiruan lang kami't nag-enjoy ng mga pagkain. Busog na busog na kami sa pagkain pati pa sa kakatawa.
Hindi na saamin uso yung kapag magpplay ng love song eh may sasayaw sayo na lalaki? Heh. Mas masaya yung naging mundo naming pito. Wala na kaming pakialam sa mga nagsasayawan. Nagbibiruan nalang kami the whole time.

Prohibited yung mga alcoholic beverages, kaya naman puros soda, juice at tubig lang. Okay nga yun eh. We felt the comfort because of the absence of those drinks. Tsaka mga under age pa kami para uminon ng mga ganoon.
Buti nalang sumunod naman yung mga istudyante at wala kaming nabalitaang nagdala dito sa venue. Good job!

Nakakamiss pala si Clyde. Parang naging kulang kami. 3rd year pa lang kasi siya at 4th year lang at mga teachers ang invited sa ball. Sorry Clyde. We'll see each other again. We'll jam too as if its our last. Huwag kang mag-alala, masaya kaming wala ka dito. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Habang patuloy pa din ang sayawan, lubos lubos pa din ang kwentuhan namin.

"Doon sa school ko dati amg kokorni ng mga tao. Hindi ka mageenjoy. Subsob ka sa pag-aaral." sabi ni Ashley.

Bagong lipat din kaso this year sa school namin.

"Ikaw Rence? Sa school niyo ba masaya?" tanong ko sakanya.

"Medyo."

Naghalakhakan kami sa naging ekspresyon ng mukha niya. Parang hindi tugma doon sa sagot niya.

"Ba't ka pala lumipat ng school, Rence?" tanong naman ni Paolo.

"Nalipat kasi si Dad ng place ng work. I need to join him kasi dadalawa nalang kaming magkasama sa buhay." siya

"Ohhhhh" sabay sabay naming sagot sa kanya.

Hindi naman kasi 'to nagkkwento si Rence sa amin nila Clint tungkol sa family niya.

"Well sa paglipat mo, I know that you are really thankful. Kung di ka lumipat, di mo masisilayan ang kagwapuhan ko." ani ni Dylan.

"Siraulo ka na Dy. Ang assuming mo!" pangbabara naman ni Ashey.

Malakas na tawanan na naman ang sumalubong sa mga tenga ko.
Parang mga sira 'to. Hahahaha.

"Uy ang ganda ng tugtog!"
Narinig kong pinlay yung kanta ni Jessie J. Yung grooving song niya. Kaya naman nagsitayuan sa mga upuan nila sila Clint, Dylan at Ashley at pumunta doon sa dance floor at nakisayaw na.
Nawala sila bigla sa paningin namin. Nalamon na nung ibang mga nagsasayawan.
Naiwan kami sa mesa nila Paolo, pres at Rence. Medyo malayo yung distance namin ni Rence sa dalawa.
Tawanan ng tawanan yung sila Paolo at pres. Kinuha ko naman yung phone ko dahil baka nagtext na si mama. Hindi ko na muna pinansin si Rence dahil busy din 'to mag cellphone.

"Aira, magpicture nga tayo. Dali"
Nakita kong nakaselfie mode na yung phone ni Rence at inangat niya na ito.
"Smile mayora"

Click!

At ngumiti naman ako.
Ayan ah Rence! Medyo breezy ang dating. Galawan ka din!

"Patingin nga, baka sabog yung mukha ko doon."
Inilahad ko yung kamay ko sakanya.
Iniabot niya naman sa akin ng walang alinlangan yung phone niya.

"Punta lang akong rest room, Aira."
At iniwan niya ako habang nasa akin ang phone niya.
Tinignan ko naman agad yung selfie na kinuha namin kani-kanina lang.
Para nga akong mayora dito na nakasilver dress. Yung kakatapos lang magpreach, millenial na mayor ang dating ko dito.

Nakakatuwang pagmasdan dito si Rence. At sincere nung ngiti niya.
Wow! May picture na kaming dalawa.

Dahil wala pa naman si Rence, naisipan mong iscroll muna yung ibang mga photos sa Gallery niya.

Wala naman masyadong pictures.
Meron naman pero mga mukha ng aso.
Ay ang cute! Alaga niya ata ito.

Patuloy ako sa pagtingin ng mga pictures. Wala namang ibang laman, mukha lang naman ng aso at mukha ko. Este yung picture naming dalawa.

Pagback ko sa Home ng phone niya bumungad sa akin ang mukha ng isang babae. Wallpaper ni Rence. Nakapony tail na medyo messy yung buhok nito at ang weird ah, naka dork post siya. Pero kahit pangit yung post niya, maganda pa din siyang tignan.
Sino kaya 'to?
Tinitigan ko ulit yung babae. Parang magkakaedad lang kami.
Ang ganda niya. Walang wala ang hitsura ko. Hindi kami magkapareho ng eyelashes, eyelids at mata. Masyadong pangit yung akin. Ang ganda ng ilong niya. Makinis din ang kutis niya. Makinis din naman ang kutis ko sa mukha. Siguro dala ng consealer na ipinahid sa akin.
Ang ganda ng buhok niya kahit hindi naka-ayos. Bakas na bakas sa mukha niya ang totoong tuwa. Pagpinagmasdan mo siya, mapapasmile ka na din kasi sobrang sincere ng pinapakita niyang expression.

Parang sumikip ang dibdib ko. Nararamdaman ko ang unti unting pagkadurog ng puso ko.
Halah? Aira? Bakit?
Hindi ko na namamalayan na kumukunot na pala ang noo ko. Gusto kong ioff ang phone ni Rence pero gusto ko pa ding makita ang mukha ng babaeng ito.
Bakit parang nasasaktan yata ako?
Aira?
Nagflash sa isip ko ang ginawa ko kaninang pagccompare ko sa sarili ko dito sa babae.
Bakit nga ba pinagiisip ko 'yon?
Why am I giving a comment to myself while comparing it to this girl?

Ang malala, bakit parang namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko habang tinititigan pa din ang babaeng ito?

Shit Aira?

What the heck you think you're doing?

You're pittying yourself again!

Tuluyang nang lumapag sa mga pisngi ko ang mga luhang namuo sa mga mata ko at kanina pa naghahangad na mailabas.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon