E I G H T 1999

28 2 0
                                    

~•~

Sunday ngayon at nagyayaya si Clint na manuod daw kami ng sine.
Bet niya daw kasing panuorin yung showing ngayon na hollywood movie. Sabi ko nga maghintay nalang siya ng 1 year at sa TV nalang siya manuod. Tutal ipapalabas din naman yun sa TV.

Hays. Ang gastos naman ng isang 'to. Buti kung ililibre niya ako, naku! Kahit 'di na ako maligo at kumaripas agad papuntang bahay nila eh sasama ako.

Tinawagan ako ngayon ni Clint at nagpupumilit na samahan ko na siya.

"Sige na nga! Libre ko na!"

Napaubo ako at muntik nang maluwa yung sandwich na kinakain ko.

Halah! Si Clint!
Ano ulit?

"Ano Clint?!" paglilinaw ko sa narinig ko sakanya.

"Libre ko na! Basta sumama ka na! Nakakainis ka naman kasi. Tipid ka ng tipid wala ka namang ipon," Clint.

"Aba. Edi huwag na, hindi na ako sasama. Mapanglait ka talaga!" ako.

Hoy Clint akala mo naman.
Oo nagtitipid ako. Ayoko kasi gumastos sa mga wala namang kwentang bagay.

Tsaka yung pera na naiipon ko, allergic sa alkansya o sa wallet man, nagtutubig ganon! Kaya binibili ko nalang ng pagkain. Dahil pagkain ang may kwenta sa buhay ko!
Hays, makalait ka hindi mo nga naman alam yung reason ko.

"Sige na. Mamaya mga 2:30 punta ka dito sa bahay. Bakla pag na-late ka iiwan ka namin nila Clyde. Walang sisihan!" at in-end na niya yung tawag.

Bastos! Di man lang nagpaalam ng maayos. Naku gigil na ako Clint.

Oo nga pala, niyaya niya din si Clyde at ayun walang paalinlangang nag "sure" agad yung ugok.

Sasama sama na naman iyan tapos di magsasalita all through out the lakad.
May mga times kasi talaga na sasama si Clyde sa lakad namin ni Clint pero hindi mo naman ma-feel ang kanyang presence.

Susunod sunod lang sa pinupuntahan naming mga stall sa mall tapos titingin tingin din tapos mabibigla ka nalang may pinamili pala siya ng di mo man lang namalayan.

Nakakabilib nga hindi napapanis yung laway niya.
Ano kayang toothpaste ng isang 'to?
Hindi talaga yun mapagsalita lalo na in a crowd place at lalong lalo na kapag walang kwenta ang pinaguusapan namin ni Clint. Nagreremain silent nalang siya. Ewan ko ba diyan, mood swing.

Masaya naman 'to kasama.
Oo naman masayang masaya, lalo na paglibre niya yung pa-foods. Mehehehehe.

Hindi naman 'to mahiyain si Clyde.
Nakita niyo naman yung ginawa niya saaking pagpapahiya sa harapan ni Laurence, yung pinakita niya yung picture ko? Nako. Siraulo siya.

Maybe let's conclude that this man is suffering from a cold personality lang talaga.
Maybe nagbibinata kaya pinipilit na i-isolate yung sarili?

At hindi yun nakakapogi!
Sa mga lalaki diyan. Nakakainis lang pagpapacold niyo.
Hindi ko nilalahat.
Heh!

Pero kung kami lang talaga nila Clint at Clyde yung magkakasama?! Jusko! Demonyo 'to si Clyde. Mapanglibak ng kapwa. Madaldal 'to. Sobra.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon