F I V E 1999

45 0 0
                                    

  ~•~  

School

Nagsisimula na ang pageant sakto ng pagkarating namin sa school. Tinapos na namin ang lahat lahat na preparation sa cheerdance. Naniniwala ako sa mga ka-members ko.

Ang gaganda at gwapo naman ng mga candidates. Nakakapangbaba ng self esteem. Huy dahan dahan naman sa pang iinsecure sa isang katulad ko. Masyadong sinasagad niyo agad.

Natanaw ko naman si Laurence na nakasuot din ng Military attire para sa first crowd exposure nila habang nakatayo at nagsstrike ng kanyang post sa stage.
Nanghina bigla ang mga binti ko sabay ng pag-ikot ng nararamdaman ko. Dama ko na naman ang naramdaman ko kanina.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Laurence. Mas gumwapo siya ngayon kaysa kaninang nasa harapan ko siya. Nadama ko na naman bigla ang malakas na kabog ng puso ko. Abnormal na ito. Virus ba si Laurence at umiiba ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya?!

Kanina pagkaalis na pagkaalis nila doon sa court na pinagppractice-san, bigla akong nakahinga ng matiwasay. Nawala ang sakal na nadarama ko kaya tuloy tuloy ang ginawa naming polishing.

Hindi na umatake yung bigat ng katawan na nadama ko. Pero ngayon na tanaw ko na naman ang mukha niya, ang mga ngiti niya, bumabalik na naman yung abnormal na nararamdaman ko lalo na ang mabilis na tibok ng puso ko. Ayoko na.

Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko dahil sa kakaibang iba pinaggagawa ko ngayon. Bukod sa naguguluhan din ako sa ingay ng mga manunuod, gusto ko na munang magpahinga dahil parang naghihina na ng tuluyan ang buong katawan ko. Siguro inaantok lang ako? Kahit na naka 50,000 na kaming ulit ng practice sa araw na ito? Abnormal na talaga ako. Ano na naman ba itong nararamdaman ko. Huhu

Makapunta na nga lang sa student council office at magpa-aircon. Alam kong busy ang ibang officers nag a-assists sa pageant. 

Hindi ko na din alam kung saan pumwesto si Clint dahil nawala ito bigla sa paningin ko. Asan na yun?

Dahil madadaanan ang room na isinadya para sa mga candidates sa pageant papuntang office, gusto ko sanang puntahan muna si nanay (trainor namin) na ayos na ang performance namin kahit ibang iba na talaga ang nararamdaman ng buong katawan ko. Kahit papaano naman bumabalik pa din yung isip ko sa mundong ibabaw. Nakalimutan ko din bigla si Laurence at naglakad patungo doon sa room.

Malapit na ako sa may pintuan ng room nang mahulog yung dala dala kong tumbler ng tubig. Natanggal yung hawakan kaya naman nahulog ito galing sa kamay ko. 

Tatayo na sana ako nang matulak ako nitong nakasalubong ko sabay ng pagtumba ko at pagka-out of balance kaya napaupo ako sa sahig. Galing siya sa loob ng room kaya siguro hindi niya ako napansin na papasok dahil nakaupo ako para kunin yung tumbler. Bigla namang nahilo ako! Aray! Biglang sumakit yung ulo ko!

"Shit!" napabulong ako at minadaling kinuha agad yung tumbler ko.

"Sorry! Naku I'm really sorry. Okay ka lang ba?" saad ng boses ng taong nasa harapan ko ngayon.

Papatayo na ako ng maiangat ko ang ulo ko ng maayos.
Tumambad sa akin ang pagmumukha ni Laurence.

BAKIT?
SA
GANITONG
SITWASYON?
BAKIT.

"Sorry. Hindi ko napansin. I'm sorry!" hinawakan niya ako sa braso at tinulungang makatayo.
Nag-init ang buong katawan ko at napatayo nalang ako ng kusa at tinanggal ang kamay niya sa mga braso ko.
"Ay! Okay lang. N-naku! P-pasensiya na!" inayos ko ang dala kong backpack dahil matatanggal na ito sa balikat ko. 

Nahihilo na talaga ako! Shit ang sakit sa ulo! Isa pa! Halah! Si Laurence nasa harapan ko! Halah!

"Sorry talaga!" tinulungan niya akong masuot ulit sa mga balikat ang backpack na dala ko.
"A-ah! Sige na o-okay n-na, okay na. B-balik ka na. Hahahahaha goodluck, goodluck!" 

Tuloy tuloy akong naglakad sa direksyon kung saan papunta sa office. Nakakahiya! Ayoko na! Nahawakan ako ni Laurence! Tinulungan niya ako! Lord? Andiyan ka po ba? Nakakaloka. Bakit kailangan ko pang madapa. Napamura pa ako sa harap niya! Narinig niya kaya? Naku! Isa talaga akong malaking kahihiyan! Umiikot na talaga ang sakit ng ulo ko papuntang mukha ko.

Nasa harapan na ako ng office at papasok na sana nang..

"Excuse me!" narinig ko ang boses sa likuran  ko.
"Aira diba?" Napaharap ako doon sa nagsasalita at oo! Nakakashokla! Nakakapatay ng kaluluwa! Nakakastress! Si Laurence!

"Hi!" at kumaway ito sa akin.
Lumapit siya sa harapan ko at tumayo ng matagal.
Hindi ako nakapagsalita dulot ng tumitinding pagkahilo plus! kinabahan ako sakanya kaya naman nakatayo siya ng ganoon katagal. Ano! Aira! Huy! Galaw na!

"Hahahahaha." tumawa ito bigla.
Anong nakakatawa? Namumula ba mukha ko?!
"Aira. Huy!" ngumiti ito sa akin at nag snap ng kamay sa harap ng pagmumukha ko.
"Okay ka lang ba?" sa tonong nag-aalala.

"A-anong ibig m-mong s-sabihin? Hehe," napatawa ako ng pilit dahil I don't know shit para akong timang!
Inilagay niya ang kaliwang palad niya sa noo ko.
Inilayo ko naman bigla yung mukha ko sa kamay niya.
"Anong ginagawa mo?" diretso kong tanong sakanya at umatras ng kaunti papalayo sa harapan niya.
"Relax. Wala akong masamang gagawin. Hahaha."
Halah! Laurence! Tama ng tawa. Hindi mo 'to ikababaliw. Ikababaliw ko 'to! Tumitindi ang pagkahilo ko sabay ng pagtibok ng mabilis ng puso ko.
"Tinulungan kita kanina 'diba sa pagtayo at nahawakan ko ang magkabila mong braso. Ang init. Sinundan kita kasi baka may lagnat ka. Hindi kasi normal yung init ng mga braso mo. Baka mahimatay ka bigla kaya sinundan kita. At ngayon hinawakan ko ang noo mo, mainit ito at pinagpapawisan ka pa," saad nitong dirediretso sa akin.

Nawala ang kabang naramdaman ko sabay ng panghihina ulit ng mga tuhod ko. Nabitawan ko ang tumbler na hawak ko. Tinitigan ko si Laurence sa mga mata. I saw these eyes before! I did!

 Pagkatapos nun wala na akong naramdaman sabay nang pagbagsak ng buong katawan ko sa sahig.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon