S I X T E E N 1999

35 1 0
                                    

~•~

"Sino?" tanong ko kay Lance.
Sinagot naman ako nito ng tawa. "Hahahahahaha!"

Tama ba talaga ang rinig ko? Si Laurence? O sadyang naghahallucinate na naman ako?
Ano namang kinalaman ni Laurence dito? Hindi naman siya kilala ni Lance.

"Uy naman kasi Lance! Ano ulit?" seryoso kong tanong sakanya.

"You like him Aa?"
Humarap ulit ito sa akin.

"You like Laurence? Tama ako?"

Hindi ko pa din lubos na naiintindihan ang pinagsasabi ni Lance.
Ano naman ang alam niya sa amin ni Laurence? Ang alam ko, malayo ang Bicol sa school namin dati ni Laurence. At mas malayong malaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Laurence. Hindi ko nga makwento sa iba, paano niya naman malalaman? Alien ba si Lance?

Nakakapagtelepathy ba ang mgs tenga niya?
Ah Aa! Baka naman ibang Laurence ang tinutukoy niya. Sino bang Laurence yun?

"I knew it!" pumalakpak siya sa harapan ko at agad na hinila ako papalapit sa kanya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Nagpumiglas ako sa yakap niya habang siya naman ay pinaghihimas ako sa ulo.

"Sira ka na Lance, anong ginagawa mo!" Nagsisimula na akong mainis sa kanya.
Ano ba 'to? Ano ba siya! Hindi na ako natutuwa. Ang weird! Sobra.

"Dapat nung naramdaman mo na 'yan, inamin mo na sakanya. Nalulungkot ako para saiyo mahal kong pinsan."
Tuluyan akong humilay sa pagkakayakap niya sa akin.

"Siraulo ka talaga Lance! What do you think you're doing? Tama bang basta mo nalang akong yakapin at maglilintanya ka diyan na hindi ko man lang maintindihan!"

Nainis na ako ng tuluyan kay Lance. Sira ba talaga siya? Nakakapanibago lang kasi.
Oo niyayakap niya ako dati, and im used to it. Pero ang abnormal lang, bakit may mga pinagsasabi siyang hindi ko ma-gets? Nagttopic na din siya tungkol sa lovelife niya na hindi! hinding hindi niya ginagawa noon! Never naman siyang naging open in terms of love.
Gusto niya ba akong mabaliw kakaisip sa ginagawa niya sa akin ngayon! Bwiset ka Lance!

"Relax Aa. You're over reacting again."

Nakangiti na naman siya. Naiinis na ako Lance sa mga ngiti mong iyan. Insulto ba iyan?!

"Yes. I'm talking about Laurence. Ahuh," sabay tango siya ng ulo. Napakunot ako ng noo.

"Laurence Montebaldo."

"Si Rence na ginugusto mo," dagdag pa niya at tumawa na naman siyang nakakapanginsulto.

Sandali.
Tama nga ako?!
Si Laurence nga.
Pero?
Naglalaro pa din sa isipan ko kung bakit, papaano at bakit paanong alam niya?

"Look."
Sumeryoso siya ng aura.
"You're too weak on remembering childhood memories huh? Paanong hindi mo maaalala ang childhood crush mo? Laurence is Bogs. Magkasunod na summer tayong nagbakasyon with him. Anak siya ni Tito Red, ang bestfriend ni Tito Helmer.
Okay I'll spill the tea"

Huminga ng malalim si Lance at nagpatuloy sa pagkwento habang ako, hindi ko maigalaw ang mga tuhod ko. Bakit hindi ako makakibo?!

"Si Bogs? Remember him? No?!
Ano ba 'yan Aa. Ang lalaking kinababaliwan mo noong 7 years old ka habang 8 years naman ako! Proud na proud mo pang pinapangalandakan sa amin na crush mo siya. Hahahahaha. Tapos ngayon? Hindi mo na siya matandaan? 9 years lang ang nakalipas ibinaon mo na agad sa limot si Bogs. Kawawa naman ang bestfriend kong 'yon."

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon