F O U R T E E N 1999

23 0 0
                                    

~•~

"Dalaga ka na apo! Kaawaan ka ng Diyos!" sabay mano at beso ko kay Lola Paz. Namiss ko siya kaya naman napayakap ako sa kanya ng mahigpit pagkarating na pagkarating namin sa kanila.

"Lola Paz! Namiss ko na yung mga alaga niyong kabayo. Sina choco at oreo. Asan po sila?!" excited kong tanong kay Lola.

"Andun sa malawak kong palasyong hardin. Sige na puntahan mo na muna. Hahaha" at nagtawanan kami ni Lola Paz.

Nakarating na rin kami sa wakas sa malapalasyong mansion ni Lola dito sa Bohol. Hindi naman kami mayaman. Sila ang mayaman. Kanila ang malawak na espasyong ito. Masasabi ko nalang na ang pagkakaroon ng malawak na lupaing katulad nito ay nakakasagana ng buhay. Sagana nga sina Lola.
Wala pa ding pinagbago yung lugar. Masarap pa din ang preskong hangin lalo na dito sa teres. Nakakamiss talaga ang probinsya!

Goodnews! Hindi lang pala kami ang magbabakasyon kay Lola Paz, pati yung mga pinsan kong taga Bicol, pupunta din dito! Ibig sabihin isang malaking kaguluhan na naman ito. Darating na yung favorite kong si Tita Elen at Tito Kris. Fave kasi nga palagi akong may regalo galing sakanila pag nagkikita kita kami. Baka ibigay sa akin ngayon, siling labuyo fresh from Bicol.
Kasama nila yung mga siraulo kong mga pinsan, sina Louise at Lance. Mga pasaway na anak nina Tito. Kaedad ko lang si Louise at matanda ng isang taon saamin si Lance.

Matagal ng namatay ang asawa ni Lola Paz, si Lolo Sing dahil sa dinanas na sakit sa puso. 10 years na din ang nakalipas.
Hindi naman dito nagiisa si Lola kasi kasama niyang maniharan sa mansion sina Tita Belen at Tito Helmer kasama yung tatlo nilang anak. Kapatid ni Mama si Tito Helmer. Meron silang business na pinapatakbo dito rin sa Bohol. Sila na ang nag-alaga kay Lola.
Biniyayaan ang mag-asawa ng isang pares ng kambal na babae at isang binabae. Hihi sina Krisha at Krishme at si Kuya Marcus.
Panganay si Kuya Marcus and very blessed ang family niya sakanya, sa kanilang tatlo. Napakabait na kapatid at mabuting anak kina Tito at Tita. Tapos na siya mag-aral at ngayon ay isa siya sa mga Fashion icon ko. Fashion designer si Kuya Marcus at nagttrabaho sa sikat na fashion company dito sa Bohol. Yung kambal naman, mag tthird year high school na sa pasukan.

May dagat malapit dito sa mansion nila Lola na madalas puntahan ng mga turista lalo na kapag summer.
Resort ang pinapatakbong business nina Tito Helmer na malapit doon sa dagat. May mga swimming pool, kainan, souevenir shops, bars, at maging inn na pwedeng pag-stay-an ng mga namamasyal. Ang yayaman talaga ng mga kamag-anak namin.
Bukas nga pupunta kami doon sa resort para ifeel na ang beat the heat ng summer.
Pero mangingitim na naman ako. Huhuhu.

"Halika na kumain na muna tayo ng pananghalian." pagiimbita sa amin ni Tita Belen.
Ang rami nilang inihandang pagkain sa pagdating namin. Lamunan na!

"Ate Aa!" kiniblit ako ni Krishme na kanina pa nakangiti sa akin.
"Oh bakit?" niyakap ko naman ito. Namiss ko siya!
"Ate Aa, may boyfriend ka na 'no?" tanong nito sa akin.
Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sakanya.
"Wala. Hahahaha. Ikaw talaga." pinisil ko siya sa pisngi at nakiliti naman ito.
"Weh? Dalaga ka na eh. Pwede ka na mag boyfriend."
"Naku ikaw talaga Krishme. Sige pag meron na ikaw ang una kong pagsasabihan! Halika na, mamaya na tayo magkwentuhan pakakain."
Niyaya ko na siya at sabay na kaming pumunta sa kusina.

Boyfriend?
Batang 'to, masyado pa ata akong maaga para sa mga ganyan. Kakagraduate ko lang ng high school. Intrimitida talaga 'to si Krishme. Kaya minsan napagkakamalan namin na mas matanda pa kesa samin kung humagilap ng chismis. Napaka mature pa niya mag-isip.

Pagkatapos naming mananghalian, dumiretso na ako doon sa kwarto na tutuluyan namin ni Ate Rue. Kaming dalawa lang sa kwartong ito. Si Mama naman, doon muna sa kwarto ni Lola Paz.
Nakakapagod ang siyam na oras na biyahe. Nakakajetlag tuloy. Kaya naman naidlip na muna ako para mabawi ko ang tulog.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon