T E N 1999

41 2 0
                                    

~•~

Exam week ngayon at halos lamunin na ako ng mga notebooks ko dahil sa rami ng rereview-hin. Lahat major subjects. Walang pa minor. Lahat pabebe ay este pabibo ang mga subjects lalo na ang Integral Calculus!

Andito kami ngayon ni Clint sa office at kanina pa niya ako tinatanong tungkol sa naging lakad namin ni Rence noong Lingo. Hindi ko pala sakanya nakwento kahapon kasi yung first batch ng exam masyadong madugo. May sanduguan na naganap. May mga totoong na-nosebleed sa exam, yung classmate namin ni Clint. Mabuti nalang at naging okay siya agad at naipagpatuloy ang exam.

"Ano? Anong sabi sayo? I love you ganon?"
Ay tae 'to si Clint.
Kahit na may nararamdaman ako kay Rence hindi naman ganon ang iniisip ko habang kasama ko siya nung Linggo.
Oo nga pala. Nasort out ko na ang lahat. Ang confusions. Nagtanong ako kay simsimi.
Alam mo sagot niya? "Inlove ka na duday!"
Hayop 'to si simsimi. Hindi naman duday ang pangalan ko. Aira! A.I.R.A
Siguro nga paghanga talaga ang nararamdaman kong ito para kay Rence. Crush ba yung ganon? Halah.
Heh! Kahit na, abnormal pa din ako.

"Baliw ka. Nagpasama lang yung tao. Naglaro ng basketball sa park." ako
"Ano?" napatayo sa kinauupuan niya si Clint at lumapit ito sa akin.
"Basketball? Marunong siya? Wow! Holy God! Yes Laurence it's a YES!" at napatili pa ito.
"Para kang sira Clint. Nagbasketball lang naman siya mag-isa. Mabuti nalang konti ang tao doon sa park na pinuntahan namin." ako
"Dapat isinama mo ako!" Clint.
"Ininvite ka ba? 'Diba ako lang?" ako.
"Okay" bumalik ito sa kinauupuan niya at nagpatuloy sa pagbabasa ng notes niya. May exam kami mamaya. 1 hour nalang magsisimula na iyon. Mabut may vacant hour kami ngayong hapon.

Oo nga pala. Noong Sunday eh sinamahan ko nga si Laurence. Maging ako ay nabaliw dahil marunong palang magbasketball ang isang 'to. Oh yeah.
Hindi ko nga din alam kung saang park ba 'yon. Sumunod lang ako sakanya at ayon naglaro siya mag-isa. Pagdating na pagdating namin sa court, kinuha niya agad yung bola sa lagayan at nagsimula mag dribble. Di na niya ako kinibo.
Tinitigan ko lang siya maglaro. Hindi siya naimik habang seryosong pinapashoot ang bola sa ring.
Halos one hour din ang inaksaya niya sa paglalaro. Pagkatapos nun nagpaalam siyang magpapalit muna ng damit dahil basang basa sa pawis yung shirt niya.
Pagkatapos nun, nanglibre na siya sa Korean resto na malapit doon sa park. Nag-usap kami ng kahit ano.
Pero ang weird lang. Hindi niya man lang tinopic yung paglaro niya ng basketball sa park. Hindi ko na din naman siya tinanong tungkol doon. Para kasing hindi naman siya interesado itopic yung basketball. Weird.

~•~

Andito ako sa bookstore para maghanap ng sequel nitong binabasa kong libro. Nasipagan akong maghagilap ng book 2 nitong romantic fantasy na story na ibinigay sa akin ni Jess noong nakaraang birthday ko. Mabuti nalang nag-ipon ako. Kumuha ako doon sa baon kong pang 2 weeks at tinipid tipid ito para mabili ko na yung kasunod na libro.

Kasama ko nga pala si Rence. Actually dapat ako lang mag-isa ang magaadventure ngayong araw.
Papasok ako kanina sa isang stall ng mga libro para tignan kung mayroon ba sila nito, nang mahagip ng mga mata ko si Rence na papalapit saakin. Tinanong niya kung saan ako pupunta at sinabi ko naman na naghahanap ng sequel nung libro. Aba si mayor nagpumilit na samahan ako. Tutal ayaw pa naman daw niya umuwi at ililibre niya daw ako ng pizza, edi sige na, sure. Wahahahahahaha pagkain ah. Pero Aira, napapadalas ang bonding niyo ni Rence. As in bonding niyong dalawa LANG.
Baka naman mahilig lang talaga makipagkaibigan itong si Rence.
Pero sabi niya naman dati, kami pa lang daw nila Clyde at Clint yung close friends niya sa school matapos niyang lumipat last year.
Okay na yan Aira. Ililibre ka naman niya. Mehehehehehe.

Falling in love since 1999Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon