MKS Chapter 2

96.1K 2.3K 79
                                    

Pinikit pikit ko ang mga mata ko nang matapos akong mag hilamos, tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at nakita ko ang namumula kong mata at ang makikintab na glitters na natirang nakakapit sa mukha ko. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng cr ng faculty room.

"O? Anong nangyari teacher Alora?" Tanong na kakapasok na si teacher Miriam kasunod si Teacher Rose.


"Hulaan ko. Si Noctis ang may kagagawan" ani Teacher Rose.

"Napakapilyo talaga ng batang 'yan" umiiling na sabi ni teacher Miriam. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa salamin, muli kong kinurap kurap ang mata ko dahil sa pag hapdi nito.

"Mag hahanap ako ng tutor para kay Noctis" sabi ko at nakita kong mag tinginan silang dalawa.

"Seryoso?" Tanong ni Teacher Miriam

"Bakit ikaw ang mag hahanap, bakit hindi ang mga magulang niya?" Tanong ni Teacher Rose.


"Pero habang wala pa akong nahahanap, ako muna ang mag tuturo kay Noctis. Gusto ko lang tulungan si Noctis ang bababa na kasi ng grades nya. at isa pa natatakot ang ibang estudyante dahil sa pambubully nya. bilang teacher nya ayoko namang mangyari yon" ani ko, hindi kasi talaga malabong hjndi katakutan ng ibang mga bata si Noctis dahil marami rami na ring magulang ang nagreklamo dahil sa pambubully ni Noctis sa mga anak nila.

"Sabagay sayo din kasi ang sisi kasi ikaw ng teacher. Pag pangit ang ugali ng isang bata sa magulang agad ang sisi, at dahil sa school nangyayari ang kapilyuhan ni Noctis sa teacher ang sisi. Kaya okay yang gusto mong ihanap sya ng tutor" ani Teacher Miriam. Napailing ako, hindi naman dahil sa akin ang sisi ang iniisip ko kaya ko gusto kong may mag turo kay Noctis. Gusto ko lang syang tulungan dahil alam ko, ramdam ko na mabigat ang dinadala nya.

At isa pa hindi maaasahan ang Ama nya ng pag tuturo sa kanya ng tama at mali.

"After ng klase ay tuturuan ko sya sa mga ibang subject na hirap sya, kahit sandali lang para hindi sya mahirapan at mahuli sa pinag aaralan" sabi ko. Tapos na ang klase non at hindi naman siguro masama yon. Ako nalang ang mag aadjust nang saganon ay maturuan ko sya.


***




Bago umuwi sa bahay ay dumaan ako sa bahay ng mga Knight. Desidido na ako sa gusto ko. Katulad kahapon ay tinanong ng guard ang pangalan ko, tumawag sya sa cellphone na hawak nya at ilang sandali lang ay pinapasok nya ako. Habang nag lalakad papalapit sa mansion ay doon dumagsa ang kaba ko, paano ko haharapin si Mr. Knight pag katapos ng nangyari kahapon?


Katulad din kahapon ay sinalubong ako ng isang kasambahay, at hindi katulad kahapon na sa living room ako hinatid ngayon ay sa Tapat isang kwarto sa second floor.



"Sir, andito na po si Miss Colley" anang kasambahay pagkatapos kumatok sa pinto. Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ang baritonong tinig mula sa loob.

"Teka, ate huwag mo muna kong iwan" tawag ko sa kasambahay ng tangkang aalis sya.

"Bakit po?" Takang tanong nya.


"Hindi ba nananapak 'tong amo mo?" Tanong ko, ngumiti ako ng tipid ng tumawa sya. Akala ata nya nag bibiro ako.

"Hindi naman po" natatawang sabi nya saka ako tulutang tinalikuran.

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang doorknob. Muntikan na akong mapapikit ng maamoy ang mabangong amoy mula sa loob. Dahan dahan ko nang binuksan ang pinto at sumilit, sa isang lamesa ay nakita ko si Mr. Knight na seryosong nakaharap sa laptop nya. Naka suit pa sya at mukhang kagagaling sa opisina at dumiretsyp agad dito. Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nya, mukhang nag tagumpay naman ako dahil lumingon sya sakin. Inalis nya ang salaming suot nya saka niluwagan ang kulay asul nyang necktie.


"Come in" malamig na sabi nya, pinigil ko ang pag hinga ko ng tuluyan akong pumasok sa loob. Itinuro nya ang kulay puting sofa kaya dali-dali akong dumiretsyo doon at umupo. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag tayo nya mula sa swivel chair nya at nag lakad papunta sa sofa na laharap ko.


"So what brings you here again Miss Colley" tanong nya saka nag dekwarto ng upo at tumitig sakin. Naalala ko ang napanuod kong movie yung fifty shades of grey, pakiramdam ko ako si Anastasia Steel noong iniinterview nya si Christian Grey. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

"Gusto ko sanang ipaalam sa inyo na inahanap ko ng tutor si Noctis. Pero habang wala pa akong nahahan ako muna ang mag tuturo sa kanya, kung saan sya hirap ng subject. Medyo hindi kasi maganda ang performance nya sa school" diretsyong sabi ko. Nakita ko ang pag taas ng isang kilay nya at ang pag hinga nya ng malalim saka muling niluwagan ang kanyang necktie, this tine at tinanggal nya na ito.

"Do what you want Miss Colley. " pagod na sabi nya saka pumikit ng mariin. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking ito, na may napakagandang bahay at halatang mayaman ay isang irensponsableng ama.

"Papaswelduhin kita, sabihin mo lang kung mag kano. May kailangan ka pa ba? As you can see, Miss Colley busy ako" aniya, pumikit ako ng mariin.


"Hindi ko kailangan ng sweldo, tuturuan ko si Noctis ng libre. Intindihin mo ang pag babayad sa oras na makahanap ako ng tutor nya. Salamat sa pag pag papaunlak." Naiinis na sagot ko saka mag lakad papunta sa pinto. Nang tuluyang makalabas ay saka lang ako nakahinga ng maluwag, napasandal ako sa pinto hababg sapo-sapo ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ang tindi ng kaba ko, samantalang normal naman ang pag uusap namin.



"Ay, ate. Saan ang ang kwarto ni Noctis?" Tanong ko sa kasambahay na kalalabas ng kwarto at may dalang panlinis. Tinitigan lang ako ng babae, hindi sya ang nag hatid sakin kanina.

"Teacher nya ko" sabi ko

"Sa pinakadulo, yung may kulay blue na pinto" aniya saka tinuro ang kanang bahagi ng Mansion. Nag pasalamat ako saka pumunta sa tinuro nya.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay rinig na rinig ko ang ingay na nang gagaling sa loob, pinihit ko ang doorknob at sumilip doon. Sa gitna ng kamay ay nakaupo si Noctis habang nakatapat sa malaking TV at nag lalaro ng playstation. Maingay ang buong paligid dahil sa mga heavy metal na music at may nakakabit pang malaking headphone sa tenga nya.

Magulo ang buong kwarto, ang bag nya ay nakakalat lang sa sahig, ganon din ang sapatos nya. Ngayon ko lang napansin na naka uniform na sya. Mukhang pag kagaling sa school ay pag lalaro agad ang ginawa nya.

Tingin ko sa malalakas at maingay na music at pag lalaro nya nalang dinadaan ang lungkot nya. Siguro eto ang naisip nyang paraan para hindi maramdama at maisip ang lungkot nya. Siguro kaya hilig nyang mambully ay para makalimutan ang lungkot na buhay na mayroon sya dito.
Siguro sa mga ganoong paraan nya nakakalimutan ang sakit.

Ano pa ang silbi Malaking bahay mo kung wala ka namang pag papahalagang nakukuha mula sa sariling ama mo.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon