MKS Chapter 3

89.4K 2.4K 88
                                    

Katulad ng dati si Noctis pa rin ang sakit ng ulo ng lahat. Napatawag din ako ng principal dahil sa pambubully nanaman ni Noctis sa isa nyang schoolmate, nag sumbong ang bata sa magulang kaya sumugod ang magulang ng binully nya sa school. Hindi ko alam kung pang ilang beses na akong napag sabihan ng  principal tungkol sa pag dedesiplina kay Noctis.

Sinabi ko na rin kay Noctis na tutor nya na ako at inaprubahan na iyon ng Daddy nya pero parang wala lang syang na rinig.

Dumating ang sabado ay nag ayos na ako papunta sa bahay ng mga Knight. Tuwing saturday at sunday ko na piling turuan si Noctis at balak kong mag lagi ng mag hapon doon, patuloy din ang pag hahanap ko ng tutor na tingin ko ay tatagal sa ugali ni Noctis, pero sa kasamaang palafd wala pa akong nakikita. At tingin ko ay wala namang pakialam si Mr. Knight tungkol sa nangyayari sa anak nya. Dala ang mga librong gagamitin ko ay nag lakad na ako papalabas ng subdivision para mag abang ng taxi.

Katulad noong una ay hindi agad ako pinapasok ng guard tumawag pa sya sa loob bago ako papasukin. Katulad noong unang punta ko dito ay namamangha pa rin ako sa likod ng malaking gate na nakatayo. Ang laki at malawak na maze na nakikita ko ngayon ay parang ang sarap pasukin, gusto kong malaman kung kaya ko bang lumabas mula doon. Sayang labg at hindi ang maze na ito ang pinunta ko dito.

Natanaw ko agad ang nakangiting mukha ng kasambahay ng mga Knight na nakaabang sa front door, binati ko sya bago sumunod sa kanya sa loob. Dinala nya ako sa second floor kung saan nandoon ang kwarto ni Noctis, mukhang sinabi na sa kanya ni Mr. Knight kung anong gagawin ko dito.


"Ano pong gusto nyo? Juice? Coffee? Water?" Tanong nya pagtigil namin sa kwarto ni Noctis.

"Tubig nalang po, salamat" ani ko, hinintay ko muna syang makaalis bago ako kumatok sa kwarto ni Noctis. Nag hintay ako ng ilang minuto pero walang nag bubukas ng pinto kaya pinihit ko ang doorknob at sumilip sa loob. Katulad ng una ko itong nakita ay sobrang gulo pa rin ng kwarto nya, at nakita ko sya sa ginta ng kama nya na payapang natutulog. Tahimik akong pumasok sa loob at ibinaba ang gamit ko sa isag tabi saka pinulot ang mga nag kalat na gamit ni Noctis.  Naguguilty naman ako kung gigisingin ko ang masarap na tulog ng bata kaya nag hintay nalang ako hanggang sa magising nya. At habang nag hihintay ay niligpit ko na rin ang mga nag kalat sa loob, naabutan pa ako ng kasambahay na nag lilinig kaya sinabi nyang siya na ang gagawa.


"Nasabi ba ni Mr. Knight na ako ang magiging tutor ni Noctis pang samantala?" hindi mapigilang tanong ko. Curious kasi ako kung wala ba talagang pakialam si Mr. Knight sa anak nyang si Noctis.


"hmm, nasabi nya. Pero good luck dahil walang tumatagal sa batang ito" natatawang sabi nya.


"walang tumatagal? Ibig sabihin marami na rin syang naging tutor?" Tanong ko. Nakita ko ang pag tango nya habang pinapagpag ang unan na nahulog.

"Si Mr. Knight ng kumukuh?" Tanong ko. Kung si Mr. Knight ang kumikuha ng tutor ni Noctis ibig sabihin may pake naman aya kahit papaano sa anak nya. Pero nalungkot ako ng umiling sya.

"Yung Mama ni Mr. Knight" aniya, tumango ako at hindi nag tanong pa. Ilang sandali lang ay nag paalam na syang lalabas na dahil may gagawin pa sya sa baba. Ako naman ay inayos na ang mga librong gagamitin para sa pag aaral namin ni Noctis.




"Good morning" nakangiting bati ko kay Noctis ng umupo sya. Halatang nagulat sya noong una at unti-unting kumunot ang noo nya.


"Anong ginagawa mo dito?" Masungit  na tanong nya. Nginuso ko ang mga librong nasa harapan ko saka muling ngumiti.


"Mag aaral tayo" nakangiting sagot. Inirapan nya ako saka sya bumaba ng kama nya at pumasok sa banyo.



"Hey! hey aano ka?" Mabilis na tanong ko nang makitang palabas sya ng kwarto.


Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon