MKS Chapter 35

80.4K 2K 162
                                    

"Ace" nakangiting salubong sa kanya ng kanyang kaibigan ng makapunta sya sa bar kung nasaan ito ngayon.

"Jack" nakangising sabi nya kay Jack saka ito binigyan ng sinuntok sa sikmura dahilan para bumagsak ito sa sofa na nasa likod nito. Natatawa sya habang nakatingin sa kaibigan na halos mamalipit sa sakit.

"Namo" ani Jack, hindi nya mapigilan ang pag halakhak.

"Thank you." nakangising sabi nya saka nag salin ng whisky sa wine glass na nakapatong sa mesa.

"Where's Quin?" Tanong ni Jack saka dinaluhan sya sa pag inom. Nag kibit balikat sya. Kanina ay galing sya sa Restaurant nito, at nakita nya ang kaibigan na pinapanuod ang kinakabaliwan nitong babae.

"Pinapanuod ang asawa nya" sagot nya.



"Quin has a wife. I'm getting married next month. Kayo ni Kassandra kailan?" Tanong ng kaibigan..

Hindi lang iisang beses nyang narinig ang tanong na iyon, pero kahit minsan ay wala syang ibinigay na sagot. Ayaw nya na umasa ang mga kaibigan nya sa wala. Kaibigan nya si Kassandra at hindi nya nakikita ang dalaga bilang asawa.

"Kassandra is just a friend." Sagot sya saka muling tinungga ang alak na kanyang hawak.

Si Kassandra ang babaeng kasama nya kanina. Inaya nya ito sa isang dinner date, dahil nag tatampo ito sa kanya dahil nakalimutan nya ang usapan nilang lalabas kahapon.

Naging girlfriend nya sya si Kassandra bago si Shaira noong high school sila. Umalis ito upang mag aral sa ibang bansa at muli silang mag kita 2 years ago.

Aaminin nyang may apekto si Kassandra sa kanya, pero ayaw nyang muling pumasok sa isang seryosong relasyon.

"Come on Ace. Lahat ng relasyon nag uumpisa sa kaibigan. Kayo ni Shaira mag kaibigan kayo nang simula pero naging kayo at naging mag asawa, hindi nga lang nag click ang relasyon nyon. Kassandra is a whole package bro. Mabait, mayaman, maganda at tanggap na may anak ka. At isa pa pre ang laki na ni Noctis, kailangan na ng kasunod" natatawang sabi ni Jack.


He know it. He's not getting any younger. Pero wala pa sa isip nya ang muling pumasok sa isang seryosong relasyon. Ilang beses na ba nyang ginawa iyon? Una kay Shaira pero hindi rin nag tagal ang relasyon nila dahil niloko sya nito. At kay Alora na basta nalang syang binitawan kahit na ilang beses na nyang sinabi dito na mahal nya ito.

Ilang buwan syang nangangapa ng maaaring dahilan nito para bitawan sya at ipag tulakan sa iba pero wala syang makitang sagot. Umalis ito na hindi man lang nila magawang makapag usap ng maayos.

Nang minsang mag punta sya sa bahay ng mga ito at halos mag makaawa sya sa mga magulang ni Alora upang sabihin kung nasaan si Alora, pero nakiusap ang mga ito na huwag ng guluhin ang anak nila. Nag hired sya ng PI at pinahanap si Alora pero napag alaman nya na may humaharang sa lahat ng inuutusan nya. Kaya sa huli ay wala syang nakuhang kahit na anong impormasyon.

Lumipas ang mga buwan at nakatanggap sya ng text mula sa Ama ng dalaga. Ang buong akala nya ay sasabihin nito kung nasaan ang si Alora pero sinabi lang nito na masaya na si Alora kung nasaan ito. Masaya na ito kasama ang sariling pamilya.

Hindi nya pinaniwalaan iyon, hindi nya matanggap. Muli syang kumuha ng PI at pinahanap ito.

Mabilis syang pumunta ng US at pinuntahan ang address na ibinigay ni Scoth.

Desidido sya na ayusin ang relasyon nila. Ayaw nyang umuwi ng pilipinas na hindi ito kasama. Mag papakumbaba sya, mag mamakaawa na bumalik sa kanya. Gagawin nya iyon makasama lang si Alora.


Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon