MKS Chapter 27

67.6K 1.8K 171
                                    

"Daddy, punta tayo sa beach! Sama natin sila Stella at Mommy nya saka si Tita Teacher!"

Sabi ni Noctis habang nag tatatalon sa gitna ng king size bed ni Ace. Nakangiti namang sumang ayon si Ace sa anak.

Simula ng maging ama sya kay Noctis ay lagi na silang magkatabi matulog, minsan ay sa kwarto ni Noctis at minsan naman ay dito sa kwarto nya. Bago matulog ay nag kukwentuhan muna sila tungkol sa nangyari maghapon, panay rin ang tanong ni Noctis sa kanya tungkol sa buhay nya noong bata sya. Masaya namang ikinuwento ni Ace ang mga kalokohan na ginawa nya noon, tawa ng tawa si Noctis habang kinukwento nya dito ang mga nakakatawang nangyari sa buhay nya, para kay Ace ay napakasarap pakinggan ng halakhak nito.


Ngayon narealize ni Ace na hindi sya naging masaya sa nakalipas na walong taon sa buhay nya, hindi sya naging masaya dahil hindi nya naramdaman ang sayang nararamdaman nya ngayon habang kasama si Noctis. Pakiramdam ni Ace ay ngayon lang nya naramdaman na buhay sya.

Lahat ng iyon ay pinagpapasalamat nya kay Alora dahil hindi sya sinukuan nito kahit na ilang beses na nyang itong itinaboy, at kahit ilang beses na nya itong nasaktan sa mga salitang sinabi nya sa dalaga ay hindi ito tumigil na iparealize sa kanya kung gaano kasaya maging Ama.

Si Alora Colley, ang babaeng mahal nya. Alam ni Ace na hindi nya pag sisisihan na inaya nya itong mag pakasal kahit na ilang buwan palang silang mag kakilala, walang matagal o mabagal para masabi mong dapat ka ng lumagay sa tahimik. Basta mahal nyo ang isa't-isa tingin nya ay sapat ng dahilan iyon para mag pakasal. At isa pa Mahal nya si Alora higit pa kay Shaira.

Ilan tanon ba bago nya inayang mag mapakasal si Shaira? At halos hindi pa sya sigurado noon, pero inisip nya ang ilang taong pinag samahan nila ng babae kaya nag pasya sya ayain na itong maging asawa nya. Pero kahit na ilang taon ang pinag samahan nila masasabi nyang hindi nya pa rin ito kilala.

Pero hindi sya natatakot na muling pumasok sa seryosong relasyo dahil alam nyang iba si Alora, iba si Alora sa lahat at iba si Alora kay Shaira. Alam nya na hinding hind kayang gumawa ng kahit na ano ni Alora na makakasakit sa kanilang mag ama. Edukada itong babae at isa pa May tiwala sya kay Alora na wala sa ibang babaeng nakarelasyon nya, at may isang bagay kay Alora na wala si Shaira.

Para kay Ace si Alora ang perfect mother figure sa anak nya. Kita at ramdam nya na mahal ni Alora si Noctis, dahil kung hindi ay hindi mag tatyaga ang dalaga na halos kay Noctis gugulin ang panahon nito kapag walang trabaho. Tingin nya nga ay kung papapiliin niya si Alora kung sya o si Noctis ay alam nyang si Noctis ang pipiliin nito.

Pero nitong nakaraan araw ay nagkaroon sila ng hindi pag kakaintindihan.

Naiinis nya sa tuwing sinasabi ni Alora na baka ayaw ni Noctis sa kanya, hindi alam ni Ace kung paano naiisip ni Alora iyon gayong kitang kita naman nya na wala silang magiging problema kay Noctis. Gusto ng anak nya si Alora kahit noon pa man kaya hindi nya alam kung bakit nangangamba ito na sabihin sa bata ang tungkol sa pag papakasal nila.

Lagi ding sinisingit ng dalaga si Shaira na nag papainit ng ulo nya, naiinis sya sa tuwing mababanggit ang pangalan nito at nitong nakaraang araw ay ito pa ang naging dahilan ng pag tatalo nila ni Alora.

Kahit wala ito ay nagagawa nitong sirain ang buhay nya.

Pinipilit din ni Alora na mahal nya pa si Shaira kaya ayaw nya itong harapin at hindi alam ni Ace kung saan napulot ni Alora ang ideyang iyon. Ayaw nyang makita si Shaira dahil hindi nya alam kung ano ang kaya nyang gawin sa oras na makita ang pag mumukha nito! Galit at walang halong pag mamahal! Iyon ang totoong nararamdaman nya.

Pero kaya nyang harapin ang babaeng nanggago sa kanya dahil iyon ang gusto ni Alora. Iyon ang gusto ng mahal nya.

Ayaw nya noon na pinag uusapan nila si Shaira at ang pang gagago nito sa kanya. Dahil alam nyang na sa oras na hilingin ni Alora na patawarin at kalimutan ang galit kay Shaira ay iyon ang gagawin nya. Nagawa na ni Alora na ilabas ang pagiging ama nya at alam din ni Ace na kaya din nitong kumbinsihin sya na mag patawad.

Mr. Knight's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon